Ilang buwan na simula nung umalis si Owen. Nasanay na rin ako at nagvivideo call nalang pag may free time. Lumaki laki na rin yung bata at nakakapagsalita na ng ilang salita.
Erickah: JayR, dito ka lang ah. Hariett, pakibantay muna sa bata. Magluluto ako sa kusina.
Hariett: Sige po
Binuksan ko yung pinto dahil may kumatok. Nakita ko si Kuya Marvin.
Marvin: Magandang araw, bunso. Nandiyan ba ate mo?
Hariett: Opo, nasa kusina lang po nagluluto. Pasok po.
Marvin: Erickah...
Erickah: O... Napadalaw ka?
Marvin: Dumaan kasi ako galing sa trabaho. Naalala ko tuloy si JayR tapos binilhan na rin kita ng mga bagong damit.
Erickah: Salamat. Upo ka, kumain ka. JayR, Hariett, hali na kayo.
Marvin: Erickah...
Erickah: Marvin, kung ano man yung sasabihin mo, mamaya nalang.
Nakarating na kami sa kusina. Halos hindi ko na maalsa si JayR para uupo sana sa seater niya.
Marvin: Nakaalis na ba si Everick?
Erickah: Oo, bumalik na sa Japan.
Marvin: Kamusta na ba kayo ni Owen, Hariett?
Erickah: Hariett, kinakausap ka.
Hindi ko narinig si Kuya Marvin.
Hariett: Ay... po?Marvin: Kamusta na kayo ni Owen?
Hariett: Okay pa naman po kaso kahapon pa hindi nagrereply.
Erickah: Naku hah... Mas mabuti pa't ayusin niyo na yan kaagad lalong lalo na't malayo kayo sa isa't isa. Delikado yan.
Hariett: Baka busy lang yun, ate. Makakapaghintay pa naman ako.
Erickah: O sige. Anyways mapagkatiwalaan ko naman yung batang yun.
Hariett: Ay ma-excuse muna ate at kuya.
Marvin: O... Kamusta na ba si JayR? May kailnganin ba?
Erickah: Oo.
Marvin: Ano?
Erickah: Mag-ayos ka na. Ayusin mo sarili mo para sa anak mo. Lumayo ka na sa bisyo at sa pagiging manyak.
Marvin: Eh triny ko naman. Promise magbabago na ako.
Erickah: Papasok na ako ulit sa susunod na 3 taon.
Bumalik ako sa kusina pagkatapos kong makausap si Owen sa telepono. Nag-away kami sa maliit na bagay.
Erickah: O, kain ka na.
........
Lumabas ako sa bahay para magpahangin. Nakita ko yung mga kaibigan ni ate na kumakatok sa gate. Pinagbuksan ko sila at tinawag si ate.
Erickah: Ay wow.
Tiningnan ko sila sa labas at nakalinya pa. Parang pumipila para manghingi ng form sa libro. Isa-isa silang may dalang bulaklak na kulay pink kaya isa-isa rin silang pumasok sa bahay. Favorite color kasi ni ate yun.
Erickah: May sakit kayo sa utak mga hija?
Alice: Okay pa naman kami. Bumibisita lang.
Erickah: Akala ko kasi nawala na kayo sa sarili.