Fredrick
How do you get over a heartbreak? Madalas kong tinatanong iyan sa sarili ko kahit hindi ko pa naman nararanasan ang heartbreak. Pero kahit hindi ko pa nararansan, danas na danas naman iyan ng mga kaibigan ko.
I never had a relationship before at iyan ang madalas na nagiging joke namin ng mga kaibigan ko. Hopeless romantic daw or torpe. Ewan. Siguro torpe nga pero ano naman? I am enjoying my single life... well, was. It was until I met Hayle Muller na barista ng Hey Cafe.
"Sa'n punta mo after?" tanong sa'kin ni Carson nang mapansing nilalagay ko na sa case ang gitara ko. "Kape na naman?" natatawang dagdag niya.
Ibinato ko sa kaniya ang pick na nasa tabi ko. "Oh, tapos?" sabi ko.
"Kailan ka nga ulit naging mahilig sa kape?" tanong niya ulit. Hindi ko siya sinagot at sumimangot. Agad kong isinara ang zipper ng case nang mailagay ko na doon ang gitara ko. "Jad! Jad, kailan 'to nagsimula?" pagtawag niya ng kakampi.
"Last month ata. Tambay 'yan sa Hey Cafe." sagot ni Jadriel kay gago.
I sighed. Hindi ko na pinatulan ang dalawa at umalis na sa house studio nina Carson. I believe they're still going to stay there with Zahra. I am the guitarist of Dye, a band that started noong 2019.
Jadriel's the drummer, Carson is the bassist, and si Zahra naman ang sa keybord. Carl is not with us this practice dahil may lakad daw siya. Si Carl naman ang rhythm guitarist namin.
I walked to the cafe near Carson's mansion. Napangiti ako nang matanaw ang barista ng Hey Cafe. Hayle ang nasa nameplate niya at nalaman kong Muller ang apelyido dahil iyon ang tawag sa kaniya ni Dave, ang may ari ng HC.
"Good afternoon," I greeted the guard when I entered the cafe. Tumungo agad ako sa paborito kong spot ng cafe. May lumapit agad sa akin at kinuha ang order ko. I ordered machiatto, because that's the only drink I've enjoyed. Totoo ang sinabi ni Carson at Jad na recently lang ako nahilig sa kape.
Well, pasensiya na. Ngayon lang din kasi ako nagka-crush?
not rick @akonalangsana
tangina ang ganda wtf ate isang americano narin po
2 likes
︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎carson @carsonkade
︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎creepy mo pre
︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎Zahra Kalel @zksilvestre
︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎Stalker. Yikes.
︎︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎replied not rick @akonalangsana
︎︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎pakyu hindi
︎︎
![](https://img.wattpad.com/cover/375881019-288-k6b17a4.jpg)
YOU ARE READING
Antukin (Epistolary)
Short StoryThat time when the Dye Band's Guitarist, Jed Fredrick Enriquez, confessed his feelings to Hayle Muller only to find out that she wasn't able to hear it due to the loud noise and well... chaos ensues.