11

40 6 0
                                    

The One

Shen's P.O.V

Naalala ko ang sinabi ko kay Anthony ‘nung nasa ospital kami, kaya agad kung pinuntahan si Luke sa ospital upang bisitahin siya. Nakarating ako sa ospital na magulo ang isip ko hindi ko alam kong ano ba talaga ang nangyari kay Luke ‘nung time na sinugod siya sa ospital. Pag pasok ko ‘nang room ni Luke ay narinig ko ang pinag-uusapan nila ng mommy niya.

“Luke, kailan moba balak sabihin kay Shen na may cancer ka?” nagulat ako sa sinabi ng mommy niya.

“mom, please bigyan mo muna ako ng space para makapag isip ng maayos.”

“mas lalo kang mahihirapan kung itatago mo ang ‘totoo sa kaniya.”

“yun na nga mom eh ngayon palang nahihirapan na ako na itago sa kanya ang totoo, pano pa kaya kapag inamin kona ang totoo sa kanya hindi ko alam ‘kung ano ang magiging reaction niya kapag nalaman niya.” ani ni Luke habang umiiyak.

“T-Tita, kamusta ‘napo si Luke?” tanong ko na parang wala man lang narinig sa usapan nila.

“Oh ikaw ba si Shen? Okay naman na si Luke sabi ng doctor niya malapit na daw siya ma discharge.”

“Ah ganun po ba, ako na muna po ang mag-babantay sa kanya magpahinga po ‘muna kayu alam ko naman po na kagabi pa kayu walang tulog.”

“Thankyou Shen and thankyou also kase ‘binantayan mo si Luke habang wala ako.” pasasalamat niya na siya nama’ng kinatuwa ko.

“Nako tita alam niyo po ‘bang bulero yang anak niyo napaka pasaway.” sambit ko ng kinatawa naman ni Luke.

“Anong pasaway hindi kaya.”

“para kayung bata, aalis ‘nako shen ikaw muna ang bahala kay Luke huh?” Paalam niya samin.

“Sige po tita ingat po kayu.”

‘Umalis na si tita at kami nalang dalawa ni Luke ang natira sa kwarto niya, agad na bumuhos ang luha ko na kanina kopa pinipigilan nang sandaling iyon tinanong ko si Luke about he's cancer.

“Baby why are you crying?” tanong niya na may pag aalala.

“W-Why? Bakit hindi mo sinabi sakin ang totoo? Una palang pala may sakit kana pero bakit? Bakit umabot tayu sa gantong situation? Luke naman eh sa bawat ngiti mo may dinaramdam kana pala na hindi ‘mo sakin sinasabi.” tuloy ang pag buhos ng luha sa mga mata ko.

“B-Baby.” Nauutal na sambit niya.

“Luke, hindi mo alam kung ‘gaano kita ka mahal alam mo bang nahihirapan ako sa tuwing nahihirapan ka? Pero b-bakit ganito bakit tinago mo sakin ang totoo?” lahat ng bakit ay hinahanap ko ang sagot mula sa bibig ni Luke.

“Because I don't want to tell you shen, alam kong mahihirapan ka pero mas nahihirapan ako sa tuwing umiiyak ka ‘yan ang dahilan kung bakit una palang ayaw kona sabihin sayu ang totoo, Shen Mahal kita at alam ‘moyan ayaw kong gumuho ang mundo mo ng dahil lang sakin.” tuluyang siyang umiyak ng umiyak.

“I know you love me so much, P-pano nalang kung mawala ka sakin Luke? Hindi ko makakaya diba sabi mo sabay tayung aakyat sa stage ng mag kahawak kamay p-pero bakit ganto?”

“B-Baby, Pipilitin kung gumaling para sayu, at tutuparin ko parin lahat ng pinangako ko sayu but please don't leave me ngayong alam mona ang sakit ko pandidirian moba ako?” tanong niya sakin.

“O-Of course not walang dahilan para pandirian kita luke.”

Hinawakan niya ako sa mukha at sinabi ang mga linyang nag-luha sakin ng tuluyan. “Shen gusto kong makahanap ka ng may mag aalaga sayu at mamahalin ka habang buhay, you deserve to meet someone kapag tumating na ‘yung panahon na unti-unti nakong mawawalan ng hininga. Gusto pa kitang makasama at alam kong mahirap sayu na tanggapin ang sakit na nararamdaman mo ngayon kaya ngayon palang gusto kong mag-pakasal ka sa lalaking ‘yun.”

“L-Luke bakit mo sinasabi ang lahat ng ‘yan sakin, gagaling kapa wag mo'ng sabihin yan.” “ikaw lang ang gusto kong pakasalan Luke wala ng iba at hinding hindi ako hahanap ng iba.”

“Gusto kong maging masaya ka Shen.”

“Masaya nako simula ng nakilala kita at kahit kailan hindi ako malulungkot para sayu dahil araw araw naman kitang kasama.” ngumiti nalang ako at kinalimutan lahat ng sinabi niya sakin.

Lumipas ang mga oras at nakatulog narin si Luke pag katapos kung pakainin at ito ‘parin ako na hindi mapakali dahil iniisip ko parin paano, paano nalang kung wala na siya kakayanin ko kaya? Subrang hirap ng nararamdaman ko ngayon at hindi rin ako makatulog gusto kopa siyang makasama ng matagal, gusto ko pa siyang pag masdan habang natutulog, gusto ko pang mahawakan ang mga kamay at paulit-ulit na halikan ang kaniyang noo. Dahil alam ko darating ang panahon na hindi kona magagawa ang lahat ng ito hinding hindi na kapag kinuha na siya sakin.

********************


‘Nagising ako ng naka ngiti ng makita si Luke na nakatingin sakin na parang wala lang nangyari.

“Stop tearing me love baka matunaw ako niyan sa kakatitig mo.” biro ko sa kanya.

“ang ganda mo napaka ganda swerte ng mapapangasawa mo.”

“m-mapapangasawa? hmm alam mo naman na ikaw ‘nayun kaya swerte ka sa wife mo kaya mag palakas ka, dahil tutuparin natin ang pinapangarap mong big family.”

“yung isang dusinang anak ba ‘yun ha darling? magpapalakas talaga ako neto.” ganti niya sa biro ko.

“oo na sige, k-kailangan kona pala umalis muna may schedule kase ako now eh don't worry babalik naman agad ako.” Paalam ko sa kaniya.

“o-okay promise babalik ka agad kapag tapos ng schedule mo, because i want to see your beautiful face at ang hindi kita makita ay nahihirapan ako.” Nakangiting sambit niya.

“of course love.” dumampi ang labi ko sa mga labi niya.

“bago ‘yun ah?”

“a-anong bago? kala mo naman hindi mopa ako nakikiss!”

“ngayon lang ulit? Sige na baby baka malate kapa sa school mo goodluck sorry kung hindi kita masasamahan.”

“kaya nga mag pagaling ka diba para masamahan moko! Aalis nako promise mag b-behave ka lang sa nga nurse dito huh?”

“yes po promise.” tinaas niya ang kamay na at pinakita sakin.

‘Umalis ako ng nakangiti ngunit may kirot parin sa puso ko na hindi ko maintindihan hindi ko nalang pinansin at tuluyang nag lakad hanggang makarating ako ng school pero kahit sa school ay hindi parin ako mapakali kaya pumunta muna ako ng bookstore upang basahin ang libro na binasa ko nung time na mag meet kami ni Luke ‘ito rin kase ang paborito niyang libro dahil daw paborito ko rin ito. Sa bawat lipat ko ng pahina ay naalala ko ang bawat sandaling mag kasama kami nang araw nayun at napapaisip bakit? bakit kopa siya nakilala at nakasama kung mawawala din naman siya sakin bakit hanggang ngayon wala paring sagot sa lahat ng bakit?

Chasing The MoonWhere stories live. Discover now