Chapter 2

64 0 0
                                    

ME AND MISS GANGSTER

Faye Peraya as Paye Peralta
Yoko Apasra as Ayako Aragon

CHAPTER 2 | Angel Baby
AYAKO

Your services are no longer required.  Mas malala pa 'to sa 'We'll call you, we'll contact you.'

Magtatatlong buwan na kasi simula noong minalas malas ako sa trabaho. Sino ba kasing empleyado ang matutuwa sa boss na manyakis? Feeling ko tuloy naipasa sa akin ng dating boss ko 'yung kamalasan niya sa buhay. Lahat kasi ng inapplyan kong trabaho ay hindi ako tinatanggap.

Nung malaman ng tiyahin kong galit sa mundo ang situation ko. Agad niya akong ibi-nook ng ticket pauwi ng Pilipinas.

Naging disney princess muna daw ako for the meantime. Kung tutuusin hindi ko naman talaga kailangang magtrabaho para kumita.

Ang tiyahin ko, si Maria Teresita Aragon Namizake— biyuda. Siya ang nangangalaga ng mga finances ko at mga ari-arian ng mga nasira kong magulang. Gusto niyang manatili ako sa Japan or sa Thailand dahil maganda naman daw ang buhay ko.

Ay, ayoko naman ng nagsu-swimming nga ako sa pera pero ang lungkot ng buhay ko. Gusto pa ng Auntie ko sa mansion namin ako tumuloy sa Pinas.

Mabuti na lang, may mga kaibigan pa din ako — si Patrisha. Pumayag siyang doon muna ako tumira sa bahay niya habang pinapangatawanan ko ang pagiging Disney Princess.

At heto na nga ako, hinihintay ko lang ang sundo ko. Hindi ko rin kasi alam ang papunta sa bahay niya dahil hindi ako familiar sa lugar dito.

Saka pagod na pagod ako sa byahe. Mas nakakapagod pa 'yung paghihintay ko sa airport kaysa mismo sa flight ko.

May kasabayan ka ba namang nagmamaoy na bata. Juskolord.

Inilibot ko 'yung paningin ko sa buong paligid. Tinawagan naman ako ni Trisha na hindi siya ang susundo sa akin kundi ang kaibigan niyang goons.

"Sira-ulo talaga," naiiling na bulong ko sa sarili ko. Ang hinahagilap tuloy ng mgq mata ko ay 'yung mgq itsurang mukhang sindikato. May balbas saradong mukha, naka-leather jacket na itim at mukhang halang ang kaluluwa.

Eh. Wala akong makitang ganoon. Hugot na lang ako ng malalim na hininga. Sanq man lang may dalang ano, board na may "Ayako, welcome to the Philippines."

Ay wala! Ako na maghahanap ng mukhang goons?

Tatawagan ko na sana ulit si Trisha nang may umagaw sa atensyon ko.

Kinunutan ko pa siya ng noo kasi mula nang umapak ako sa hintayan ng mga pasahero eh nandoon na ang babaeng 'yon na para bang kanina pa ako tinitignan.

Hindi ko naman sana papansinin kung hindi siya lumapit sa akin at kinalabit ako.

"Ikaw ba si Ayako Aragon?" matangkad siya na may kalaliman ang boses kaya bumagay sa laking tao niya ang boses niya.

Naka-all black siya, nakatali ang mahabang buhok at itsurang any moment — isang maling sagot mo e kaya ka niyang buhatin parang bigas o isilid sa sako para manahimik ka na lang habang buhay.

Saka ko napagtanto ang sinasabi ni Trisha. Mukhang goons ang sundo ko.

At mukha siyang goons less the balbas. She's having that vibe na mukhang.. gangster?

Napalunok ako ng bahagya. "Y-yes?"

Literal na nakanganga ako sa kan'ya. Nakakahiya ka talaga Ayako! Pagalit kong sermon sa sarili ko.

Inilahad niya ang kamay niya para abutin ang maleta ko.

"Kaibigan mo si Patrisha?" pagkumpirma ko. Siyempre alangan naman sumama lang basta ang isang Disney Princess with limited time only sa isang mukhang goons este gangster na mukhang bugnutin.

Tumagilid ang ulo niya pagtingin sa akin. Nakuha ng atensyon ko 'yung Ray-ban niya sa ulo.

"Yeah," maikling sagot niya. "Pinapasundo ka niya kasi busy siya."

Nang hindi ko ibinigay agad sa kan'ya 'yung maleta ko ay siya na ang kumuha sa hawak ko.

Mas lalo akong napatanga sa kan'ya.

"Ano, miss?" Aniya nakatikwas ang isang kilay niya siya sa akin. "Tititigan mo lang ba ako? Mahal ang talent fee ko."

Saka siya kumindat na lalong nagpa-praning sa akin.

Inirapan ko siya. Ang kapal naman ng hininga ng kumag na 'to!

Tatawa tawang nagpatiuna siya sa paglalakad at sinundan ko siya hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop.

Pagpasok namin doon, binati agad siya ng mga staffs na animo ay kilalang kilala siya.

Nakikipagbiruan pa nga siya.

"Umorder ka ng gusto mong kainin," aniya na iginaya niya ako papunta sa counter. "Walang laman ang pantry ni Patring sa bahay niya. Magugutom ka doon pagdating mo doon."

De, umorder. Pinili ko na lang kung anong unang nahagip ng paningin ko.

Tapos dinala niya ako sa isang bakanteng table— sa hindi masyadong nakikita ng tao.

Inilagay niya sa bakanteng upuan ang maleta ko.

"Dito ka muna," sabi niya habang nakatingin sa back door ng coffee shop. "Wag kang aalis hanggang hindi ako bumabalik. May kakausapin lang ako sandali."

Dumating agad 'yung inorder ko kaya hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya o kung matagal ba 'yung paglabas niya. Nilayasan agad ako e.

Bago pa makalayo sa table ko 'yung crew. Tinawag ko agad.

"Yes, ma'am?" Linga sa akin ng crew.

"Bago lang kasi ako dito e," ininguso ko 'yung nilabasang pinto ng goons. "Parang kilala ninyo siya, ganyan ba siya makipag-usap sa tao?"

"Ay, si Miss Paye po?" napakamot na lang sa batok 'yung crew. "Mabait naman po si Miss Paye, sila po ni Miss Trisha ang may-ari ng coffee shop na 'to."

"Ha?" Nag-hang na naman ako. 'Yung mukhang antipatikong sindikatong 'yon? Mabait? Kasosyo ni Patring Aning??

"May kailangan pa po ba kayo, ma'am?"

Kanda iling ako. "Wala na, order na lang ulit ako mamaya paglabas ko."

Pagtalikod ng crew. Saka naman nagpakita si Paye.

Paye pala siya huh, hindi goons. Naglalakad siya papunta sa table ko at naupo sa bakanteng silya sa tapat ko.

Nakatitig siya sa akin.

Ganoon na lang gulat ko nang dumampi ang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko.

Saka niya idiniretso sa bibig niya 'yung hinlalaking ipinunas niya sa labi, pisngi ko.

"Hmm, lasang Japanese," sabi niya habang makulit 'yung mga ngisi niya sa labi. "Ganyan ka ba kumain? Ang kalat, para kang baby."

Ako na parang itinulos sa kinauupuan ko na nakatanga sa kan'ya. 

Me and Miss Gangster (FAYEYOKO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon