Hinding hindi ko talaga makakalimutan ang ginawa sakin ni ken
Inaantok ako sa klase nmin sinandal ko ang aking baba saking palad at tumingin sa teacher nmin, maya maya ay parang hinehele ako sa boses ng prof nmin bigla nlng bumigat ang aking mga mata at naka tulog na nga ko
Nagising ako sa ingay ng mga kaklase ko, pag mulat ko nakatingin sila sakin lahat at tumatawa lumingon ako kay ken nakatingin din to sakin at nag pipigil ng tawa
"Tignan mo stella pinost ka ni ken" ani sakin ng katabi ko
Pag tingin ko sa cellphone ang mukha ko nakapikit at naka uwang pa ng kunti ang aking bibig , yung dugo ko umangat na sa mukha sa sobrang kahihiyan
"Bwesit ka talaga ken" sabi ko saaking isipan
Humagalpak sya ng tawa tinignan ko sya ng masama
"Ang cute mo jan stella" komento nmn ni josh, bwesit talaga to dalawang to
Lumapit sakin si ken " ang cute cute mo talaga stella" sabi nito habang kinukurot ang aking pisngi tas biglang tumawa
Sa sobrang galit ko ay bigla ko nlng syang sinabunutan
"Hoyy stella bitawan moko" sabi nito habang natatawa padin, bwesit talaga hnd manlang nasasaktan
"Burahin mo yun" ani ko sakanya
"Ayoko nga ang cute mo nga dun e sleeping beauty ka" aniya
"Idelete mo na nga sabi" naiiyak na ko sa kahihiyan
Maya maya ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko, lumingon si ken sakin habang hawak ko padin ang buhok nya
"Hoyy bat ka naiyak" aniya
Hnd ako nag salita nahikbi lng ako
"Sige na idedelete ko na sorry na" aniya sabay ngiti sakin, binitawan ko na ang kanyang buhok
Tuwing talaga naalala ko yung eksena nayun nahihiya padin ako ko ang dami talagang nakakita nun halos 2k reaksyon na
