Chapter 10:
Hinanap agad namin yung room ni Nia. Pagpasok namin sa room kung saan siya naka-confine ay bumungad sa amin ang Ama ni Nia at syempre si Bliss at ang pinsan ko.
"Good afternoon po" tapos nag-vow kami dito.
"Mga kaibigan kayo ni Nia?" tanong nito.
"Ah opo, kamusta na po siya?" tanong ni Tailyn.
"Medyo ok na siya, hinihintay na lang namin siyang magising" naupo naman kami sa couch, mamaya nagsipuntahan na rin sila Lester para bisitahin si Nia. Tahimik lang si Bliss, ok medyo naiinis pa rin ako sa lalaking iyan. Kasalanan niya yun dapat kasi hindi niya na lang ako inayang mag-date. Date? teka hindi pala date yun tss.
"Uhmm" naiilang na ako kanina pa kasi nakatitig sakin yung Daddy ni Nia.
"May problema po ba?" nagtataka ko siyang tinignan.
"Ah wala naman" tapos bumalik ang tingin niya kay Nia na ngayon ay hindi pa rin nagigising. Hindi sila masyadong maingay, walang mga naghaharutan o asaran ngayon sa magkakabarkada. Makalipas ang ilang mga minuto ay unti-unti na kaming nagpaalam para umuwi.
"Chandea, hindi ka pa ba uuwi?" tinignan ako nito.
"Hindi ako uuwi, mauna ka na"
"Ano na naman bang drama yan?"
"Wala kang paki" sabi nito atsaka kinalikot ang phone niya.
"Umayos ka nga, wag mong pag-alalahanin sayo si Tito"
"Ano bang paki mo? wag ka ngang mangingialam" medyo napalakas na ang boses ni Chandea buti na lang ay wala roon si Bliss at ang ama ni Nia, kasi kung hindi nakakahiya.
"Ah ganoon ba? ok sige bahala ka sa buhay mo, matanda ka na. Ba't nga ba kita inaalala? ginagawa ko lang naman ang mga bagay na ito dahil kay tito" matagal bago siya makaimik.
"Alam mo naman pala tss sabihin mo wag siyang maghintay kasi hindi talaga ako uuwi" napatawa ako ng sarcastic.
"Bakit hindi ikaw ang magsabi? PA mo ba ako para utusan mo?"
"May sinabi ba akong PA ka, unless gusto mong maging PA ko"
"Ako? oh my dear cousin hindi ko pinangarap maging PA and for your information hindi pang-pa ang beauty ko" nag-roll eyes ako.
"Tss, diyan ka na nga"lumabas ako ng room ni Nia, at paglabas ko sakto papasok si Bliss, nagkatitigan kami pero siya mismo ang unang umiwas ng tingin kaya naman nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Ang kapal ng mukha niya ni hindi man lang siya nag-sorry.
Naghintay naman ako sa waiting shed ng taxi or jeep, kaso ang tagal ko ng naghihintay walang dumadaan. Puno yung ibang jeep, kaya naupo na lang muna ako. Patingin-tingin naman ako sa phone ko kung anong oras na.
"Savanna" hindi na ko nag-aksaya pang lumingon dahil alam ko naman si Bliss yan.
"Sumabay ka na" napatayo naman ako, ngayon kaharap ko na siya.
"Bakit? ginagawa mo ba ito para makabawi sa ginawa mo?"
"Tss. no"
"Talaga, baka naman naguguilty ka na?"
"Anong oras na? kanina ka pa andyan mukhang wala naman nagdadaang sasakyan"
"Anong paki mo?"
"Tss ikaw na nga itong"
"Pwede ba, I don't need your help"
"Ok" tapos umalis na siya. Napaka-arogante niya talaga. Nakarinig naman ako ng ilang pag-kulog at pagkidlat.
BINABASA MO ANG
Bawal Ma-inlove Policy
Novela JuvenilLove is like a playing of music, first you must learn to play by the rules, then you must forget the rules, and play from your heart.