Erickah's PoV
Balik tayo sa buhay ko ngayon. Ayon na nga't matagal ng hindi nagpapakita sa akin si Marvin. Ang kapal lang ng mukha. Walang oras o araw na naiiwasan ni JayR ang pagtatanong tungkol sa kaniyang daddy.
Garett: Kain na.
Nakatulala ako sa terrace namin, parang wala lang assignments na gagawin. Hindi ako baon sa utang pero baon sa problema.
Garett: Huy... Okay ka lang?
Napabuntong hiniga si dad at umupo sa gilid ko. Ito nanaman tayo. Hindi sana ako gustong magpaobvious pero ito na... Naoobvious na eh.
Garett: Tungkol ba nanaman to kay Marvin? Hah?
Erickah: Obvious ba, dad?
Garett: Oo, kitang kita ko sa mukha mo. Bakit? Takot ka bang sabihin sa amin na nalulungkot ka dahil sa anak mo... O... Kay Marvin?
Erickah: Dad, kahit gaano nasasaktan na ako, mamahalin ko pa rin siya para lang kay JayR.
Garett: Anak, di naman sa lahat ng panahon ganoon nalang. Pwede mo namang paiintindihin yung bata. Nangangabuso na kasi eh. Hindi na tama yun.
Erickah: Naniniwala naman akong magbabago yung tao pero di ko alam kay Marvin eh. Ngayon, hindi na nagpapakita.
Garett: Ayon naman pala eh. Di na nagpapakita, edi hiwalayan mo.
Erickah: Hindi nga pwede dad eh. Si JayR tanong ng tanong sa mga nangyayari sa aming dalawa tsaka napapaiyak nalang ako sa mga tinatanong niya. Tapos ayoko namang bigyan ng hindi kompletong pamilya ang anak ko.
Garett: Malay ba natin may makikita ka pa diyang mas mabubuting lalaki kaysa kay Marvin na pala bisyo. Puro nalang bisyo inaatupag kada araw. Hindi naman nagbago.
Erickah: Yung iba, nabaon sa utang, ako naman, nabaon sa problema. Nilalamon na ako ng emosyon ko eh. Parang gusto ko nalang mawala-
Garett: Shhh... Huwag kang ganiyan. Huwag kang sumuko. Palagi mong binabanggit ang anak mo na gusto mo siyang bigyan ng kompletong pamilya tapos gusto mo ng mawala. Paano mo naman matutupad yan? Lakasan mo ang loob mo, anak. Ang importante mabigyan mo ng magandang kinabukasan ang anak mo. Alam kong kaya mo yan.
Napangiti ako kay dad. Kahit na'y nasira ko ang pangako sa kaniya na hindi maagang mag-anak, pinatawad pa rin niya ako sa huli. Hindi niya ako tinakwil at pinahiya sa iba.
JayR: Woww... Ganda naman ni mommy diyan, Mamila.
Hana: O, gusto mo bang susunod sa kaniya?
JayR: Oo, naman po. Maganda tapos malakas at matalino.
Hana: Hmmh?
JayR: Pinalaki niya ako ng maayos tapos binibigyan niya ako palagi ng toys. Kahit pagod siya galing trabaho at school, nakikipaglaro pa rin siya sa akin. Mommy...
Garett: O, narinig mo ba yun? Palagi kang tinatawag ng anak mo. Kaya huwag kang suko ng suko. Kakayanin mo yan, anak.
Erickah: Maraming salamat, dad. Pangako po.
JayR: Mommy...
Erickah: Oo, paparating na.