1

0 0 0
                                    

Bawat pagpatak ng mga ulan ay siyang lakas ng hangin ang sumasalubong sa akin, hindi ko maiwasang pagmasdan ang mga studyanteng nagtatakbuhan papasok ng gate habang ay iba naman ay basa na at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad dahil wala nang ibang magagawa pa.

Unang pasok ko palang rito sa paaralang ito, dahil noong nakaraan ay hindi ako pumasok sa klase kasi alam ko namang orientation lang at wala namang gagawin kundi pakilala lang at kwentuhan.

" Putangjuice" bulaslas ko nang matalsikan ng putik ang medyas ko at tinignan ko naman ang taong tumatakbo sa harapan ko at halos mainis ako nang hindi man lang ito humingi ng tawad at nagdire diretso lang paakyat

Inis kong itinapak ang mga paa ko sa hagdan at pumagak papuntang 4th floor dahil hanggang ngayon ay doon pa rin ako nakalagay at hindi man lang nailipat sa ibang section!

Nalaman kong puros matatalino ang mga kaklase ko at hindi na bago sa akin 'yon dahil nalaman kong plinano talagang ipagsama ang mga matatalino sa first section at para na rin maging best section tss..

Pagpasok ko sa loob ng room ay halos lahat sila ay magkakakilala na at may grupo na agad habang ako ay dumiretso sa dati kong upuan at wala akong pakialam kung may nakaupo na ba rito o wala, dahil ito lang talaga ang paborito kong spot at bihira ka lang matawag ng teacher dahil hindi ka mapapansin

"Nandito na ba si Toledo, Avriel, at Vince??" Nagtaas ako ng kamay nang banggitin ang pangalan ko at sumenyas naman itong tumayo at ginawa ko naman, ganon na rin ang dalawa.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang lalaking nakatayo ngayon kasama ko at seryosong nakatingin lang sa harapan na para bang walang pakialam sa paligid niya at napangisi na lang ako sa nakita ko.

"Bakit ngayon lang kayo?" Tanong niya sa amin at nagtaas ako ng kamay " Orientation lang po kasi sa first day, alam ko pong walang gagawin kaya hindi ako pumasok" sagot ko at sumang ayon naman ang dalawang kasama kong tumayo at sarkistong tumawa naman ang teacher na nasa harapan namin

"Pachill chill lang?" Matabang na tanong nito sa amin at ni-isa sa amin ay walang sumagot sa kaniya at napatahimik na lang

Sumenyas itong umupo na kami at padabog siyang umupo sa harapan habang hawak hawak nito ang class record at laptop na dala niya.

Hindi ko siya masisisi kung tingin niya sa amin ay tamad dahil sa ginawa naming pagliban sa klase pero para sa amin ay nagsasayang lang kami ng oras sa pagpasok sa unang araw ng klase dahil wala naman kaming gagawin gaya nga nang sabi ko.

Nagsimula na siyang magturo sa harapan kaya inilabas ko ang Isang binder at Isang ballpen at nagsimulang makinig sa kaniya.

૮ ˃̵ ֊ ˂̵  ა  

N

atapos na ang tatlong subject at breaktime na ngayon, kaya halos lahat ng mga kaklase namin ay nasa labas na para kumain at ako naman ay pinuntahan ko ang lalaking kasama kong tumayo kanina dahil kasama ko siya sa groupings na ibinigay sa amin.

"Hi, can I have your facebook account?" Ani ko at eto nanaman ang mga tingin niyang seryoso

Mukhang suplado.

"I don't have one" sagot nito sa'kin "What about ig?" Tanong ko rito ngunit inilingan niya lang ako at napansin kong umiiwas siya ng tingin kaya naman napatungo ako

Ang uncomfy ba ng presence ko?

"Uh? So, paano ka namin macocontact or makakausap para sa groupings?" tanong ko muli sa kaniya

Akala ko ay hindi niya ako papansinin dahil sa tanong ko pero laking gulat ko nang ilabas niya ang phone niya at inilahad iyon sa harapan ko.

"Bakit?" Tss, anong gagawin ko rito? "Gawan mo'ko ng Facebook or IG account na sinasabi mo" Seryosong sabi nito sa akin at mas lalo akong naimbyerna sa sinasabi niya

Seryoso ba siya?!!!

Saang lupalop ba ng mundo 'to nakatira?!

Tamad kong kinuha ang phone niya at muling lumingon sa kaniya "May load ka ba?" Tanong ko sa kaniya at tumango lang ito at muling iniwas niya ang tingin sa akin.

Ang private siguro ng buhay nito tss.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

An Ought who brought me lifeWhere stories live. Discover now