Prologue

4 0 0
                                    

KABADONG umupo ang isang aplikante sa harap ng mag-asawang Montehermosa. Hindi niya inaasahang ang mga magiging amo niya mismo ang mag-i-interview sa kanya gayong kilala ang mga ito sa larangan ng malalaking negosyo at kompanya.

The Montehermosa couple is hiring of female caretaker dahil tutungo ang mga ito ng ibang bansa. The qualifications are: it must be a female, single, and at least not older than thirty years old. The benefits are very well; six digits salary, free access to all appliances, and free groceries. Idagdag pa na doon ka maninirahan sa mismong mansion nang mag-isa at malaya. Kaya hindi nakapagtatakang maraming pumipilang aplikante rito.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakapapasa ni isa man sa daan-daang sumusubok pumasok.

Nasa long table sila sa oras na 'yon. Hindi mawari kung anong bahagi ito ng bahay, ngunit mukha itong conference room na may vintage ambience. Malayo sa inaasahang makabagong mansion ng mga kilalang personalidad. May ilan ring nakasabit na oil painting sa pader.

Nakangiti at maaliwas ang mukha ng ginang sa kanya, samantalang napaka-pormal lang ng asawa nito.

"Maupo ka, hija," utos sa kanya ng matandang babae. "Anong pangalan mo?"

"Jenneline po. Jenneline Cruz."

Tumikhim ang Don habang abala nitong sinusuri ang kanyang résumé. Hindi na rin nasundan ang tanong ng ginang sa kanya.

"So, you're twenty-six—" anito kapagkuwan pero naputol iyon dahil sa isang ingay.

Halos magulantang siya nang biglang may kumalabog sa pader. Tila may humampas roon na hindi niya man lang nakita o napansin. Nahulog din ang isa sa mga paintings na nakasabit doon.

Napatayo na siya nang nasundan pa ito nang isang beses. Wala siyang makitang gumagawa ng ingay. Tila nanggagaling ito sa kabilang dako ng pader.

Mabilis na tumayo ang ginang upang dulugan siya. Hinawakan nito ang kanyang balikat at hinaplos ang kanyang mga braso.

"Huwag kang matakot, hija. It's just a lost stray cat meddling the house."

Cat?... naisip niya. Masyadong malakas ang impact niyon para sa isang pusa.

Samantalang ang Don ay tumayo na at ibinalik sa kanya ang kanyang résumé.

"I'm sorry, but I'll be frank with you, you're not qualified to be our caretaker." Tumalikod na ito at lumabas ng silid.

Napatingin siya sa matandang babae. Nginitian siya nito nang may awa sa mga mata.

Hindi niya batid kung ano ang hindi nila nagustuhan sa kanya. Alam niyang nakamit niya lahat ng qualification at meroon din siyang kumpletong requirement. Pero hindi pa kasi nagsisimula ang interview ay bagsak na siya.

Yumukod na lang siya at nagsimulang magpaalam dito. Mabilis siyang naglakad palabas nang pakiramdam niya ay tila hindi siya ligtas sa bahay na iyon. May kung anong tila nagmo-monitor sa kanya gayong wala siyang makitang CCTV sa paligid. Ni walang internet ang buong mansion samantalang napakayaman ng pamilya Montehermosa.

May kakatwa sa bahay na 'yon. Sigurado siya roon. Ayon sa balita ay ngayon lamang ulit nagkaroon ng job hiring para sa bagong katulong ang pamilya.

Ngayon lang ulit, matapos ang isang dekada. Mula nang namatay ang kaisa-isang anak ng mag-asawa.

Si Leandro Montehermosa.

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ENSCONCEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon