Fredrick
"P'wede bang tingnan ang list ng upcoming events?" tanong ko kay Carson. Kasalukuyan kaming nakatambay sa library ngayon. Wala munang practice kasi exam week.
Tiningnan niya ako at pabirong itinago ang papel na dala niya. Maliban sa pagiging bassista ng Dye, student leader din ang isang 'to. Kahit medyo impossible, totoo 'yan.
"Patingin lang naman! Gusto ko lang i-check kung may club fair o ano..." sabi ko.
Inabot niya ang papel. "Bawal mo i-leak iyan, ha?" paninigurado niya.
Hindi ko na siya pinansin at tiningnan na ang mga upcoming events. I smiled when I saw the club fair. Isang buong week ang event na club fair. At iyan ang pinaka paborito kong event dahil unli tugtog kami buong week ng Dye. Kabilang din kasi kami lahat sa music club ng WU.
"Ngiting ngiti si gago." Pamumuna ni Jadriel nang maupo sa tabi ko. "Balita ko may Hey Cafe that week," nag smirk pa ang gago.
Malamang alam ko 'yun. Ako pa ba? 'Di, biro lang. Alam ko 'yun dahil tinulungan din namin sa Carson sa pagpaplano ng Club Fair. Imagine niyo kung gaano ako kasaya nung nakita kong katabi ng music club site ang station ng Hey Cafe.
"Hindi nga lang ako sure kung nandiyan si Hayle. Sabi kasi sa'kin ni Seraf, baka nasa Japan ang kapatid niya." sabi ni Carson.
Tumawa si Jadriel. "Wow. Kinakausap ka na ni Seraf?"
"Pucha, 'di parin. Nagkunwari lang akong need ko ang info para sa club fair para sagutin ako." natatawang ani Carson. Palihim narin akong natawa kahit medyo malungkot sa sinabi niya. Ang tagal na rin niyang 'away' ni Carson at Seraf. Hanggang ngayon, hindi parin okay?
Hindi ko na sila pinansin at ipinasa kay Zahra ang papel dahil mukhang interesado siya na makita iyon. Saan naman kaya 'to interesado?
@jd081 reposted
Jed Fredrick @redassrick
Happy 300k streams, Reath! #DyeMusic
5,675 retweets 4,234 quotes 45,922 likes
︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎carson @carsonkade
︎ ︎ ︎︎ ︎ congrats sa band niyo
︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎carlos @carl_sle
︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎painom naman kayo @jd081
︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎@carsonkade @redassrick︎︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎replied Jed Fredrick @redassrick
︎︎ ︎ ︎︎︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎︎ ︎ ︎ ︎︎ Ayoko nga
︎︎
YOU ARE READING
Antukin (Epistolary)
Short StoryThat time when the Dye Band's Guitarist, Jed Fredrick Enriquez, confessed his feelings to Hayle Muller only to find out that she wasn't able to hear it due to the loud noise and well... chaos ensues.