It's currently ten in the morning, nasa himpapawid pa rin kami. Not sure if may layover later or wala, this is my first time going to Canada, kasi last time sa Japan kami nagpunta.
Nag-uumpisa na akong ma-bored. Itong gwapong nilalang na nasa tabi ko kasi ay tulog, wala akong makausap.
Binuksan ko nalang ang phone ko at naglaro, cooking madness ang nilalaro ko. 'Pag hindi pa naman ako yumaman dito sa dami ng nabili, ewan ko nalang.
Hindi ko na namalayan ang oras, naramdaman ko nalang na may mabigat sa balikat ko. I glance at him, he was sleeping peacefully. Napangiti na naman ako, ang amo ng mukha niya kapag tulog.
Ilang oras din siyang nakasandal sa akin, sumasakit na ang balikat ko. Tingin ko nga, ngayon lang siya nakapag pahinga, ang himbing himbing ng tulog. I pat his cheeks slowly, I don't want to wake him up, pero bibigay na talaga ang balikat ko."Hey, wake up." I softly said.
Naramdaman ko naman na gumalaw siya.
"Hmm?" He opened his eyes.
"Sorry for waking you up, it's just that, hindi na kasi kaya ng balikat ko. Masakit na." I said. Inayos naman niya ang kanyang pagkakaupo.
"Sorry." He apologize.
I massage my shoulders, parang kalahati ng katawan ko hindi ko maramdaman. Namanhid na ata, pero okay lang ikaw naman 'yan eh.
I felt his hand touching my shoulder, tinanggal niya ang kamay ko sa balikat ko at siya na ang nag massage. Teka teka, bakit naman may paganon, alam na alam mo talaga kung paano ako kunin. Sasaluhin mo ba ako 'pag nahulog ako sayo, halaa.
Mahulog ka nalang daw sa bangin Eli, impossible 'yan.
"Sorry for laying onto you, I didn't know." His voice sounds so manly, ano ba 'yan.
"Okay lang, you did it to me too earlier, so no need to say sorry." Saka ikaw na 'yan eh, huy ano ba. Kinikilig na naman talaga ako sayo, oo.
"What's your name btw?" I asked. Ayan na ayan na, malalaman ko na ang pangalan niya. Hindi pa siya sumasagot pero kinikilig na agad ako, I'm sure na kahit anong name niya babagay sa kanya, sa poging niyang 'yan? Walang wala si kuya, mukha 'yong paa eh, chariz.
"Asher, Asher Akio." He calmly said.
Damn ang ganda, bagay na bagay parang ako lang, bagay sayo."It fits you so well." I said while smiling.
"How about you? What's your name?" Hala bakit mo tinatanong? Gusto mo na ba ako? Crush mo na rin ba ako? Halaa oa self.
"Elishya Laurel, short for Eli." Nakita kong ngumiti siya ng kunti, isa lang ibig sabihin no'n, nagandahan siya sa pangalan ko. Oo na assuming na ako, pakealam niyo.
Thirty minutes na nga lang ay mag laland na kami sa Canada and guess what kanina pa ako giniginaw. Sabi na nga ba at magmumukha akong tuna na inilagay sa freezer kahit nasa eroplano palang eh.
Gusto kong sumigaw mula rito sa upuan ko hanggang sa marinig ako ni kuya, pahiram kasi ng hoodie, mamamatay na sa lamig ang tao na ito.
Damn, itinaas ko na ang mga paa ko sa upuan, pagkatapos ay niyakap ang dalawa kong tuhod. Pagkatapos ko ngang sabihin ang pangalan ko kanina kay Asher ay hindi na ulit siya nagsalita, kaya nanahimik nalang din ako. Mukha kasing hindi niya type magsalita, saka baka maumay siya sa kadaldalan ko if ever. What if ayaw niya ng madaldal diba, edi na turn off siya. Edi hindi na niya ako nagustuhan.
Bakit gusto ka na ba niya Eli.
Napalingon nga ako sa kanya, 'yong mukha niya ang pogi talaga. Isama mo nalang kaya ako sayo Asher, itakas mo ako sa kuya at tito ko.
YOU ARE READING
Unknowingly Arranged
RomanceStrangers who become close to each other because of his mother's unexpected arrangements with her.