Chapter 3

11 1 1
                                    

Lakad ng lakad si Audrey sa loob ng kanyang kwarto at hawak ang cellphone.

Nagbabaka-sakali siya na tatawagan siya ni Kenneth dahil hindi siya nakarating sa usapan nila.

"Bhabe please tumawag kana.. please!"
Kanina pa niya gustong tumakas ngunit nakabantay ang isang bodyguard ng kanyang daddy sa labas.

"Ano bang gagawin ko.. hays!" naiinis na siya dahil wala siyang maisip na paraan para makatakas dito. Gustong gusto na niyang makasama si Kenneth.

Tok... tok... tok...

"Mam, andito na po ang dinner niyo" sigaw
ng katulong mula sa pinto.

Pinagbuksan niya ito at nainis siya dahil may dala itong tray ng pagkain.

"ano yan?" tanong niya. Oo alam niyang pagkain pero bakit dinalan pa siya dito kung pwede naman siyang bumaba?

"E-eh mam, inutos po kasi ni Senyor Edgar na dalhan nalang kayo ng pagkain. B-bawal daw po kayong lumabas.." nagaalangang sabi ng katulong.

Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Anong ibig sabihin nito? Kinukulong ba siya ng ama dahil lang sa simpleng paglabas niya? Samantalang hindi naman nito alam makikipagkita siya kay Kenneth.

******

Nadismaya si Kenneth nang makita kung sino ang bumaba mula sa itim na sasakyan. Lumapit ito sa kinaroroonan niya kasunod ang dalawang bodyguard nito.

"Nagkita na naman tayo totoy.." nakangising bungad sa kanya ni Mr.Edgar Montemayor- ang Daddy ni Audrey. "Binalaan na kita noon pero heto ka na naman" dagdag nito habang naninigarilyo ng tabako.

Sa pangalawang pagkakataon ay nagkita na naman sila. Wala pa ring pinagbago ito. Matanda na itong tingnan dahil sa malaking katawan at balbasarado nito.

"-Sinabi ko na dati pa.. TIGiLAN MO NA ANG ANAK KO!" Pagdidiin nito sa kanya. Wala siyang kibo dahil alam niyang ito talaga ang pakay nito- ang patigilan siya si pakikipagrelasyon kay Audrey.

Una palang ay hindi na siya gusto nito para kay Audrey dahil mahirap lang siya. Nalaman niya ito nang isang araw ay pinakilala siya ni Audrey sa buong pamilya nito at pinagtabuyan siya ng ama nito sa harap ng maraming tao.

Kung anu-anong pangungutya ang narinig niya mula dito. Pero ganunpaman, hindi niya sinuko ang pagmamahal niya kay Audrey. Tinuloy nila ang kanilang relasyon at tinago ito sa loob ng dalawang taon.




Pero heto na naman at muli silang nagkaharap ng ama ni Audrey. Tinawag siya ulit nitong 'totoy' sa pangalawang pagkakataon.

"Hindi ka karapat-dapat para sa anak ko kaya-"

"Mahal ko po ang anak niyo." Pagputol niya sa sinasabi nito.

Muli itong napangisi habang nakatingin sa kanya. "Mahal? Alam mo ba 'yang sinasabi mo totoy?"

"Gagawin ko ho ang lahat para sa anak niyo kaya please pabayaan niyo na kami" pakiusap niya. Kulang nalang ay lumuhod siya para lang matanggap na siya nito.


Lalo pa itong lumapit at kinwelyuhan siya. "Kung mahal mo talaga ang anak ko titigilan mo na siya." ang kaninang ngisi nito ay napalitan ng galit na itsura. Hindi siya makakilos dahil sa makahulugang titig nito.

"Mamili ka. Ikaw ang lalayo kay Audrey o siya ang ilalayo ko sayo"

Lalong umurong ang kanyang dila dahil sa sinabi nito. Mahal niya si Audrey at gusto niyang makasama pa ito ng matagal. Gusto niyang lagi itong nakikita.

