Chapter 2

9 1 0
                                    

Inabot kami ng gabi ni Cyy sa bar.

Nakaramdam na ako ng pagkahilo bago tumayo si Cyy at magpasyang umuwi na kami.

"Umuwi na tayo, lakash na ng tamuh mo! Tapos magiging tatlo ka na sha paningin koh." aniya at saka humalakhak.

Nginisian ko s'ya. "Hindi pa akow lahsing, nag iisha kaH nga luuung sha paningin ko, eh." napatitig s'ya sa akin.

"Thalaga?" gulat na tanong nya.

"Oow! Blurd nah kashi yung sha hiba." sagot ko at tumawa ng malakas na sinabayan naman nya.

Humupa lamang ang tawanan namin ng sumenyas s'ya na tumahimik ako.

"Thatawwgb ko lang yung asawa ko, papashundo tayo." aniya at nagkalikot sa bag nya. Tinawanan ko s'ya.

"Ayoko pa umuwi," sagot ko sabay kuha ulit ng shot glass at punuin iyon ng Whiskey.

"Uuwi tayo sha ayaw mo at sa gusto ko." aniya naman. Napakakulit! Nilagok ko nalang ang inumin sa shot glass at hindi na pinansin ang mga sinasabi nya sa akin at sa kausap nya sa cellphone.

Dapat pala sa bahay nalang ako uminom kasama si dad, tapos magsasapakan nalang kami pag nalasing.

Natawa ako sa sariling iniisip. "CR muna ako..." pagpapaalam ko sakanya. Pipigilan pa sana nya ako pero wala narin naman syang nagawa dahil sa ayaw at sa gusto ko ay aalis talaga ako.

"Saan ang cr, boss?" tanong ko sa isang lalaking nakasalubong ko habang naglalakad ako palayo sa table namin.

"Left," aniya sabay turo ng kaliwang hallway. Tumango naman ako at nagpasalamat bago s'ya lagpasan.

"Nginang buhay 'to, oh." reklamo ko ng napigtas ang tali ng sandals ko. Paliko-liko na kasi ako sa paglalakad kaya ay bumigay ang sandals ko sa kaliwang paa.

Masama talaga mangaliwa, hays.

Tumigil ako kahit na malapit na ako sa cr para yumuko at tanggalin ang sandals ko. Natumba pa ako napaupo sa sahig bago iyon tuluyang natanggal. Nang akmang tatayo na ako ay matutumba nanaman sana ako kung hindi ko lang naitukod ang palad ko sa sahig.

"Tsk! Bwiset!" singhal ko. Magrereklamo pa sana ako ng mapatigil ako sa narinig na boses.

"Do you need help, Miss?" ani ng isang baritonong boses.

Munt4nga? Halata naman na kailangan ko ng tulong, ah? Need talaga mag tanong?

"HA?! HINDI AH! KAYA KO TUMAYO MAG-ISA! LOOK!" sigaw ko sakanya sabay pilit na tayo.

Nagawa ko naman tumayo kaya lang ay muntik na akong sumalampak ulit sa sahig pero nasalo nya ako.

S'ya na kaya si Mr. Right? S'ya na kaya ang love of my life- ewww! Scratch that! I hate men pala! Like my dad! They're all the same! I can live without a man in my life! Atsaka nasa left s'ya! Iiwan lang ako nito in the future, panigurado!

"Kaya pala mag-isa, huh." pang aasar nya. Nang makatayo ako ng maayos ay agad ko syang tinulak.

"KAYA KO NGA!" I shouted at him.

"Stop shouting, baka may makarinig sa 'yo at kung ano ang isipin." aniya na inirapan ko lang.

"Tabi nga." pabulong na aniko.

"What?" tingnan mo 'to, sabi 'wag sumigaw tapos no'ng bumulong-

Tinitigan ko s'ya and wow, kahit nagb-blur ang paningin ko ay parang ang pogi nya parin...

"What if... lumayas ka sa harapan ko?" nakangising ani ko sakanya. Hindi s'ya sumagot, maybe that's a yes. Kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad, binangga ko pa ang balikat nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TSL #1: SET FIRE TO THE RAINWhere stories live. Discover now