Kill P.O.V
Matapos ang klase sa mag hapon ay dumiretso ako sa ospital upang tingnan kung kamusta na ang kalagayan ni Damon.
Naka pag alam na ako sa amo kong hindi muna papasok dahil may kailangan akong ayosin at yun ay ang lalaking yun. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok, nakita siyang naka upo sa kama at may benda ang ulo, habang may mga kunting galos ito sa mukha.
"Kamusta kana?" tanong sakanya at nilapag sa malapit na mesa ang dala kong pag kain para saaming dalawa. Naisipan ko narin kumain dito para makapag usap na rin kami at may gusto lang din akong itanong sakanya.
Binigyan naman niya ako ng nag tatanong na mukha kaya kumuha ako ng upuan at tumapat sakanya.
"Wag kang mag panggap na parang hindi moko kilala JACE." naiinis kong ani sakanya at pinag diinan pa ang pag bigkas ng second name niya.
"Hahahahahaha" tawa nito na para bang nakakatawa ang sinabi ko, humawak pa ito sa kanyang tyan at may luhang lumabas sakanyang naka pikit na mata habang tumatawa pa rin.
"Kung ganon kikilala mo pa rin pala ako, hays sa bagay sinong hindi makakalimot sa gwapong mukha ng mahal niya. Hindi ba mahal ko?" napa irap nalang ako sa bilis niyang mag palit ng mode, kung kanina halos mamatay na kakatawa, ngayun naman subrang hangin.
"Paanong napunta ka sa ganyang sitwasyon Damon?"
"Akala ko ba walang makaka talo sayo maliban sakin, anong nangyari?' dagdag ko pa. seninyasan niya akong maupo sa tabi niya, sa pag tapik ng kanyang kamay sa bakanteng espasyo ng kama.
"May kasabwat eh, buti nalang natapos din" parang bata aniya habang kinukolot ang buhok ko ng mga daliri niya.
"kamusta ang mga sugat mo?"
"Hmm. ayos lang naman, buti nalang hindi malalim ang tama sa gilid ng ulo dahil kung nag kataon pwedeng madamay ang utak at mag karoon ng amnesia" naka pout na aniya at hiyakap ako saka sinandal ang ulo sa balikat at kiniskis ang pisnge niya dun. kahit may suot akong uniform ay ramdam ko pa rin kung gaano kalambot at kakinis ang mukha ng lalaking ito.
"Pusa" wala sa sarili kong tawag sakanya.
"i miss that"
"Ang alin?"
"You call me in that neckname" tama siya pusa ang binigay kong palayaw niya nuong mga bata pa kami. Nakaka miss rin pala yung mga dating kami.
"Kailan ka babalik?"
"I don't know, maybe few months before to get back"
"Why?"
"I want to be with you, na miss kita, limang taon kang nawala kaya limang taon din akong nangulila sayo"
Bat ba ang daldal ng lalaking to ngayun?
"Yung totoo, bat ang daldal mo ngayun?" taas kilay kong tanong sakanya.
"Sayo lang naman." aniya habang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Napa irap nalamang ako at saka sinuklay ang buhok habang ganon pa rin ang posisyon niya.
"Pero yung totoo, pano mo nga pala ako nakilala nung una palang, yung nang yari kagabi?"
"Because of your ring and necklace, also to your tattoo"
"My tattoo?" napa irap nalamang ako sa tanong niya.
"Sabi mo sakin noon, gusto mong mag pa tattoo pag malaki na tayo at gusto mo ay ang katanang may naka pulupot na tinik" sagot ko sa katanongan niya.
"You still remember huh?" tanging tango lang ang sinukli ko rito at tumayo saka nilapitan ang dala kong pagkain.
"Bakit nga pala gusto mo ng ganong tattoo?" ako naman ang nag tanong sakanya.
"Walang lang, ang ganda kase" napairap nalang ako sa sagot niya.
"Kailan ako pwedeng ma discharge?" tanong niya ulit habang ako ay inaayos ang mga kakainin namin.
"I don't know, i'll ask your doctor later"
"Eh?, but i want get out of here now!" biglang pag mamaktol nito, kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Jace, stop acting like a child when you want something that you can't get." matalim ang mata kong saway sakanya.
