Chapter 1: Eavesdropping2 years later
May 26, 2018 – Baryo Manilaw, New Escalante City, Negros Occidental
Nakangiti ako habang nakatingin sa cellphone ko. Hindi pa rin ako makapaniwala! I finally got myself a phone! Nag-ipon talaga ako para maibili ko ang sarili ko ng touchscreen na cellphone. I'll consider it as a gift dahil nakagraduate na rin ako ng senior high. Ang bilis ng panahon, magco-college na ako!
"Mukhang masaya ang aking napakagandang anak." Pagsulpot ni ina sa likuran ko at hinalikan ako sa pisngi.
"Oo naman, ina. May cellphone na ako, oh." Pagmamayabang ko sabay tawa.
Nginitian ako ni ina. "Ikaw naman kase, sinabi ko na sa'yo noon na 'wag mo na ako bilhan ng selpon. Ako pa inuna mong bilhan, imbis na dapat nung grade 11 ka, e, meron ka ng selpon."
Niyakap ko naman si ina. "Kasi gusto ko may cellphone ka rin, para hindi ka mabored. Maglaro ka ng games, 'yung dinownload ko."
I saw her giggle, cute parang bata. "Oo, 'nak. Yung CandyCrush ba 'yun?"
Tumawa naman ako. "Opo."
Habang nagtatawanan kami ni ina ay dumating naman si kuya Enzo, mukha itong pagod. Galing ito ng trabaho panigurado, nagsu-summer job kase ito.
"Pagod na pagod ka ata, Enzo." Nilapitan naman ni ina si kuya at pinaypayan.
"Mano po," wika ni kuya at nagmano kay ina. "Marami pong customer kanina, e." Nag-apply siyang crew sa isang fastfood restaurant.
"Magpahinga ka muna, maghahanda na ako ng hapunan." Nagtungo naman si ina sa kusina.
Nang makatyempo ay lumapit ako kay kuya at kinulbit siya.
"Ano?" Tanong niya.
"May uwi kang pagkain?" Nakanguso kong tanong.
Sinamaan ako nito ng tingin at pinitik sa noo. "Sabi ko na nga ba. Katakawakan mo na naman."
I pouted. "Tatanong lang e."
Sumerysoso naman ang itsura nito. "Saan ka nga ulit magco-college?" Paulit-ulit na lang ang tanong ni kuya. Hindi pa rin siguro niya gusto ang school kung saan ako mag-aaral, pero gusto ko doon.
"Sa De Pallilo University nga, kuya." Nayayamot kong sagot. Lagi na lang ganito ang usapan simula nang sabihin kong sa Manila ako mag-aaral. Yup, sa Manila ako mag-aaral. Napagdesisyunan kong lisanin na muna ang probinsiya at mag-aral sa malaking syudad sa Manila, malayo rito sa amin.
"Bakit?"
Tiningnan ko ito nang masama. "Para mag-aral!"
BINABASA MO ANG
The Windows of our Soul
Teen FictionWould you chase after love, even if it means getting bruised and blinded? The Windows of Our Soul (Ongoing) For Wintbelle Kym Corpuz Lazaro, everything-from the trees and mangoes to the lake, spring water, worn-out clothes, coffee farm, and her Satu...