Pauwi ako ngayun galing sa trabaho, nang makarinig ako ng tatlong sunod sunod ng putok ng baril ngunit imbis na umalis ako at matakot, ay agad ako pumunta sa pinag mulan ng ingay.
Mula sa kina pu-pwestuhan ay nakita ko ang lalaking nakahandusay sa sahig at naliligo sa sariling dugo,agad ko naman itong nilapitan at siniguradu kung buhay pa ba ito.
Nang makompirmang buhay ito ay agad ko naman sinuri ang mga tama nito, mayroon itong tama sa balikat at tyan pati daplis ng bala sa gilid ng ulo nya. Napatingin ako sakanyang kaliwang kamay na may hawak ng baril, sinuri ko at napansin na may na kaukit na pangalan sa gilid ng baril.
"Damon" banggit ko sa naka ukit na pangalan na sa tingin ko ay sakanya, agad ko naman itong isinilid sa dala kong bag at kinuha ang cellphone at tinawagan ang taong makakatulong sakin sa ganitong sitwasyon.
"Jerome, kailangan ko ng tulong mo" saad ko agad ng sagutin niya ang tawag.
"Ano namang klaseng tulong yan?" bagut na tanong nito sakin, napailing nalang ako sa inasta niya at muling pinag masdan ang gwapong mukha ng lalaki.
"Naka kita ako ng bangkay" simpling sagot ko, narinig ko naman na may kung anong nahulog mula sa kabilang linya.
"Nako naman Kill, pati ba naman patay pakikialaman mo, hayaan mo nayan jan---He still alive, naliligo sa sarili niyang dugo" putol ko sa iba pa niyang sasabihin.
"Mayroon siyang tama sa tyan at balikat, pati narin sa gilid ng ulo pero daplis lang" dagdag ko pa.
"Nasaan kayo? pupunta ako jan" sinabi ko naman kung saan ang lugar na kinaruruunan namin.
....................
Pag karating namin sa ospital ay agad naman may umabang samin ang mga doctor at nurse at agad na dinala si Damon sa OR para operahan na kaagad. Malubha ang kalagayan niya, ng hawakan ko ito kanina ay nag aapoy sa init ng lagnat ang lalaki kaya dobleng pang gagamot ang gagawin sakanya.
"Bakit mo naman sinabing bangkay yun kung buhay panaman pala, kung sinabi mo kaagad ng deritso edi sana nakarating ako agad"
"Kilala mo ako Jem" tanging nasabi ko nalamang, inimulat ko ang mga mata kong naka ipit at umalis sa kina uupuan at tinalikuran siya.
" Saan ka pupunta?" hinarap ko siya at blankong nakatingin lamang sakanya.
"Uuwi muna ako, ikaw na muna ang bahala sakanya. babalik ako bukas para palitan siya sa pag bantay"
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nya dahil sigurado akong mag p-protesta lamang siya.Pag kalabas ko ng ospital ay agad akong nag para ng taxi upang maka uwina kaagad.
Habang nasa byahe ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone na hawak ko, cellphone ni Damon. Sinagot ko ang tawag ng saktong tumapat na ang taxi sa harap ng condo na tinutuluyan ko.
"Bat ba ang tagal mo laging sagutin ang tawag LEADER?"agad na sabi ng lalaki sa kabilang linya at pinag diinan ang salitang leader, agad ko naman tinungo ang pinto ng condo ng bumukas ang pinto ng elavator.
"President, nasaan kana ba? kanina pa patay ang target, tumawag ang HM ngayun ngayun lang at kailangan nating bumalik dahil may importante daw itong sasabihin" saad naman ng isa pang lalaki sa linya. Sa tingin ko marami sila dahil kada may mag sasalita ay nag iingay.
Nang matapos akong maka pag bihis ay kinuha ko ang cellphone mula sa bedside table at humiga sa kama habang patuloy na pina pakinggan ang mga sinasabi sa kabilang linya.
"Yuri,Yuki, hand me that phone" rinig ko namang saad ng isang boses babae ngunit sa seryosong tone.
"We are in front of seven eleven near at the condo unit, kung saan mo hinabol si Mr. LAZARE. Pumunta kana dito dahil kailangan na natin bumalik ng sabay sabay." ani ng babaeng seryoso ang tono.
Pinatay ko ang tawag at agad bumangun mula sa pag kakahiga sa kama. Ang sabi ng babaeng si Ella, rinig kung tawag sakanya ng isa pang babae kanina sa kabilang linya. Nasa may seven eleven daw sila malapit dito,kaya imbis na si Damon ang humarap sakanila ay ako ang pupunta para ibalita ang nangyari sa Leader daw nila kuno.
Hindi na ako nag palit ng suot kundi pinatungan ko nalang ng jacket ang suot kong ternong pajama at itim na cap, sout ang salamin at nag suot na rin ako ng facemask.Kinuha ko sa loob ng closet ang naka tago kong baril at nag dala narin ako ng dalawang dagger.Lumabas ako ng condo at agad dumiretso sa elavor, pag ka bukas ay agad ako lumabas ng
building at tumungo kung nasan ang mga kasamahan ni Damon.
....................
Mula dito sa labas ng 711 kita ko ang mga estudyanteng mga naka uniform pa, yung ibang kasama nila ay mga naka all black, may iba pang nasa casher at nag babayad, pumasok ako sa loob para maka siguradong sila nga ba yung nasa tawag at katulad din ng ibang lalaki ang suot ni Damon.
"Ella kumain ka muna wag kana mag alala dun sa kapatid mo, malaki na yun" napa iling nalang ako sa sinabi ng katabi niyang babae, kung ganon siya si Ella. Mukha ngang kapatid niya talaga yung lalaki dahil may pag kakawig din sila, pumunta ako sa pwesto nila at agad ko naman na agaw ang mga atensyon ng mga kasama nila.
Ang kaninang maingay sa loob ng 711 at napalitan ng nakaka binging katahimkan kahit yung ibang nasa casher ay napa tingin, mabuti nalang at naka atuon ang atensyon nung lalaking casher sa customer at yung mga nasa unahan ay mukhang nakikiramdam lang.
Napa buntong hininga ako nalang ako dahil sa totoo lang ay ayaw ko talaga ng atensyon mula sa ibang tao, katulad nalang ngayun.
"DAMON" bigkas ko sa pangalan ng kapatid ni Ella.
Agad naman na patayo ang babae at gulat ang matang naka tingin sakin mula sa maganda at seryoso niyang mukha. Tinalikuran ko sila at mukhang nakuha nila ang gusto kong ipabatid dahil sumunod sila sakin hanggang sa labas, pumunta kami sa eskinita katabi lang nitong 711,at ng pader na ang pinaka dulo nito ay saka ko lamang sila hinarap. Limang metro ang distansya ko sakanila at medyo madilim sa parte ng kina pu-pwesto ko.
"Anong alam mo sakanya?" tanong ni Ella.
"May tama siya sa tyan at balikat, na daplisan naman ng bala ang gilid ng ulo at kasalukuyang nasa ospital" malamig aniko sakanila. inilibas ko ang cellphone ni Damon at lumakad palapit kay Ellang nangunguna sakanila.
"Ako yung sumagot sa tawag niyo, kaya imbis na si Damon ang pumunta sainyo ako ang pumunta para ibalita ang nangyari sakanya." iniabot sakanya ang cellphone na agad naman niyang kinuha at sinuri.
"Saang ospital mo siya dinala?" tanong ng lalaking katabi niya na nerd pero gwapo.
"Peralta Ospital" maikling sagot ko at nilampasan na sila, nang maka limang hakbang ay tumigil ako at sinabi ang mga katagang nag pasinghap sakanila.
"Kailangan niyo siyang puntahan dahil yung leader niyong si Damon ay inaapoy ng lagnat ng matagpuan ko siya. At isa pa pala kung nag tataka kayo, kung bakit ganito ang ipinapakita kong pakikitungo sainyo at hind manlang natatakot dahil yun ay mag ka parehas lang tayo, malaki ngalang ang pinag kaiba. Kayo mga estudyanteng binibigyan ng mga misyon, habang ako ay...." pambibitin ko.
"SECRET" saad ko at kumaripas na ng takbo, nang makalayo na ako sakanila ay agad kong inilabas ang tawang gusto ko ng ilabas kanina pa.
"Masyado kayong seryoso, tsk,tsk" naisaad ko nalang at umuwi na.
enjoy reading...
YOU ARE READING
ASSASSIN STUDENT
ActionKilliana Luna Hellyn a.k.a Lucy, pangalan palang mapanganib na. pano pa kaya kung may gawin na siya sayo. Galing sa isang maharlikang pamilya ang dalaga at masaya ang pamumuhay hanggang sa may pumatay sa kakambal nito. Tumakas si Kill sakanila at na...