TRIGGER WARNING: This story will be heartwrenching and heartbreaking. It would make you lose your mind, lose your sanity, make you fall into depression, will make you angry to the core, will make you hate the character so much and if you are not open minded, you'll hate the author as well. This story won't give you a peace of mind.
Do not read if you want to protect your heart and sanity.
PROLOGUE
NAPABANGON si Miracle sa hinihigaan nang mapansing hindi siya nag-iisa sa paborito niyang lugar na palagi niyang pinapahingaan.
She could smell the familiar scent. Kaagad na lumakas ang tibok ng puso niya at nag-init ang buo niyang mukha.
Dahan-dahan siyang lumingon at hindi siya nagkakamali, si Clyder ang naamoy niya.
"Cly, good evening." Kaagad niya itong binati at binigyan ito ng matamis na ngiti habang pasimpleng hinawakan ang sariling dibdib dahil sa lakas ng tibok niyon.
"Can I sit beside you?" Cly asked.
"Yes, sure." Nginitian niya itong muli sabay usog.
She's sitting on a picnic blanket. Malapad iyon pero tumabi talaga ito malapit sa kaniya. Mas lalo tuloy nanuot ang mabangong amoy nito sa ilong niya.
"How was your check-up?" mahinang tanong nito.
"It went well," tugon niya. "Thankfully, I didn't inherit my mother's heart disease. Nakahinga rin ng maluwag ang mom and dad ko. Though, I still have asthma." Nginitian niya ito.
Nakaramdam naman siya ng pagkailang nang makitang nakatitig ito sa kaniya. Awtomatiko siyang napahawak sa sariling mukha.
"Ahm...may dumi ba ako sa mukha?" tanong niya.
Napangiti ito sabay iling.
"Wala naman. I just love your smile," puri nito kaya muling nag-init ang buo niyang mukha.
Actually everyone loves her smile. Palagi siyang nakakatanggap ng papuri mula sa mga taong nasa paligid niya pero ngayong si Clyder ang nagsabi ay ang iba ang naging epekto sa puso niya.
"I am glad you're healthy. I was actually worried when I heard that you stayed to the hospital for a week. I wasn't able to visit because I got sick," sabi nito habang nakatingin sa kaniya.
"You got sick? Why? What happened?"
Hindi niya napigilan ang sarili at kaagad niyang dinama ang noo nito. Pareho silang nabigla dahil sa ginawa niya. Akmang babawiin niya ang kamay nang hinawakan iyon ni Clyder at kapagkuwan ay pinagsiklop nito ang mga kamay nilang dalawa.
Nag-init muli ang buo niyang mukha kasabay ng malakas at mabilis na pagtibok ng puso niya. Matagal na siyang may crush kay Clyder. Sa tuwing nakikita niya ito ay kakaiba ang tibok ng puso niya. At ramdam din niya na may gusto ito sa kaniya.
Palagi silang sabay na pumapasok sa school at sabay ding umuuwi. Palagi rin itong nasa bahay nila for studies. Dahil magka-klase sila ay palagi nilang sabay na ginagawa ang assignments at projects nila. Minsan ay natutulog ito sa bahay nila kaya ang mommy niya ay palaging hinahanda ang isang kuwarto para kay Cly.
"Miracle, how do you think of me as a boyfriend?" Clyder asked.
Natigilan siya at matamang napatingin kay Clyder.
"B-Boyfriend?" Gusto niyang batukan ang sarili dahil sa pagkautal.
Nakangiting tumango ito.
"Or should I court you first? I mean...I know we're just fifteen but..." Napakamot ito sa sariling ulo.
YOU ARE READING
Sweet Sensation (SOON ON NOBELISTA)
RomansaSweet Sensation (11th installment of the Second Generation) "Did your heart get swayed by her?" "Y-Yes B-But I tried. Trust me, I tried. I tried not to be swayed. I'm sorry." "Then, go to her. Before you could even commit a sin while we're still in...