"-Hindi kayo magkakatuluyan ng anak ko dahil nakatakda na siyang makasal sa iba. Mayaman at hindi katulad mo!" pagmamaliit nito sa kanya. "Oras na malaman kong pinagpatuloy mo ang pakikipag relasyon mo sa anak ko.. hindi ako magdadalawang isip na ipadala siya sa amerika! Hinding hindi mo na siya makikita kahit kailan!"

Tuluyan na itong umalis kasabay nang pagtulo ng mainit na likido sa kanyang pisngi. Kusa siyang napaluha dahil sa narinig mula sa ama ni Audrey.

Makasal sa iba? Hindi. Hindi magpapakasal si Audrey sa ibang lalaki dahil iyon ang pangarap nila.

Oo nga't bata pa sila para isipin yon. Pero nangako sila ni Audrey sa isa't isa na magpapakatatag sa bawat pagsubok na dadating.

Pagsubok. Tama. Pagsubok lang ito kaya hindi siya dapat sumuko. Hindi niya bibitawan si Audrey hanggat nagmamahalan sila.


----

Hindi mapigilan ni Audrey ang pagiyak habang nakahiga sa kama. Masamang masama ang loob niya ngayon dahil sa paghihigpit ng kanyang daddy.

Oo nga't noon pa man ay hindi na nito gusto si Kenneth para sa kanya dahil mahirap lamang ito. Pero hindi siya sumuko, pinagpatuloy pa rin nila ang relasyon nila.

2nd year high school pa lamang sila nang maging mag-on sila at lalong naging matibay ito hanggang ngayon na gagraduate na sila.

Matalinong tao si Kenneth, matulungin, at mapagmahal. Yan ang katangian nito na nagustuhan niya.

Kahit na wala ng magulang ay nagsisikap itong makapagtapos ng pag-aaral. Alam niyang may mararating ito at balang araw ay maipagmamalaki niya ito sa kanyang daddy na hindi siya nagkamali sa piniling lalaki.




Pinunasan niya ang luha at bumangon. Hindi siya matatahimik hanggat hindi niya nakikita at nakakausap ni Kenneth. Hindi siya sanay na ganito ang sitwasyon nila. Kung dati ay ito ang gumagawa ng paraa para magkita sila, ngayon ay siya naman ang gagawa ng paraan para makasama ang mahal na nobyo.

nagbihis siya ng turtle neck na long sleeve at itim na pantalon. Balak niyang tumakas at sana'y hindi siya mahuli ng mga nakabantay na bodyguard ng ama.

Lumapit siya sa sliding window kung saan tanaw ang gate ng kanilang mansion. Nakita niya mula dito ang kinaroroonan ng mga nakabantay na bodyguard, mga nakatayo ito at nagsisipag inuman ng kape.

Sumilip din siya sa sementong bakod ng kanilang mansion, may lagpas tao ang taas nito at may mga halamang nakapalibot. Walang mga bodyguard ang nakabantay sa nasaning bakod pero hindi niya alam kung kaya niya itong akyatin.

"Bahala na!" sabi niya sa sarili.

Kinuha niya ang dalawang kumot sa higaan at pinagdugtong niya ito. Itinali niya ang kabilang dulo ng kumot sa bakal ng bintana.

Nang masigiradong mahigpit na ang pagkakatali ay nilawit niya sa labas ang kumot. Pinuwesto niya ang katawan para magkasya papalabas ng bintana at nagtagumay siyang magkasya dito. Hinawakan niyang mabuti ang kumot at dahan-dahang bumaba.

Tagumpay siyang nakababa mula sa itaas ng kwarto at tahimik niyang binaybay ang puro halamang bakod.

Siguradong hindi siya mapapansin ng mga bantay dahil bandang dulo na ng mansion ang tinakbuhan niyang bakod.

Tiningala niya ang pagkataas taas na bakod. Nadismaya siya dahil alam niyang hindi niya ito kayang akyatin.

Mawawalan na sana siya ng pag-asang makatakas nang .akita niya mula sa dulo ang isang puno na nakatayo sa loob ng kanilang mansion at nakadikit sa bakod.

"Thankyou God" bulong niya at nakangiting inakyat ang puno.




A/N: bibitinin ko muna po para intense :D

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 04, 2016 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

My BOYFRIEND is not a GAYOnde histórias criam vida. Descubra agora