CHAPTER 1

11 0 0
                                    

Halos isang buwan na simula nung lumipat ako dito sa bahay ni lola.

Malaki ang nagawa kong progress sa pag redecorate ko sa bahay, and i'm really satisfied sa nagawa ko. The house became my exact definition of my dream house.

And right now, nagsisimula nako sa bakasyon at pahinga ko. I'm currently sitting on the bed swing sa may terrace sa likod ng bahay, nag babasa ng libro at dahil pinoy ako, kahit mainit at tanghaling tapat ay umiinom ako ng kape.

I relaxed and smiled, napa ka ganda ng panahon at mula rito sa swing ay tanaw ko ang magandang lawa at ang garden. The gentle breeze cooled me down as i continue to read. 

Nga pala,  bago ko pala makalimutan, let me introduce myself. I am Ianne S. Gonzales, 27 years old. I graduated in Bachelor of Science in Business Administration (BSBA).

Dream course ko ito dahil pangarap ko talaga ang mag tayo ng negosyo, specially a cafe pero, mas pinursigi ko ang pagiging writer kaya ang kasalukuyan kong trabaho ay isang author.

At the age of 19, i published my first ever book for fun ngunit bigla yung sumikat. Because of that, i found out that i have a passion on creating stories, writing and using my imagination.

After kung gumraduate non, mas naging dedicated ako sa pagsusulat hanggang sa naging 27 years old ako and dahil dito, i earned a lot. At dahil malaki ang na ipon kong pera, napag isipan ko munang mag bakasyon at lumayo muna sa lahat lahat.

As i continued to chill and read the book, i suddenly heard a faint sound of thunder. Looking at where it might came from, nangunot ang noo ko.

Kitang kita ko ang papalapit na napa ka itim na ulap sa may mountains papunta sa direksyon ko. Nabigla ako ng biglang kumidlat at mas naging mabilis ang paglapit ng mga itim na ulap sa direksyon ko.

Naku, mukhang galit ata ang langit.

Dali dali akong tumayo at nag tungo sa kilid ng bahay kung saan naroon ang mga sinampay ko. Mabilis kung kinuha ang lahat ng mga damit habang ang bagyo naman ay papalapit ng palapit.

Ang kanina lang na maaliwalas at kulay asul na langit ay napalitan ng itim na ulap at tila'y galit na langit. Pagka pasok ko sa bahay, biglang bumuhos ang ulan. Palakas na palakas ito habang kumikidlat.

Kinuha ko ang libro at mug sa terrace tsaka sinirado ko lahat ng bintana, pati ang glass doors sa living room. Talagang malakas ang ulan dahil halos hindi mo na makita ang nasa labas.

Pumunta ako sa kusina at hinugasan ang mug, then, nagtimpla ulit ako ng kape. Suddenly, my eyes widen when a blinding lights entered from the window.

Dahil siguro sa instinct, binitawan ko ang mug at nilagay ang mga kamay ko sa aking tenga, coverings my ears. Hindi ngako nagkamali, dahil isang napa ka lakas na kulog ang sumunod sa kidlat.

Sa lakas nito ay parang useless ang pagtabon ko sa tenga ko dahil nakaka bingi ang tunog nito. Pinikit ko ang aking mga mata at nagtago sa may counter habang patuloy parin ang malalakas na kulog at kidlat. 

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil alam na alam ko na medyo takot ako sa malalakas na kulog at kidlat. Mabuti nalang at hindi ito nag tagal at huminto ito ngunit bumubuhos parin ang  malakas na ulan.

As i stood up, my knees felt weak and my hands are shaking. Tinapos ko ang pag titimpla ng kape at pumunta ako sa sala.

Umupo ako at napagdesisyonan na magpa tugtog ng isang jazz music habang iniinom ko ang kape. As i looked at the glass doors, napansin kong unti unti nang tumahan ang ulan.

Makikita mo narin na hindi na masyadong ma itim ang mga ulap. I then stood up and head to the glassdoor that leads to the terrace. Tinanaw ko mula dito ang lawa at bundok.

Unting unti nang nawawala ang mga itim na ulap, makikita mo narin ang kaunting asul na langit. Pero....parang namamalik mata ata ako.

Totoo naman siguro ang nakikita ko dba?


Bakit parang may tao na nakahandusay sa may gilid ng lawa?




Kinusot kusot ko ang aking mata making sure na totoo ang nakikita ko, but i guess mas better if lalapitan ko. Kinuha ko yung raincoat at bota ko tsaka sinuot. As i slowly walk in the stoned path, hindi umalis ang paningin ko sa figure.

I think it's a girl? dahil mahaba ang buhok nito. As i slowly approach, the rain stops pouring already. Unti unti naring bumalik ang kaninang kulay asul na langit. But as i was only about 2 meters away from the body, napatigil ako sa pag lalakad. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita.

Teka totoo ba ito?

Napaawang ng kaunti ang bibig ko habang naka tingin sa nakahandusay na katawan sa harap ko.

Am i dreaming?

Is this for real?

Wait sampalin ko muna sarili ko.

(PAK!!!)



O-ouch...

I blinked twice while holding my face.

T-totoo ata tung nakikita ko....!!!!

Meters away from me...... is an otherworldly beauty.......ang alam ko ay, mukhang hindi sha babae dahil isa shang lalake...at ang ganda nya pa..sobra

Hindi ko mapigilang hindi ma mangha sa kanya.

The sun was shining his body, making it feel like as if he's glowing. His long jet black hair was shining like it had some small crystals, may golden highlights din ito. Unti unti akong lumapit sa kanya, wala ata shang malay at may mga sugat at pasa sha.

Kalahating metro nalang ang layo ko sa kanya, napapansin ko na ang mga kaunting detalye sa naka handusay nyang katawan. May mga golden pattern sa katawan nya, nakikita ko ito dahil wala shang saplot sa ibabaw nyang katawan. Meron din sa forehead nya at.....ang haba ng pilik mata nya, pati ang ilong..napa ka tangos at...mas pink pa ata at kissable ang lips nya kesa sa akin..

His golden scales are also shining...

Yes scales dahil.....

Dahil i think this creature in front of me is a mermaid....

wait no...

i think......

He's a merman....









He's A MermanWhere stories live. Discover now