Chapter 2: Welcome to the new World

16 1 0
                                    


Lumabas ang kotse sa garage...

Hay sa wakas... naramdaman ko ang dampi ng init sa aking balat...ang sarap sa pakiramdam... Ika- 7 araw na ng magumpisa ang lahat...langhap na langhap ko parin ang baho ng amoy ng sunog na plastic at pulbura ng baril...

Habang nasa daan kami ...walang katao- tao at ang tahi-tahimik ng daan.....ng biglang nakarinig kami putok ng baril.... Huminto kami para tignan ang nangyari...

"Haaaaaaaa..... Tulong! Tulong!"

Tumatakbo ang babae papalapit sa kotse namin... At Binuksan ko ang pinto at pinapasok sya....

(hingal, hingal) "salamat..." Sabi ng babae.. Habang hinahabol ang hininga.

" anu bang nangyari" tanong ni uncle... Sa kanya.

Bago pa sumagot ang babae... Nabigla kami ng may isang zombie ang bumulagta sa bintana sa bandang upuan ko.... Buti nalang sarado ang bintana... Dumami ng dumami ang mga zombies na nakapalibot sa kotse kaya pinaandar na ni uncle ang kotse at umalis ....

" anu ba ang nangyari? " tinanong muli ni uncle rick. Sa babae.

" magkasama kami ni kuya.... naghahanap kami ng pagkain at safe na lugar... Nang may nakita kaming isang restaurant at binuksan ni kuya ang pinto.... Hindi namin alam na marami palang walker sa loob nito....

"WALKER?" Tanong ko...

"Yan ang tawag namin sa mga zombie,,.,.... Sinunggaban si kuya ng mga walker at sa harapan ko ay kinain siya ng buhay..." Naluluhang sinalaysay nya ang nangyari. "Kaya tumakbo ako palayo ... Pero hinabol ako ng mga walker.." Dugtong niya.

"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya...

( pinahiran ang luha) " ako nga pala si Jill Montecastro.."

" ah.. ako nga pala si Eduard Waltner. But you can call me "Ed" at ito naman ang uncle ko si uncle rick... We are going sa bahay ng aunt ko at magbabasakali na buhay pa sila.."

"Pwede bang sumama? Wala na kasi akong mapupuntahan."

" Oo.. Pwedeng, pwede,"

" salamat"

So... Nagpapatuloy na kami sa aming byahe papunta sa bahay nila aunt Lori....

Ilang kanto nalang ang layo namin sa bahay ni aunt... ng may dumaan na isang horde ng mga walker Sa harapan ng kotse .... Pinahinto ni uncle ang kotse...

at may isang walker ang lumapit sa amin at laking gulat ko sa nakita ko.... ..

. Kamukha siya ni ....

"....!!!PAPA!!!.... "Sigaw ko....

Parang binagsakan ako ng langit at lupa ng makita ko ang imaheng iyon... Parang mawawalan ako ng pag- asa... Si papa kasi ang nagturo sa akin ng lahat, lahat...

habang inaalala ko ang mga merories namin ni papa, hindi ko namalayan na may tumatagas na pala na luha sa aking mga mata...

" Ed.. Ayus kalang ba? "Tanong ni Jill sa akin...

"Wag kang mawalan ng pag- asa Ed, baka buhay pa ang mama mo..." Mahinahong sabi ni uncle...

Dahil sa sinabi ni uncle ...Nabuhayan ako ng loob...

Nang makalampas ang horde harap ng kotse.. Dumiretso na kami ng bahay nila uncle Rick...

Nakarating kmi doon.... Nakita namin na bukas ang pinto ng bahay....

"Baka wala na sila jan sa bahay na yan.."sabi ko kay uncle....

Pero bumaba sya sa kotse at kinuha ang kanyang baril...

Naiwan kami ni jill sa kotse..

Pumasok sya ng bahay....

At Nakarinig kmi ng putok ng baril...

At biglang sumigaw si uncle..... Lumabas kami ng kotse ni Jill at tumakbo papalapit sa bahay ... Bago paman ako makalapit ng pinto pinigilan ako ni jill... Biglang May kumalabog sa loob. Sinilip ko ang pinto at nakita ko si uncle Rick na nakahandusay sa sahig at pinipiestahan ng dalawang walker ang kanyang lamang-loob..

Tumalikod nalang ako at hinarap ang katotohanan.... Isang kasapi ng pamilya ulit ang nawala.

Hinila ni Jill ang aking kamay ...

"Halika na.., paparating na sila.."

We are heading to the car and pumasok kami sa loob ng ... We realize that wala pala sa amin ang susi... Nandoon pla kay uncle!!! .

So bago paman makalapit ang mga walker sa kotse... Lumabas na kami ni Jill...at Kumaripas kami ng takbo, papunta sa ibang direksyon ...Dala ko ang baril na bigay ni uncle rick.. Bit- bit naman ni jill ang baseball bat...hindi namin alam kung saan pupunta...

Nauuna si jill habang sumusunod ako sa kanya...
Sumusunod parin ang mga walkers sa amin...hanggang nakaabot kami sa kakahuyan....

Unti- unting dumari ang walkers na humahabol sa amin... Sinusubukan kong barilin ,, pero parang hindi sila nauubos....

Three bullets has left..

Anung gagawin ko... Tumakbo lang ako ng tumakbo.. Hanggang.... Naligaw ko na yata sila...
Hay sa wakas...
Buti nalang naligaw ko sila..

Pero nawala sa paningin ko si Jill... Hindi ko alam kung saang direction siya pumunta...

" jill, jill,," hinang tawag ko sa kanya...

At biglang may narinig akong dahon sa gilid ko... Tinutok ko ang baril sa mga dahon..

At biglang may bumulaga na walker sa harap ko sinunggaban at niyakap ako at natumba kami.... Sinusubukan kong kumuwala sa kayang yakap pero hindi ako makaalis.... Pinipigilan ang kanyang bibig na kagatin ako.... Pero laking gulat ko na may arrow ang lumusot sa noo ng walker.. At namatay ito. Tinulak ko ang katawan na nakapatong saakin at tumayo ako...

Anu ba yun??? Tanong ko sa sarili

Hindi ko alam ang gagawin.... Maya maya ay gagabi na,, paano ako dito sa gitna ng gubat?....tinawag ko muli si jill...pero walang sumagot.

"Jill,,,jill nasaan ka?"sa huling pagkakataon..

Dumidilim na... ako lang mag- isa naglalakad sa gitna ng madilim na gubat...gutom .. Na gutom na rin ako...nawalan na rin ako ng pag- asa na mabuhay pa, sinu bang gustong mabuhay sa isang Mundo na puno ng flesh-eating zombies....

Habang ako'y naglalakad ng mag isa at parang mawawalan ng malay....naramdaman kong may walker sa likuran ko... Hinayaan ko lang ito at sinabing..

"Gawin mo na" hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon..

Akmang kakagatin na ako ng.....

Hinugot ang kutsilyo at ""Squirt""" tumalsik ang dugo sa pisngi at sa shoulders ko..puno na ako ng dugo...

"Nahihibang ka na ba??" Ang sabi ng mysterious girl .....
Mysterious.. ..kasi nakahood siya,,, so hindi ko nakita ang mukha nya...At hinawakan nya ang braso ko at hinila ito...

Unti- unti na akong nahihilo....hinahatak pa rin ako ng mysterious girl... Hanggang makarating kami sa camp nila at doon naako nawalan ng malay....

THE LAST OF USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon