Page 2

283 21 2
                                    

Pagpasok ko sa kuwarto ni Ethan, tumambad sa akin ang napakaraming kalat.

"Uwwwwaaaaaa! Grraavvy! Ang kalat naman ng kuwarto ng ogre na'to! "-sabi ko sa isip ko.

Nakita ko si Ethan na nakahiga sa kama niya at tulog na tulog. Bago ko siya gisingin, pinulot ko muna ang lahat ng nakakalat sa sahig. Pagkatapos kong magpulot dumiretso na ako sa higaan niya at umupo.

"Uy Ethan, gumising ka na may inuutos sayo mommy mo. 9 o'clock na oh." -bulong ko sa kanya habang kinakalabit siya.

Ilang beses ko na siyang kinalabit pero WALA! Walang epekto sa kanya.Grabe naman kasi 'tong ogre na to eh. Tulog mantika   (-_____-)".

Tumigil na ako sa pagkalabit sa kanya at nilibot na lang ang mga mata ko sa buong kuwarto nya. Ang kalat talaga.

Maya-maya narinig ko siyang humikab kasabay ang pag-uunat, nilingon ko siya at...

*BBLLLLAAAAAGGGGGGGGG-*  nasipa niya ako at heto ako ngayon nasa lapag. LANGYA! 

Nagising siya bigla at tumayo sa pagkakahiga. Narinig niya siguro ang kalabog dulot ng pagbagsak ko.

"Best? What are you doing here? Atsaka bakit ka nasa lapag?" -tanong niya nang makalapit siya sa akin.

OMG! Ang lapit ng feslak niya sa akin!

"Uy best!"-nakakadestruct talaga ang malambing niyang mukha. Ang cute cute talaga ni Mr.Ethan Cortez!

"Uy best okay ka lang ba?"-pagtawag niya sa akin. Di ko namalayang tinatanong niya ako, nakatitig kasi ako sa mukha niya.  At parang nagSLOW-MO! Wala akong marinig sa paligid ko kundi ang puso kong tibok ng tibok   (^*^)

"A-a-ang baho ng hininga mo!"  -yun na lang ang nasabi ako sa kanya at tinulak siya palayo sa mukha ko.

"Grabe naman to! Syempre hindi pa ako nagto-toothbrush! Ano ba kasing ginagawa mo dito sa kuwarto ko? Siguro you're planning to rape me nuh?!"  -sabay lumayo siya sa akin.

"Huh? Ikaw? Pagnanasaan ko? NO WAY? Mas gusto ko pa nga yung aso niyo compare to you noh!" -sabi ko  sa kanya.

"Wow ah! Talaga lang ah ? Kiss mo nga!" -sabi niya.

"Che!"-pagtataray ko naman.

"Tsk! Ano ba kasing ginagawa mo dito at bakit ka nasa lapag?"-he asked me again.

"Gusto mo talagang malaman kung bakit ako nasa lapag ha?! Nag-unat ka lang naman at nasipa mo ako  kaya ako nahulog sa sahig!"

"HAhahaha sorry best!  Pero grabe ang lakas ng kalabog ng pagkakabagsak mo .Taba mo kasi ehh! Nagising tuloy ako hahah"  -pangangasar niya.

"Taba ka dyan?! Ikaw yun nuh.."

"Eh ano namang ginagawa mo dito?"-tanong nya ulit.

"Pinagigising ka ni tita Becca sa akin . Oh eto.." -inabot ko sa kanya yung 2thou at yung list ng mga bilihin.   "Mamili ka daw!" 

"What the? Magkano ba 'to?" -chineck niya kung magkano yung pera. "2thou! wooohooo! May pera na naman ako!"

"Sira ka talaga! Balik mo yung sukli sa mommy mo nuh."

"Sus balik? Keep the change!"

"Bahala ka."-sabi ko at lumakad na ako papunta sa may pinto.

"Oy.oy! Where do you think you're going?" -pasigaw na tanong niya.

"Lalabas, babalik kala Abe. Any problem about that?"-mataray kong sabi.

"Yes! Sasamahan mo akong mamili nuh!"

"Ha? Ayoko nga! May gagawin pa kami nila Abe nuh!" -angal ko. Sabay lumakad ulit palabas ng kuwarto niya.

Hinabol niya ako at nang makalapit siya sa akin inipit niya ang leeg ko gamit ang braso niya.

"E-e-than! Aray ko! Bitiwan mo nga ako!"

"Basta ba sasama ka sa akin." -pangungulit nito.

"Eehh.. para ka namang bata Ethan eyy!"

"Sumama ka muna sa akin !"

"OO na nga!  Sige na! Ang kulit mo." -napa-OO na lang ako dahil sa kakulitan nitong Ogre na 'to.

"YES! Thank you Best!" -sabay alis ng braso niya sa leeg ko at hinila ako pabalik sa kwarto.

"Best dyan ka lang ahh. Wait for me maliligo lang ako. Para di ka mainip ayusin  mo na lang yung higaan, magwalis ka na rin para mas mag-enjoy ka." -he said then smirk at pumasok na sa banyo.

Urrgg! Walanjo talaga 'tong bestfriend ko na to oh !Ang kapal ng mukha! Bakit ko ba to naging bestfriend?

Inayos ko naman ang higaan niya at nagligpit ng konti,hindi ko kasi matiis ang kalat niya eh . Pagkatapos kong magligpit narinig kong nagring ang phone ni Ethan.

Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

"Umf! Si impakta girl pala to! Am I going to answer this or not? Uuhmm..."- napaisip ako. Sagutin ko na nga lang.

Then I answer the phone.

Me: (Clear Throat) "HELL-O?"

Niza: "Hello?Sino ka?Nasaan si Ethan?"

Me: "Niza it's me Ruth.Nasa CR si Ethan eh naliligo."

Niza: "Aahh ganun ba?B-bakit ka nandyan?Saka bakit siya naliligo aalis ba siya?"

(Tsk. Bakit naliligo? Anong klaseng tanong yan. Malamang tao siya kaya siya naliligo, palibhasa kakaibang nilalang sya na nag-exist dito sa earth eh kaya once a week lang to naliligo eh or di nga ata naliligo to eh..Tsk.)

Me: "Nandito ako kasi pinapunta ako ni tita Becca dito, mamimili  kasi kami eh." (JOKE!! MAGDEDATE KAMI.  wahaha..xD)

Niza: "Ah,ganun ba? Sige tatawag na lang ako ulit mamaya. Pakisabi na lang tumawag ako ah.."

Then I ended up the call.

Pssstt. .Inutusan pa ako ng bruhang mukhang paa na pinaglihi sa sama ng loob kaya paglabas mukhang palakang ewan!

"Sabihin ko na tumawag ka? Ayoko nga! Masayang pa ang laway ko nuh! Che! Ang panget ng boses mo!" -sabi ko dun sa phone. Haayyy, napakbitter ko talaga.

Well, i-introduce ko sa inyo si Niza  para naman malaman niyo kung bakit galit ako sa Dwarf-ALien na yan. Siya lang naman si Niza Hill ang ex ng bestfriend ko na may gusto pa rin sa bestfriend ko na mahal ko! Assuming na babalikan pa siya  ni Ethan. Ewan ko ba kung saang gubat  nakita 'to ni Ethan, parang ginayuma yata ng babaeng 'to ang bestfriend ko eh. Haist, let's just forget about her. Nakakasira ng araw! She is such a negative ultramegasuper to the major major negative vibes in this whole world! 

Natapos nang maligo si Ethan. (FYI lang po,nakabihis na siya..hehe..)

"Sino yung tumawag?"-tanong niya pagkalabas na pagkalabas niya sa banyo.

"Uhhmm si Dwar--ay si Niza. "-muntikan ko na masabi ang real name ng nilalang na yun Tsk.

"Niza? Bakit daw?"

"Wala naman , hinahanap ka. Gusto yatang makipagbalikan sayo?"

"Tsk?" -yun lang ang sinabi niya sabay ngiti niya. Wait a minute, parang gusto pa niyang makipagbalikan sa Dwarf-Alien na yun ah?  NO WAY! It can't be!  SuperBatman Help MEYY!!(^0^)!!

Unexpected Confession [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon