CHAPTER 4

30 23 0
                                    

CHAPTER 4

"Class dismiss!"

Nagsi-tayuan na ang mga ibang klaklase namin habang ako eto nakaupo lang dahil wala akong ganang lumabas, bigla kasing sumakit tiyan ko wala naman akong ibang kinain. Nilapitan ako ni Steven para ayain na ako kumain sa labas, umiling lang ako at hinawakan ang tiyan ko na sobrang sakit.

"Anong nangyari sayo?" Tanong niya at umupo sa tabi ko, "sumasakit tiyan ko." Sabi ko sakanya "ano ba kinain mo?" Tanong niya pa

"W-wala naman akong kinain." Nauutal kong sagot dahil sa sakit "hangin lang yan ,umutot ka para lumabas yung hangin." Napatingin ako sakanya at ngumiti naman siya, bwesit ang dugyot ng lalaking 'to.

"Ikaw kaya umutot" sabi ko sakanya "sino ba ang masakit ang tiyan?" Tanong niya, "ako." Agad na sagot ko

"Oh eh di umutot ka" agad kong kinurot yung braso niya saka tumayo na, baka nagugutom lang ako kaya sumasakit hindi pa naman ako nag breakfast kaninang umaga.


Pagdating namin sa canteen ay naabutan namin sila Stacey kasama si Haira na kumakain, umupo lang ako sa tapat ni Haira at hinawakan ulit ang tiyan ko. Nakakainis bakit ngayon pa? Bumaling ang tingin ko kay haira na nakatingin sakin.

"Ayos ka lang?" Tanong niya at sasagot na sana ako ng magsalita si Steven. "Sumasakit tiyan niya, pinapa-utot ko para lumabas hangin ayaw." Napabuga naman ng tubig si Stacey at natatawang tumingin sakin, pinandilatan ko ng mata si Steven na kumakain na ngayon.

"Pwede ka naman pumunta sa clinic para humingi ng gamot." Sabi ni Haira, umiling lang ako at sumandal sa upuan. Ayaw ko pumunta doon maiinis lang sa nurse doon na akala mo kung sino, biglang dumating sila Arturo at napatingin siya dito sa pwesto namin.

Agad akong umayos ng umupo at kinuha yung isang sandwich na binili ni Steven aangal pa sana siya ng dinuro ko siya para tumahimik na. Kinain ko yung sandwich at nakita kong papalapit na saamin si Arturo, ngumiti siya sakin at kaagad naman uminit ang mukha ko.

"Hi!" Tumigil siya harapan namin at tinignan kami isa isa. "Uy upo ka." Umupo si Arturo sa tabi ni Steven na ngayon nasa gitna na namin si Steven, gusto ko sana mag palit kami ng pwesto ni Steven kaya lang biglang kumirot ulit yung tiyan ko.

"Ayan takaw mo kasi" rinig kong sabi ni Steven, uminom ako ng tubig at napatingin ako kay Arturo na nakatingin na din sakin ngayon.

"Huy Lionel, pag hindi mo na kaya pumunta kana sa clinic" sabi ni Stacey, "may sakit ka ba nel?" Tanong no Arturo. "Sumasakit tiyan niya, ayaw pumunta sa clinic." Steven said.

"Pumunta kana lang sa clinic, sasamahan kita." Sabi no Arturo kaya agad akong napatingin sakanya, tinignan ko sila Steven na walang pake at kumakain lang.

"Oo nga, punta kana baka mamaya umutot ka dito." Agad kong binatukan si Steven, bwesit ibabaon ko na talaga siya lupa!

"I can also come with you." Lahat kami tumingin kay Haira, nakangiti lang siya sakin, wag na girl gusto ko muna solohin si Arturo!



"Magpahinga ka lang muna, si Steven na 'raw bahala sa next class niyo."

Nandito kami ngayon sa clinic at kakainom ko lang ng gamot, medyo nawala na din yung sakit ng tiyan ko. Kinuha na niya ang bag niya saka lumapit sakin, "Mauna na ako ah" paalam niya.

"Kasama mo naman dito si Haira" ngiting sambit niya at napatingin naman ako kay Haira na naka upo ngayon sa dulo ng kama.

Lumabas na si Arturo at kami na lang dalawa ni Haira ang naiwan dito, ano ba yan kami lang talaga dalawa dito kasi nag lunch yung nurse ndigo. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa umusog siya ng kaunti papalapit sakin kaya umusog ako paatras.

"How is your stomach, does it still hurt?" Tanong niya, umiling naman ako bilang sagot. "Baka may pasok ka pa, pwede mo naman na ako iwan dito ayos lang ako." Sabi ko sakanya,

"Wala na kaming sched ngayon." Aniya, may kinuha siya sa bag niya at inabot sakin yung isang invitation card.

"That's the invitation to dad and mom's anniversary, it's already written where and what time." Sabi niya, "punta ka ha?"

Tumango naman ako at tinago sa bag ko yung invitation. Maganda naman si Haira, matangos ilong niya, maganda yung ngiti niya, kahit sinong lalaki magkakagusto sakanya dahil maganda na nga matalino pa. Hindi ko namalayan ay nakatitig na ako sakanya kaya agad akong umiwas, hays ano ba yan.

"Matutulog lang ako, pag bored ka pwede mo naman na ako iwan." Sabi ko, tumango lang siya kaya agad na akong humiga at pinikit ang mga mata ko.


Pagka gising ko ay bumungad sakin si Haira na natutulog sa may bandang sofa, nakayakap siya sa unan at mukhang nilalamig. Agad akong tumayo saka pinatong sakanya yung kumot, sakto dumating sila Steven, Stacey, jayrus at...si Arturo!

Gulat silang napatingin sakin na nakatayo sa harapan ni Haira, napangiti pa si Stacey yung ngiti na parang inaasar ako dahil nakita niya yung kumot.

"You guys are here!" Tinignan namin si Haira na kakagising lang at napatingin siya sa kumot, tinignan niya ako at ngumiti.

"Hindi na ba masakit ang tiyan mo?" Tanong ni Arturo, agad naman akong umupo sa kama at tumango. "Effective yung gamot," sabi ko at kinuha yung bag ko.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko, "kaya nga nandito kami eh" sabi ni Stacey at tinignan ako saka si Haira. Inirapan ko siya ng nginunguso niya sakin si Haira na nakatingin sakin, parang tanga.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng gate, nag tatawanan sila Steven at Jayrus dahil inaasar nila si Stacey kay Aziz, may gusto kasi sakanya si Aziz at hate niya naman si Aziz dahil mayabang daw. Nang makalabas na kami ay nakita ko si kaiden na parang may hinihintay, nagtama ang tingin namin kaya agad akong umiwas.

Bakit ba lagi na lang kami magkaka-eye contact?

Sinulyap ko siya ulit at nahuli ko siyang nakatingin...pero hindi sakin, sinundan ko ang tingin niya at nagulat ako ng malaman ko kung sino tinitignan niya.

Si Haira!

"Huy, Lionel Renz tara na!" Agad na akong sumama sakanila, lumingon ulit ako kung saan nakatayo si Kaiden at hindi pa din maalis alis ang tingin niya kay Haira.

May gusto kaya siya kay Haira?

Hmm


Habang naglalakad kami papunta sa paradahan ay naikwentro namin si Rowan at may kasama siyang babae. Tignan niya ako at ako naman ay napangiti sakanya, lalapitin ko sana siya ng pigilan niya ako, hmm mukhang ayaw niya sagabal ako sa date nila.

Pagkarating namin sa paradahan ay agad na kaming sumakay ng jeep, hindi agad nakasakay si Haira dahi tinitignan niya ang mga pasaherona nandito. First time niya ba sumakay ng jeep?

"Haira hali ka na" tawag sakanya ni stacey, tignan ko si Haira at inabot ko sakanya yung kamay ko para alalayan siyang sumakay.

"Saka--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng agad niyang hinawakan ang kamay ko at sumakay saka umupo sa tabi ko. Luh si ate girl!

Nasa gitna ako nila Arturo at Haira habang nasa tapat namin si Stacey, Jayrus, at Steven. Napatingin ako kay Haira na nakayuko lang, bumaling ang tingin ko doon sa lalaki na medyo may katandaan na nakatingin kay Haira.

"Ayos ka lang?" Bulong ko sakanya, "I'm not comfortable, nakatingin sakin yung mama" bulong niya din.

Tinignan ko yung mama na tinignan din ako, kinuha ko yung jacket ko na nasa loob ng bag ko saka tinakpan ang binti ni Haira, tinignan ko ulit yung mama na nakatingin na ng diretso sakin ngumiti ako sakanya at tumango agad naman siyang umiwas ng tingin, hmph bastos.

Tinignan ko si Haira at napansin kong namumula ang tenga niya, "ayos kana?" Tanong ko pa sakanya at tumango naman siya ng hindi tumitingin sakin.

Dinaig niya pa yung kamatis, pulang pula na ang tenga niya.

Hindi kaya...jusko!

GLDNPEN

A/N: GRAMMATICAL ERROR







To You, Who Swallowed A Star | BL Series #1Where stories live. Discover now