★CHAPTER TWO

5 1 0
                                    


Club meet?

Nakarating na kami sa Club dito sa Manila, Bungad palang rinig na ang ingay ng tugtog at nakakasilaw na mga ilaw.

Lumingon ako sa Driver ko at nagsabing

"Kuya, Paki intay nalang po ako, Tatapusin ko lang po shift ko" Saad ko

"Oo naman po maam," Pag sasangayon nito

Kaya naman pumasok na ko sa Club pinakita ko muna yung ID ko sa bodyguard, at dumiretso sa loob. Sa mismong harap marami nang tao at amoy alak at sigarilyo. Kaya naman binilisan kong mag lakad ng makapunta na ako sa maliit na stage kung saan ako kakanta.

I was the one entertaining na guest and the crowd I get paid two thousand pesos per night. Pumunta muna ako sa Bar stool at nakita yung dalawa kong kaibigan. Kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Sorry late!" Saad ko sabay upo sa stool sa tabi ni Amethyst

"Sakto ka lang, juice? O wine?" Ngisi nito

"Alak yang si Gaga, walang light diyan no kaba!" Singit ni Mel, siya ang bartender ngayong gabi

"Pass muna, Iniintay rin ako, kakanta lang talaga." Madiin kong saad, umirap naman yung dalawa

"Alam mo ikaw, Lunod kana masyado, mag saya ka naman!" Biro ni Mel

Hinampas ko siya sa balikat at nagsabing

"Ang paghihirap at mapapalitan ng saya!" Angal ko

"Eh kung mag asawa ka nalang gan ng Millionaryo, edi para kanang tumama sa lotto" Saad ni Mel

"Kaya ko namang maging Millionaryo na ako lang mag isa" Pag tataray ko,

Nagulat naman yung dalawa at tumawa.

"Dito muna kayo! Kakanta nako ng matapos na," Saad ko at tumingin sa maliit na entablado

"Sige Vi! Galingan mo!" Pag puri ni Amethyst

"Wag kang papakalasing! Yari ka talaga kay Keiden!" Sigaw ko habang nalakad papunta sa maliit na entablado

Ng makaupo ako at sinenyasan ang Dj, dahan dahan kong nilibot at mga mata ko.

Ng may nakita akong Grupo ng mag kakaibigan na nasa gitnang table ng Club. Napansin kong lahat sila naka blue, May kasama silang babae na mukang nag lahi dahil maamo ang muka. Tatlo naman ang lalaking kasama nito.

Yung isa mukang siya yung pinaka matanda, at yung isa misteryoso at naka titig lang sa babae habang may hawak ng baso ng alak sa kamay.

Yung isa naman pamilyar ang muka dahil alam kong nakita ko na siya noong nagkaroon kami ng school project sa bahay ng Classmate ko at andon siya. Gwapo at matangkad Mestirous pero mukang palabiro rin naman. Hindi siya nainom ng Alak at nakatitig lang sa..

Akin!?

Putang'na dito ba yon naka tingin, nagsalubong ang mga mata namin at napalunok ako ng malalim. Para akong biglang kinabahan. Kaya naman pinikit ko nalang yung mga mata ko. At dahan dahan sumabay sa musika at kumanta ng malumanay.

'Mula aking masilayan
Tinataglay mong kagandahan
Di na maawat ang puso sayo ay mag mahal,

Laman ka ng puso at isipan
Di na kita maiiwasan
Pag ibig ko sana ay pag bigyan. .

I open my eyes slowly and look at the people carefully watching, I roamed my eyes saw many people were drunk yet listening carefully, Napadaan ang panigin ko sa Grupo ng magkakaibigan at ngayon lahat naman sila ang naka titig ng malalim saakin.

Song Is Our HopeWhere stories live. Discover now