Dream.
***
"So, hindi ka pupunta ngayon dahil bibisitahin mo si Dante? Ang sweet mo namang girlfriend, Rose," sarkastikong tumawa ang gaga sa kabilang linya habang naririnig ang tunog ng mga machine sa loob ng kwarto.
Nasa bahay ako ngayon, nag aayos. Katatapos lang ng shift ko sa ospital. Napagpasyahan kong puntahan si Dante sa kaniyang condo unit dahil nabalitaan kong paminsan na lang daw itong kumakain dahil sa kaso ni Stella na ngayo'y hawak niya. Hindi nga sana niya hahawakan ang kaso ng babaeng 'yon ngunit pinilit ko siya. May tiwala sa kaniya si Stella at paniguradong aamin iyon kay Dante.
He decided na manatili muna pansamantala sa Tagaytay para mas lalong matutukan ang kaso ng kaniyang kaibigan at para na rin hindi ako madamay sa anumang alitan nila. Stella was involved in a murder. Siya ang inakusahang pumatay sa ina ni Hiraya Cristiana Corazon, kasabwat nito si Ella na naging ex kalandian ni Pierson noon.
Galit na galit si Hiraya nang nalaman niya ang nangyari sa kaniyang ina. At mas lalo pang namuo ang galit nang nalamang si Dante ang hahawak ng kaso ni Stella. I feel sorry for her, gusto ko rin naman makamit ang hustisya pero walang kasalanan si Stella. Hindi niya iyon gagawin sa ina ni Hiraya. I was with her that night, nag-uusap kami sa isang coffee shop sa BGC. She was with me the whole night. Nangyari ang pagpatay noong gabing din 'yon, eleven pm. Natagpuang maraming saksak sa dibdib ang ina ni Hiraya habang tulog ito sa sariling bahay sa Isabela.
She has nothing to do with this, that's why pinilit ko si Dante na hawakan niya ang kaso ni Stella. She was scared, hinahanap siya. Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon. Ayaw pa rin itigil ni Hiraya. Galit na galit ito, dumating na sa punto na kinamumuhian nito ang mga Salvatore.
Masakit din para kay Pierson ito.
Ulit. Nawalan na naman siya ng mahal sa buhay at involved na naman ang mga Salvatore. I'm sorry. Ayokong mangialam sana, pero naging kaibigan ko na si Stella at wala siyang ginawang mali sa gabing iyon. I can be her witness if needed.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Binaba ko ang hawak na cellphone at kinuha ang itim na jacket sa kama. Bibisitahin ko muna si Dante, baka pinapabayaan na non ang kaniyang sarili. Malalagot talaga siya sa akin.
"Aalis na po ba kayo, Ma'am?"
"Yes, manang. Baka bukas pa ako makakabalik. Pakisabi kay Mama."
Tumango ito. "Mag-iingat ka po, Ma'am."
Lumabas ako ng mansyon, tinungo ang garahe upang ilabas ang sasakyang gagamitin ko ngayon. Napili kong gamitin ang ford ni Dante, mabilis iyon sa biyahe at panigiradong hindi ako matatagalan.
Habang sa kalagitnaan ng biyahe, hindi ko maiwasang hindi mapaisip. Alam kong masakit kay Hiraya ang nangyari sa kaniyang ina pero wala siyang sapat na ebidensya na akusahan si Stella. Mahirap lamang sila at walang sapat na pera para magbayad ng mga tao para gawan ng masama ang kaniyang ina.
Hindi rin sila magkakilala, so bakit si Stella ang dinidiin ngayon? She can't even defend herself! Kung ako kay Hiraya, pagtuunan niya ng pansin ang totoong may sala, hindi 'yung porket magkasama sina Ella at Stella ay siya na ang may kasalanan. Damn it!
I can't just sit and wait here habang involved si Dante sa kaso ni Stella. He's in danger din. May patayang nagaganap kaya hindi ito basta-basta. Dante has been acting strange lately. Nag-aalala ako, minsan niya na lang din sinasagot ang mga tawag ko.
It was already late. The Sky was bruised purple and the hallway was quiet. Ang tanging nagsasahi lamang ng tunog ay ang aking mga paa. I reached Dante's door, my hand hovering over the door knob. It was unlocked.

BINABASA MO ANG
The Unwritten Thesis
Teen FictionIsa lamang simpleng babae si Luella Rose Jacinta. Hindi siya lumalabas ng bahay dahil ang tinuturing anak ng kaniyang magulang ay ang kakambal nitong si Luenna Ambrose Jacinta. Nang nalaman niyang magpapakasal ang kaniyang kakambal sa mga Salvatore...