"But---No but's, kumain ka muna" putol ko sakanya at itinapat ang maliit na mesa sakanya para sa mga pasyente.
"Feed me" napa pikit nalamang ako ng mata sa pag titimping wag siyang sapakin dahil sa kakulitan ng lalaking to.
"Kaya mo na yan, malaki kana, nakayanan mo nga ng limang taon wala ako eh" naka talikod kong ani sakanya at umupo na rin sa mesa na katapat lang ng kama niya saka nag simula ng kumain.
Nang wala na akong marinig na kung anong reklamo sakanya ay tinignan ko ito. Halos matawa na ako ng makita ang mukha nitong nakasimangut at ang mga matang maluha luha na habang naka puot na kumakain.
Naka ngiting napailing nalamang ako at binalik ang atensyon sa pagkain.
...................
Kakatapos ko lang gumawa ng asssigment sa math ng mag ring ang cellphone ko na agad ko naman sinagot ang tawag habang nirereview ang mga sagot ko.
"Kill, nasaan ka?" bungad ng kaibigan ko na si Trixe.
"Condo, why?" sagot habang nasa notebook pa rin ang atensyon ko.
"Nakalimutan mo?" tanong naman ng kakambal niyang si Pixe.
"Ang alin?" tanong konaman dahil wala naman akong ideya kung anong ganap ngayun.
"IT'S OUR BIRTHDAY!!!" napa pikit ako ng mata at agad na nilayo ang cellphone sa tenga.
"Nakalimutan ko" blanko ko kong sagut sakanila.
"Papunta kami dyan, fix your self now" ani ni Pixe at pinatay na agad ang tawag.Muli kong nireview ang sagot at ng makuntinto na ako ay saka ko niligpit ang mga gamit ko saka nag palit ng suot, hindi ko na kailangan maligo dahil kakatapos kolang din, plain black oversized t-shirt, black pants at converse na sapatos na kulay itim din,hindi ko na tinanggal ang suot kong salamin at sinuot ang black cap ko.
Kinuha ko ang black hoodie jacket ko sa closet at sinuot na rin dahil malamig sa labas lalo na't gabi, kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng study table ko at walet saka lumabas ng condo.
Nang makalabas ako ng building ay agad kong deniritso ang kotse ng kambal sa pl.
"Bat ang tagal mo?" bungad sakin ni Pixe sa passenger seat naka upo habang ang kakambal naman nito ay sa driver seat.
"Sinabi ko bang pumunta kayo dito at hintayin ako"
"Kung hindi kapa namin tinawagan kanina, hindi kana susulpot sa birthday namin." tanging irap lang ang sinagot ko dito.
"Saan ba ang location?" tanong ko
"Sa bar" sagot ni Trix. Hindi na ako umimik at tumingin nalang sa labas ng bintana.
Pag karating namin sa bar na pag mamay-ari ng pinsan nila ay mula dito sa labas, maririnig mo na ang nakaka bingi at nakakarinding ingay mula sa loob.
"Friends and relatives lang ang imbitado at ang iba pang kakilala, kaya wag kang mag alala" Pix, tumango nalang ako kahit wala akong paki, pero ayos narin yun dahil mas komportable akong nga kakilala ko rin naman ang imbitado sa kaarawan ng dalawa.
Tulad nga ng sinabi ko ayaw ko ng atensyon ng ibang tao, pero kung mga kaibigan ko lang din naman ay walang problema.
Pag pasok palang namin ay mga pamilyar na mukha na ang agad ko napansin at ang iba naman ay mga bago sa paningin ko.
"LUCY DITO!!!" sa lakas ng boses na iyun ay agad naman nakuha ang atensyon namin ang boses ng isa naming kaibigan na si Jerome, mabuti nalamang at hindi binigyan pansin ng mga bisita ang baliw na yun, tsk.
YOU ARE READING
ASSASSIN STUDENT
ActionKilliana Luna Hellyn a.k.a Lucy, pangalan palang mapanganib na. pano pa kaya kung may gawin na siya sayo. Galing sa isang maharlikang pamilya ang dalaga at masaya ang pamumuhay hanggang sa may pumatay sa kakambal nito. Tumakas si Kill sakanila at na...