The Windows of our Soul

16 1 0
                                    


The Windows of our Soul

Lla Nueve



"Your presence paints my world in hues of joy and wonder every time I lay eyes on you."



Nang sandaling magkamalay ang walang muwang na sanggol sa mundo ay nagsimula na ang mga saglit sa buhay nito na makabubuo sa pagkasino niya. Birth is like a blessing and a curse. Oportunidad ito na hindi mo nanaising sayangin, sa kabilang banda, isa rin itong masalimout na pakikipagbuno para sa inaasam na masaganang buhay.


Some children were born rich and capable of living a luxurious life but of course, the rest aren't that lucky. Yet one thing is for sure, mahirap man o mayaman, they both strive hard to survive and pursue their dreams.


Life is beautiful though it's full of suffering and challenges. Sometimes, it depends on how you'd like to see it using your eyes.



A short tip from me? CHERISH YOUR EYES.



Why? Kasi para sa akin, 'yun ang pinakamagandang parte ng katawan ng isang tao. Napakagaganda ng mga tanawin sa mundo at hindi natin gugustuhing malaktawan ito ng ating mga mata. Hindi man palaging totoo ang mga nakikita nito ay magpapasalamat pa rin tayo na nabuhay tayo na mayroong mga mata. Nakakalungkot man na ang iba'y pinagkaitang makakita, biniyayaan naman sila sa ibang bagay o larangan na gagaling sila. And my main point here is... everything we have right now is a blessing. Few events may appear in a bad way but it always give a greater merit for us in the end.


Cherish what you have.



Nagfocus lang talaga ako sa 'eyes' but it really meant in general. Just like what I've said, ito kasi para sa akin 'yung pinakamagandang regalong natanggap ko simula noong nabuhay ako. Mahirap man ang kinamulatan kong buhay, ipinagpasalamat kong dahil sa mga mata kong ito ay nakita kita.


- Wintbelle Kym C. Lazaro



The Windows of our SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon