Chapter 7 : Swimsuit

14.6K 278 8
                                    

Continuation.

The smell of sizzling hotdogs and greasy fries drifted through the food court. Katatapos lang namin ni Janice maglibot ulit, halos hindi ko na maigalaw ang dalawang paa. Ang tagal naming natapos. Marami kasing binili si Janice kahit hindi naman kasali sa pageant binili niya. She has a lot of money, huh. Sa bagay, mayaman naman talaga ang mga Montessori. Salapi lang sa kaniya itong mga pinamili namin.

"Sa tingin ko ay okay na itong lahat!" masaya niyang turan at padabog na umupo sa upuan at nagpakawala ng hininga. "Grabe, nakakapagod din naman pala, but it was fun. Lalo na't kasama kita. Yieee!"

I rolled my eyes. I chuckled, "Dami mong binili ah. Sigurado ka bang magagamit natin lahat 'yan sa pageant?"

Sumagi na naman sa isipan ko 'yung dalawang swimsuit na binili namin. Aapila nga sana ako na hindi na kailangan pero baka magalit ang gaga kaya pinili ko na lang manahimik at sundin siya since pera niya naman ang ginamit sa lahat. She talked with Madam Kaj kanina. She introduced me to her friend na girlalu. Hate na hate daw non na tawagin siyang guy kesyo babae ang atake niya ngayon. So, tinawag ko ding Madam. She wants us to address him like that.

Next week na ang pageant. Kailangan naming paghandaan ito dahil wala kaming mapapala sa mga kaklase namin. Majority of our class voted for me pero hindi lahat tutulong. Iyon lang yata ang ambag nila sa department namin. Nakakaloka.

"Ang dami nating nabiling accessories, Rose! Ang gaganda. You know I love accessories!" Tumango ako. Halata naman, Janice. Kahit hindi bagay sa outfit mo, pinipilit mo pa rin.

"What if may mangyaring hindi maganda sa pageant?" I teased, sabay kuha ng isang mineral water. Seryosong-seryoso talaga siya sa pageant na ito. Ganda-gandahan ba naman. Magaling siya sa mga ganito pero ligwak sa klase. Hoayy issue.

She rolled her eyes playfully. "Hindi 'yan. Ang tanga naman ng mga nag-aasist doon kung hahayaan nilang mangyari iyon sa mga estudyante. We didn't pay our tuition there for nothing." Mataray niyang sabi habang ang tingin ay na sa tambak na paper bags sa aming gilid. Gosh. Magkano kaya lahat nagastos niya? Million na siguro. Branded lahat iyon e.

"Mas excited ka pa sa akin ah. Bakit hindi na lang kaya ikaw ang sumabak, Janice? Bagay na bagay sa'yo ang event na 'yon, 'noh," nagbabakasakali ang boses. Baka kasi magbago ang isip niya.

Nagkibit-balikat siya. "Mahilig akong mag-shopping, gumastos, kumain at tumambay, Rose, hindi mag-pageant. Wala sa vocabulary kong sumali sa mga gan'yan kasi alam kong ganda lang ang mai-ambag ko."

Natawa ako. "Siraulo ka talaga."

Sabay kaming tumayo at sabay na ininat ang mga kamay. "Let's get some food," suhesyon ko. Naramdaman na naman ang pangangalam ng sikmura. "Gutom na naman e!."

"Ako rin e!" she laughed saka humakbang papunta sa counter. "Pagkatapos nating kumain we need to discuss your dress. Kailangan nating tingnan iyon at I-check. Baka mamaya pekeng kopya pala 'yon," she rolled her eyes.

"Nakaka-pressure ka naman," mahinang bulong ko.

"Huwag ka nga! Be confident, Rose. Parang hindi nag-grade two!"

"Nag-grade two ako, gaga ka!"

Habang pumipila kami sa food counter, panay daldal naman itong si Janice patungkol sa mga pinamili namin. Ayaw na ayaw niyang nalalamangan kaya halos branded at mamahalin ang kaniyang pinamili. She said din na hindi afford ni Hershey ang mga iyon dahil anak lang naman siya sa labas at paniguradong hindi bibigyan ng malaking pera. Hindi priority kumbaga.

Nagpakawala ako ng malalim ng hininga. Our conversation was interrupted by a sight that made my heart skip a beat. Nahagip ko hindi kalayuan si Hershey, nakasuot ito ng dilaw na dress, tumatawa habang papasok sa Marcela's Shop. Her laughter rang out. Nasa tabi niya naman si Dante, walang emosyon ang mukha habang tulala, hindi pinapansin ang masayang ngiti ni Hershey.

Naka-simple shirt na black lamang ito at gray na pants. Suot na naman nito ang paborito niyang kwintas na kadena na nagpadadag ng kaniyang pogi points. Pambihira. Bakit hindi ako na-inform na dito din pala sila mag m-mall? Naku ka talaga, Aling Waning, ah. Hindi mo ako ni-update. Outdated na tuloy ang mudra.

Lalapitan ko ba? Syempre hindi. Baka bigla na namang ma-beastmode 'yan at aatake na naman ang pagiging inconsiderate niya. Hays. Feeling ko naging competitive ako ngayon.

Hindi ako magpapatalo sa'yo, Hershit-Hershey.

"Kung makatitig ka naman parang pagmamay ari mo ah? May karapatan?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kung alam mo lang, Janice, may mas karapatan pa ako sa Hershey na 'yan. Asawa ako ni Dante, may karapatan ako. Hanggang buto, balat at buong pagkatao ni Dante.

So, bago pa man mabaling ang atensyon nilang dalawa sa amin. Kami na ang naunang umiwas ni Janice. Kinuha namin ang ni-order na pagkain at muling bumalik sa aming lamesa.

Ngunit, ako'y nanigas sa kinatatayuan ko nang nagtama ang mga mata namin ni Dante. He was now looking at me, seryoso ang mukha lalo na sa mga paper bags naming nakakalat sa sahig.

Napahinto din si Janice. "What the hell. Inaway mo na naman ba si Davian, Rose? Parang ang laki ng galit niya sa mga paper bags ah?" dahan-dahang bumaba ang kaniyang mga mata sa pinamili namin hanggang sa dumapo ito sa swimsuit. May logo iyong katawan ng babae habang naka-swimsuit. Does he know this brand? Shit.

Tumikhim ako. Dinaan ko sa mahinang tawa ang kaba ko dahil sa makamandag na titig ni Dante. Hindi niya naman siguro ako lalapitan, hindi ba?

Syempre hindi, Luella. Kaya umupo ka na at huwag mong pansinin ang galit na mga mata ni Dante at kumain ka nang matiwasay. Tapos!

"Tangina. Mapapamura ka na lang talaga, Rose."

"B-Bakit?"

Lumapit siya. Umupo sa harapan ko.

"Parang gustong pira-pirasuhin ni Davian ang mga paper bags! Gosh, ang mamahal nito ah,"

"Hindi niya naman 'yan gagalawin." Mahinang sagot ko sabay subo, hindi pinansin ang mariing titig sa amin ni Dante. Ang tagal ba naman kasing lumabas ni Hershey! Nakakaloka. Kabadong-kabado na ako oh.

"Sigurado ka? Alam kong mayaman ang mga Salvatore at kaya niyang bayaran ang mga ito pero ang effort at pagod, hindi!"

"Kausapin mo kaya?"

"Huwag mo na lang pansinin, Janice. Kumain ka na nga lang,"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Akma na sana naming isusubo ang pagkain nang biglang umalingawngaw sa loob ng food court ang nakakarinding boses ni Hershey.

"Sure ka bang dito tayo kakain, Davian? Parang hindi naman masarap ang mga pagkain dito. Look..."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Janice.

"Kunin mo ang limang paper bags. Ako na bahala sa lima..." mahinang bulong niya.

Bago pa man namin marinig ang sagot ni Dante, sabay naming kinuha ni Janice ang mga paper bags at nagpasya na lumabas ng food court. Subalit, isang marahas at matikas na kamay ang pumigil sa akin dahilan nang pagbitaw ko kay Janice.

Tangina.

Napapikit ako ng mariin. Hiyang-hiyang sa sarili. Unti-unting umikot ang aking katawan, pilit na ngiti ang aking pinakita sa kaniya. Jusko po.

"Hehehe, Dante, ikaw pala 'yan..." napamura ako ng palihim. Walang kangiti-ngiti ang kaniyang mukha.

Umigting ang panga nito kasabay nang paglunok ko. Shit.

"A-Ano...may kailangan ka?" Nilingon ko si Hershey. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa amin. Si Janice naman ay parang nanood ng kdrama dahil sa reaksyon nitong gulat at tuwa. Tangina mo, Janice. Uupakan talaga kita mamaya kapag hindi ako makawala sa crush ko! Not now, please...

"What's that?"

"Huh?"

"Yan." Tinuro niya ang mga paper bags sa kamay ko. Binalingan ko naman ng tingin iyon at napamura na talaga ako nang tuluyan nang makitang hawak ko 'yung paper bag na may logong swimsuit.

Patay.

"Putangina."

***

Sagutan na ba dis ulit, Luella Rose? HAHAHA

Don't forget to vote and leave a reaction for more updates.

The Unwritten ThesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon