CHAPTER 2

8 0 0
                                        

THE GOOD VLOGGER "GUYZ TV"
CHAPTER 9
BY WILLY VERANO

My WATTPAD ACC {DAISUKEANGEL0691}

You tube Channel
(KANTOKUTAN HORROR STORY)

Habang nasa siyudad pa si Pikoy naghanap ito ng sampung Pulubi o kapus palad sa daan. Na bibigyan niya nang tag iisang daan bilang perang limos niya rito. Habang vinivideohan niya ang pagbibigay niya ng pera.

-------

"Salamat.
Malaking tulong rin ito sa amin."

"Pagpapalain ka ng poong may kapal."

"May pang tawid gutom na kami ng anak ko dahil sayo. Kaya maraming salamat sa perang ito.

"Sana marami pa ang mga tulad mo na may ginutuang puso."

Pagpapasalamat sa kaniya ng mga Pulubi sa lansangan. Sampung kapus palad ang binigyan niya nang tag iisang daan.

"Masaya po ako makatulong kahit sa pinaka simpleng paraan po. Makita ko lang ang ngiti ninyo at pagpapasalamat ay ok na po sa akin iyon."tugon ni Pikoy sa mga kapus palad niya ng tag iisang daan.

Sa matatamis na salita na binitawan ni Pikoy sa mga kapus palad na tuwang tuwa sa isang daan. Animoy isa nga siyang pulitiko na nanliligaw ng mga boto ng mga tao.

At bago tuluyan umuwi..
Nakakita pa nga siya ng isang pusang gala sa siyudad. Inakit niya ito ng dala niyang pagkain at ang pusa namang iyon ay agad na lumapit at kinain ang nilapag na pagkain ni Pikoy

Hinimas himas ni Pikoy ang pusa habang kumakain ito. Pinapakiramdaman niya kung sobrang maamo ba ito at maari niyang madala ng walang kahirap hirap

"Meow....."tingin sa kaniya ng pusa na animoy nagpapasalamat sa pagkain na binigay sa kaniya.

"Gusto mo..
Sumama ka na lang sa akin.
Para hindi ka pagala gala pa "sabi ni Pikoy na tila ba naiintidihan ng pusa ang sinasabi niya

Pero..
Tila nga naunawaan ng pusa ang sinasabi ni Pikoy. At hindi nga ito pumalag ng buhatin siya ni Pikoy. At animoy makikita pa ang saya sa pusa habang karga na siya ni Pikoy. Tila ba masaya ang pusa na may bahay na siyang mauuwian.

Inuuwi na nga ng tuluyan ni Pikoy ang pusa, walang kaalam alam ang pusang ito na magiging kabilang lamang siya kinabuksan sa naunang dalawang biktimang pusa ni Pikoy.

"Huwag kang  maingay Miming para di magising si nanay at tatay."bilin pa ni Pikoy sa pusa na itinabi niya sa kaniyang kama.

Tahimik naman natulog ang pusa sa kaniyang kama. Habang si Pikoy ay isinaayos na ang binili niyang laptop at brand new cellphone at ilan pang gamit sa pagba vlog.

"Masilip nga muna saglit ang latest video ko kung saan namigay ako ng pera "sambit ni Pikoy.

At nang tignan nga niya ang views ng pagbibigay niya ng pera. Ay aabot na ito sa million Views..

"Woow! Pa million Views na rin! Sigurado kikita rin ako sa video ko na yan! Hehehe! Yung sampung tag isang daan na pinamigay ko sobra sobra ang tubo! Kapag winithdraw ko ulit ang pera!

"Hahaha!
Napakasarap at napakasaya talaga
Tumulong ng may camera..
Higit pa sa triple ang balik sa akin!
Salamat sa blessing Lord!"pagpapasalamat ni Pikoy

Gabi na ng makauwi si Pikoy kaya tulog na ang kaniyang magulang. Wala nga siyang balak na ipakita sa mga magulang niya ang pinagbibili niyang gadget kaya itatago lamang niya ito sa kaniyang cabinet kapag aalis siya. At wala rin siyang balak ipakita ang pusang iniuwi niya sa bahay kaya habang mahimbing pa ang tulog ng kaniyang magulang. Dahan dahan niyang kinuha ang pusang mahimbing na rin ang tulog sa kaniyang kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE GOOD VLOGGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon