(sa SM HYPERMARKET)
Habang nasa may section kami ng gatas, narinig kong nagring na naman ang phone ni Ethan. Sinagot niya ito.
"Oh Niza." -I knew it , si Dwarf-Alien again! Hay naku, kaya nasisira yung phone ni Ethan eh kung sino-sinung kinakausap eh. Tsk.
Hindi ko na pinakinggan ang usapan nila dahil baka masira pa ang eardrums ko. Kumuha na ako ng gatas at lumakad papunta sa section ng mga shampoo. Natapos na yung usapan nila Ethan at Dwarf-Alien. Bakit parang ang lalim ng iniisip nito. Ano kayang pinagusapan nila? Uhhmm, di kaya iniisip niya kung makikipagbalikan pa sya? Naku wag na Ethan, sinasabi ko sayo "AKIN KA NA LANG" mas bagay tayong dalawa PROMISE!
"May dumi ba ako sa mukha?" -biglang tanong niya.
"Ha ?W-wala." -mahinang sagot ko.
"Eh bakit mo tinititigan mukha ko?" -tanong niya ulit.
"Ha ?Tinititigan agad? Hindi pa pwedeng tinitingnan lang?" -pssstt. Hindi ko naman talaga siya tinititigan eh. Tinitingnan lang..:)
"Tsk.Ganun din yun eh .Bskit mo ba ako tinititig--i mean tinitingnan?"
"Wa-wala. Napatingin lang naman! Masama ba?" -tanong ko habang kumukuha ng shampoo.
"Tsk. Napopogian ka na naman sa akin nuh? Hirap talaga maging gwapo, kung sinu-sino na lang ang mga tumititig sa mukha ko. Ok lang yan best, titigan mo lang ako, bestfriend naman kita eh."-pagyayabang nito.
" Pogi ko talaga nuh best?" -dagdag nito habang nakapogi sign.
"WOOHHHH! Ang laammiigg! Lumalakas yata yung hangin! Saan kaya galing yung hangin?Habagat oh! Ang hangin talaga." -sabi ko habang niyayakap ang sarili ko na waring nilalamig.
"Hahaha ewan ko sayo Best!" -sabay kurot niya sa ilong ko.
"A-aray!"
"Ang daming langgam! Bakit kaya? Puro sabon naman dito ahh? "-narinig kong may nagsalita sa likod ko.
Inalis na ni Ethan ang pagkakakurot niya sa ilong ko at humarap ako dun sa likod ko.
"A-ah Sir Dennis. Good morning po.!'- nabigla ako nang makita ko si Sir Dennis, ang nagho-hold sa boyscouts sa school namin.
"Good morning sir!" -bati rin ni Ethan kay sir Dennis. Close sila nito dahil scout din si Ethan.
"Good Morning, kaya pala nilalanggam dito. Ang Sweet-sweet niyong magBESTFRIEND! Ang kati oh." -sabay kamot na kunwari may mga langgam na gumagapang sa katawan niya.
Alam ni sir na magbestfriend kami dahil pinakilala ako ni Ethan sa lahat ng boyscout kya kilala rin ako ng lahat ng scout.
"A-hahaha." -sarcastic na tawa ko.
"Di naman po sir!" -sabi naman ni Ethan.
"OO kya , may pakurot-kurot pa sa ilong. Ikaw Mr.Cortez ah pasimple ka pa kay Ms.Roberts ahh."-sabi ni sir kay Ethan.
"At ikaw naman Ms.Roberts ,wag kang magpapaniwala dyan kay Ethan."-dagdag ni sir.
"Hala sir! Grabe ka naman! Ang bait-bait ko eh!" -reklamo ni Ethan kay sir.
"PssttP pagtulog!" -nakatawang sabi ni sir." Oh sya, anong ginagawa niyo dito?Are you two on a date?" -tanong ni sir.
"A-ah hindi po sir, inutusan po kami ni mommy na mamili." -paliwanag ni Ethan.
"So your mom likes her?"- tanong ni sir.
"Yes sir, sa lahat nga ng babaeng pinakilala ko kay mommy, siya lang ang nagustuhan eh.."-sabi ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Unexpected Confession [Short Story]
RomanceThis is my first ever Short Story. - jaeceeee