PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Avriel, tara dito"

Tumingin ako sa mga kaklase ko na ngayo'y naghahanda para sa reporting at sa kabilang banda ay nakikita ko naman ang mga kagrupo ko na nagdidikit ng visual sa board dahil kami ang unang magpepresenta.

Lumapit ako sa mga kasama kong nai-istress kakabasa sa hawak nilang index at ang iba naman ay panay tingin lang sa cellphone na hawak nila at prenteng nakaupo lang

"Alam mo na ba part mo?" Tanong ni reyes sa akin at tanging sagot na lang ang ibinigay ko dahil hindi ako natutuwang nagkakagulo at nai-istress ang mga kasama ko kung kailan ngayon na ang presentation.

Tumabi sa akin si reyes at kunot noong pinagmamasdan ang mga kasama namin at panay iling na lang ang ginawa nito "Tatlong araw tayong binigyan para sa reporting tapos ngayon lang sila magp-prepare?!" Napailing na lang ako sa sinabi nito at sumang ayon dahil may punto naman siya

"Goodmorning Ma'am!" Bati naming lahat nang makapasok si Ma'am Sel, umupo ito sa harapan namin at sinenyasan naman niya kaming magsimula kaya tumayo na si reyes para sa introduction at ako naman ang susunod sa kaniya

"Hala, ano ba yan ambilis naman ni ma'am"

"Hindi pa ako ready"

"Shocks cramming malala!"

Inis na hinarap ko ang mga kasama ko at isa isa silang tinignan.

"Anong ginawa niyo sa loob nang tatlong araw?" Mahinang tanong ko sa kanila at hindi ipinakita ang inis na nararamdaman ko

"Naglaba kasi kami kagabi kaya hindi agad nagawa."

Itinago ko ang inis na nararamdaman ko at pilit na ikinakalma ang sarili dahil problema na nila iyon, sila ang gumagawa nang sariling grades nila.

"Avriel, Ikaw na." Tawag sa'kin ni reyes at mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha niya habang nakatingin sa mga kagrupo namin

Naglakad ako sa harap habang nakangiti "Ma'am, Can I ask?" Tanong ko at tumango naman ito na nagsisilbing pinayagan ako nitong magtanong

"Individual grade po ba ito or group?"

"Individual nak." Sagot nito at parang nabuhayan naman ang mukha ni reyes at maging ako nang marinig ko ang sagot na iyon kaya naman nagumpisa na ako

"So, Descriptive Design is a type of Research that does not involve any experimentation. Dito, nakafocus lamang siya sa pag-oobserba sa iba't ibang klase ng phenomena kaya naman walang manipulation ng variables na involve. And as per the information provided, its only goal is to describe the main topic of the study. Wala ring hypothesis na kailangang itest sa ganitong klase ng research dahil gusto lang namang malaman nang mas malalim ang topic na involve at malaman ang purpose or interaction nito sa iba pang bagay. " Nakita kong suma-sangayon si ma'am sa sinasabi ko kaya mas lalo akong napangiti nang makita ko ring tumatango ko ang iba kong mga kaklase

Nakakataas ng confidence!

Habang pumapatak ang mga oras ay naipresent ko nang maayos ang part ko at kaming dalawa lang ng leader namin ang nakakuha ng perfect score habang ang iba ay kalahati lang

"I like your presentation, avriel. Are you planning to be a teacher ba?" Tanong ni reyes ngunit umiling ako at tinawanan lang siya

"Mukha kang mahiyain pero pag nagsalita ka sa harap ang lakas ng boses mo sakto lang pero sobrang sarap pakinggan" dagdag niya pa at tinapik ko na lang siya sa balikat

Hindi ako marunong tumanggap nang kahit anong compliment lalo na kapag harap harapan dahil nahihiya ako.

Inilapag ko ang mga gamit ko sa sa table ko at isinandal roon ang aking ulo dahil nag announced ang president namin na hindi makakapasok si sir sa amin kasi nagtuturo siya ng sports

Hindi na bago iyon sa amin, dahil simula pa lang ay madalang lang pumasok si sir sa klase namin kaya naman nag iiwan na lang siya ng lecture or activity kapag wala siya.

Rinig ko ang tawanan at sigawan sa room namin, hindi na bago sa akin iyon dahil lahat sila ay magkakakilala at mabilis makabuo ng grupo habang ako naman ay kilala rin sila pero wala akong balak makipag kaibigan o sumama sa kanila dahil wala akong pinagkakatiwalaan kahit kanino.

If someone asked me why? For sure wala akong maisasagot.

I guess, sa nangyari noon? I don't know.

Bigla namang pumasok sa isip ko ang nangyari noon at napatawa na lang ako nang mahina sa mga nangyari noon. Hindi ko akalaing magagawa ko iyon, sa loob ng tatlong taon ngayon lang ako nakalaya sa sakit na ipinadama nila sa akin.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan, para akong binabangungot araw araw kapag naalala ko iyon.

An Ought who brought me lifeWhere stories live. Discover now