First semester has been so stressful, but thankfully nalampasan namin ang pagsubok na iyon. Sem break is just around the corner, kahit tapos na ang finals namin for fisrt semester ay may pasok pa rin. Actually, pwede namang after exam wala nang pasok diba? Pahinga na agad, uwi na sa hometown, bakasyon na agad hindi 'yong may pasok pa ng ilang araw bago mag sem break, gosh not very mindful, not very demure.
Palabas na ako ng room ngunit may biglang humikit sa akin pabalik sa loob.
"What now Ash?" Bored kong bungad ng iharap niya ako sa kanya.
"Sa'n ka mag babakasyon Eli? Uuwi ka ba sa inyo?" She asked.
"I don't know yet, baka umalis ako ng bansa this coming semestral break. Why?" I said.
"Oh I thought kasi na baka want mo sa amin sumama, kasama sina Abi and Juls, you know barkada. We are going to Tagaytay, pero hindi pa napag-uusapan if ilang araw na mag stay doon. Sina Jiem kasama rin, pero susunod nalang daw sila, you know Kurt's parents, lalambingin pa nila Jiem sina tito and tita para makasama si Kurt." Ash explained. So they have plan pala, never knew about it. Or maybe sinabi na nila sa akin, but I'm too occupied by the thoughts if tama ba mga sinagot ko sa exams.
"I'm not sure Ash eh, baka hindi ako makasama." Ash pouted in front of me.
"But Eli, ayaw mo ba kami kasama?" She asked, pouting, nag puppy eyes pa.
"Look Ash, I do want to go with you, with them, but it was too complicated for me. Huwag niyo naman akong papiliin." I said with my serious tone. Ang ayaw ko sa lahat ay papipiliin ako between my family and friends, sa tanong niyang iyon ay parang pinapipili niya ako sa dalawa.
Jiem approached us. "What's up? Bakit ganyan mukha mo Ash, lawit na labi mo." He commented.
Pinalo naman siya ni Ash sa braso dahilan para dumaing ng sakit si Jiem. Sila ay ang circle of friends ko ngayong college, we are all block mates.
Sa huli ay wala na ring nagawa si Ash kundi ang intindihin ako. Dumating din naman si Kurt para paliwanagan si Ash. Sa aming anim ay si Ash ang baby, medyo tampuhin and childish pero maraming maipagmamalaki lalo na sa acads.
Bago dumeretso sa apartment ay dumaan muna ako sa isang karenderya para bumili ng ulam. Nag crave ako ngayon sa adobong manok kaya iyon ang binili ko, mabuti at available rin iyon doon ngayon. Napangiti ako dahil craving satisfied na naman.
Pagkauwi ko nga ay nadatnan ko si Rein sa sala na nanunuod ng kung ano sa cellphone niya habang nakahiga sa sofa.
"Nandito ka na pala Eli, may kanin na sa kusina. Bumili ka ba ng ulam mo?" Tanong niya.
"Yeah, may dala ako." Maikling sagot ko.
"Sige." Rein said. Kaibigan ko siya since High School, parehas kaming nakapasa sa University na pinapasukan namin ngayon kaya nag decide kaming magsama sa isang apartment. Mahirap din kasi 'pag hindi mo kilala ang makakasama mo. Pumunta na ako sa kusina, kumuha ng kanin at nag umpisa ng kumain. Ganito ang gawa namin lagi ni Rein, kung sino ang mauunang umuwi siya ang magsasaing, magkahati kami sa rice kaya dapat kasahog lagi ang isa. Sa ulam naman ay kanya kanya kami, magkaiba kasi kami ng taste ni Rein pagdating sa ulam, kaya sa kanin nalang kami naghati.
Magkaiba rin kami ng course na kinukuha kaya hindi nagtatagpo ang schedule namin. Minsan ako ang nauunang umuwi, minsan naman ay siya.
Habang kumakain ako ay inapproached ako ni Rein.
"Tuloy ka ba sa Canada this coming sem break?" She asked. And I nod.
"Doon ka na rin ba mag cecelebrate ng New Year? Pauwi kasi sila." Rein said.
YOU ARE READING
Unknowingly Arranged
RomanceStrangers who become close to each other because of his mother's unexpected arrangements with her.