KABANATA XXI

322 28 2
                                    

Becky's POV

Nakabihis na ko at iniintay na lamang si freen. Pauwi na ito base sa oras na kikita ko.

Maya Maya lamang ay narinig ko na ang sasakyan nito. Tumayo na ko mula sa sofa at lumabas ng bahay.

Bumababa pa ito sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

Habang nasa sasakyan ay tahimik lamang kami dalawa hanggang sa binasag na niya yung katahimikang iyon.

"So kamusta ang araw mo?" Tanong nito sakin habang nagdridrive.

"Hmmm.. okay naman naiinip nga ako sa bahay halos ayaw ako pagalawin ni manang" Sabi ko dito

"Ibinilin ko kasi na huwag ka nang pagalawin sa bahay. Diba Sabi ni doc maselan ang pagbubuntis mo" Sabi nito

Kaya naman pala ayaw akong pagalawin ni manang... Gusto ko Sana itanong yung box kanina Pero naiisip ko din na wala akong karapatan para itanong pa ito..

Just few minutes ay nakarating na kami sa Isang fine restaurant. May mga kotse na din sa harap siguro nandito na sila dad and ang family ni freen.

Bumababa kami ni freen sa kotse. Hindi ko na inintay na pagbuksan pa ko nito ng pinto.

Sa harapan pa lang ng pinto ng restaurant ay ninerbyos na ko..

Hinawakan naman ni freen ang kamay ko ng mahigpit na paran bang nagpapahiwatig na nandito lamang siya.

Naramdaman ko ding hinawakan Niya ko sa aking bewang. Sobrang gaan na parang bang takot siyang maipit si baby...

Pagpasok namin ay bumungad sakin ang ilang mga tao. Nandito na si dad na abot langit ang ngiti..

Sila irin kasama ang mga kaibigan ni freen. Oo kilala ko sila dahil Kasa kasama naman sila noon sa mga galaan.

Mga ilang tao din na hindi ko kilala..

Tumayo naman si dad para salubungin ako.

"Becky!" Sabi nito ilang araw din kasing nawala si dad pumunta siya sa ibang bansa para mag asikaso ng ilang bagay..

"Dad" Sabi ko dito at yinakap ito.

"May mga pasalubong ako para sayo at sa apo ko" Sabi nito na kita ang excitement sa mga mata.

Tumango naman ako dito.. halatang spoiled ang magiging baby namin sa lolo Niya.

Umupo naman na Uli si dad dahil niya na din kami ng lolo ni freen na maupo.

Kumain muna kami bago na open yung bagay na gusto namin sabihin..

Si freen na ang tumayo at nagrequest ng mic sa staff ng restaurant..

"Hello. Mic test" Sabi nito nagtawanan naman ang mga kaibigan nito.

"So good evening everyone I know magtataka kayo kung bakit may biglaan dinner para sa atin. Pinili ko talagang imbitahin kayong mga kaibigan ko at kaibigan ni Becky para marinig niyo ang news na ito." Sabi ni freen pumunta naman ito malapit sakin at inalok ako ng kamay nito.

Tumayo ako at sinamahan ito..

"Becky is pregnant.. and we are going to be parents soon" Sabi nito

Halata sa mukha ng iba ang Gulat siguro nagtataka sila kung paano nangyari yon..

"Alam ko nagulat ang iba pero masyadong mahaba ang kwento.. Pero ang batang dinadala ni Becky ay anak ko din.. palakihin namin siya kasama kayo bilang mabuting bata." Sabi pa nito

Hinawakan pa ni freen ng mas mahigpit ang mga kamay ko..

"And also I came this day para ipaalam din kay uncle" Sabi ni freen sabay tingin Kay dad

"Na seryoso po ako Kay Becky.. hindi dahil siya nagkamali ang doctor at sa kanya napunta ang embryo na para sakin kundi dahil mahal ko po ang anak niyo" Sabi ni freen sabay tingin sa mga mata ko

"So ms. Armstrong I'm asking you in front of our relatives and friends, will you be my girlfriend?" Sabi nito

Nagulat ako sa mga sinabi Niya.. mahal Niya ko?

Hindi lang dahil sa anak namin kundi dahil mahal Niya ko..

Nang gilid ang luha ko sa mga naririnig Kong salita mula sa kanya..

Nakita ko naman sa mukha Niya ang Pag aalala..

"Is something wrong?" Tanong nito

"Wala.. nabibigla lang ako sa mga sinasabi mo hindi ko kasi ineexpect" Sabi ko dito

" Shss..stop crying now answer me Becky.. I'm not forcing you to" Sabi naman nito..

"Yes.." Sabi ko dito

Kita ko naman ang kasiyahan sa mga mata Niya nang sinabi ko Yun.

Nagpalakpakan naman lahat after non.

Nagkasiyahan naman na ang lahat. Omorder na sila ng mga alak.

Si freen ay nandoon sa mga friends niya habang kami ni Irin ay nandine sa gilid..

"So kayo din pala ni freen sa huli" Sabi nito na kinikilig pa

"Stop teasing me irin" sabi ko dito

"Totoo palang first love never dies hindi bat matagal mo nang gusto si freen noon" Sabi nito

"Shh wag Kang maingay baka lumaki ulo non" Sabi ko dito ng pabiro

"So how many months kana pregnant? In fairness hindi halata ha" Sabi nito

"One month pa lang" Sabi ko dito

Magchikahan pa kami ni Irin at nabanggit ko nga na malapit na yung trial.

"Buti naman hindi talaga ako boto sa nop na iyon" Sabi nito

Naputol ang paguusap namin nang lumapit si dad

"Becky mauna na ko dadalaw na lang ako sa bahay ni freen para idaan ang mga pasalubong" Sabi nito

Tumango naman ko dito at yumakap...

"Okay po dad ingat ka po" Sabi ko dito

Halos wala ding matatanda na natira puro kaedad namin ang naiwan.

Mga ilang oras pa ay unti unti na ding nagsiuwian ang mga bisita.

"Becky! Lasing na tong bebe mo" Sabi ni nam

Nakita ko naman si freen na para bang natutulog na sa sofa..

"Naku oo nga" Sabi ko dito lumapit naman ako Kay freen na mukhang lasing nga

"Pano mauna na kami Becky kaya mo ba magdrive?" Sabi nito

"Oo nam ako na bahala Kay freen ingat kayo" Sabi ko dito

Kailan pa nalasing si freen ng ganito?

"Freen?" Sabi ko dito at tinapik ang balikat Pero hindi ito umimik.

Nagpatulong na lamang ako sa mga staff na alalayan kami sa kotse.

Nang makauwi kami ay ginising ko ito. Hindi ko ito kayang buhatin.

"Freen.. andito na tayo" Sabi ko dito

Gumising naman ito at bumaba ng kotse. Nauna naman itong pumanik sa taas.

Pagpanik ko sa kwarto ay napansin Kong nakakalat ang mga damit nito sa lapag.

Nagkamali ata ito ng kwartong pinabuksan?

Nagulat malamang ako nang maramdaman ko ang pagbulong nito sa Tenga ko mula sa likuran.

"Baby.." Sabi nito at tinulak ako sa kama ng bahagya..

"Freen?!" Sabi dito ng Gulat..

*******************
Pasensya na po sa mga typo natin. Thanks for reading this chapter ✨

-author niyong sakitin

THE BATTERED WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon