Tatlong oras akong nakatulala sa veranda, looking above the sky, watching the planes to take off. I am the happiest everytime I see a plane, pero nahihilo pa rin kapag may minor turbulence na nangyayari.
The sky look so peaceful, kitang kita ang mga bituin. Hindi nga lang tahimik dahil sa mga sasakyan sa highway.
I was too occupied by so many thoughts, hindi ko napansin na nakapasok na si kuya sa kwarto.
"Get yourself ready Eli, aalis na tayo at exactly three thirty." He reminded me and walked out.
It was too cold outside the hotel, kahit nakasuot na ako ng cardigan ay malamig pa rin talaga. And there, I remembered wala akong dalang mga jackets. Itong cardigan na suot ko at isang trench coat lang ang dala ko. Sinong tanga ang pupunta sa Canada at this month of December, tapos walang dalang jackets?
Tanga mo self.
Paano ka na ngayon? Baka nasa eroplano ka palang ay nagmukha ka nang tuna na nilagay sa freezer. Napasapo ako sa noo ko. Katangahang taglay Eli.
Bahala na mamaya, hihiram nalang ako kay kuya ng hoodie, subukan lang niya na hindi ako pahiramin, parang hindi siya kapatid.
Nasa loob na kami ng airport at hikit ko ang dalawa kong maleta habang naglalakad papunta sa immigration. Hindi na talaga ako magtataka kung single pa ang dalawa kong kasama, napaka-ungentlemanly, hindi manlang kinuha sa 'kin kahit isang luggage.
Nakasunod lang ako sa kanila, tingin ko nga 'pag nawala ako hindi nila ako hahanapin eh. Deretso lang sila sa paglalakad na parang hindi ako kasama, did you even care about me?? Ang sakit niyong dalawa, para kayong hindi kapamilya, hindi niyo na ata ako mahal. Si oa.
I'm so freaking bored, hindi naman ako inaantok kaya malamang hindi ako matutulog. Mamaya nalang sa plane, thirteen hours naman ang flight, 'wag lang magka turbulence at talagang magigising at aatakihin sa kaba ang magandang nilalang na ito.
Inilibot ko nalang ang mga mata ko sa paligid, maraming foreigner syempre airport 'to eh. Naghahanap ako ng pogi, iyong type ko, matangkad na masungit ang aura kaso wala. Ang dami daming tao wala manlang akong type.
Binasa ko nalang ang plane ticket na hawak ko. Kahit anong gawin kong basa, hindi ko talaga sila katabi. I sighed.
A Flight Attendant announced our departure, kaya tumayo na kami at nag-umpisang maglakad.
Paiyak na ako nang makapasok kami sa eroplano, gusto kong sapakin itong dalawa kong kasama, napaka nonchalant. Hindi manlang ba kayo makikipag-palit ng seat sa 'kin? Hahayaan niyo talagang stranger ang katabi ko? Paano 'pag bad person makakatabi ko?
"Dito na kami Eli, pumunta ka na roon sa seat mo." Kuya Jah said. I pouted.
"But kuya ang layo ko sa inyo, tabi nalang tayo." Paiyak kong saad. Tumingin naman sa akin si tito Arc.
"Eli, kailangan mo nang matutong mag-isa. I know na independent ka na, but soon enough, hindi mo na kami makakasama sa flight, so learn to be independent here too." Tito Arc said. There was something behind his words, at hindi maganda ang pakiramdam ko roon.
"Sige na Eli, pumunta ka na sa seat mo. 'Pag may kailangan ka just call a Flight Attendant, okay." Saad ni kuya saka tuluyang umupo sa seat niya na katabi ni tito.
Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa seat ko. Tita messaged me, she's asking how I am. Well tita I'm not okay, hiniwalay mo ba naman ako kina kuya.
I was confronting my tita a bit, saying some of my thoughts, like what if mahilo at masuka ako 'pag nagkaroon ng turbulence?
I was typing on my phone when someone sat beside me, he was probably my seatmate.
Wow seatmate, ano 'yan school?
YOU ARE READING
Unknowingly Arranged
RomanceStrangers who become close to each other because of his mother's unexpected arrangements with her.