Ang Pagdating ng mga Dayuhan
Sa malayo, matatanaw ang malaking barko na kanilang sinasakyan. Ang islang kanilang natatanaw ay ang panibagong diskobre.
Ilang araw na ang kanilang inilagi sa paglalakbay, dala ang malaking kayamanan na nakuha sa iba't ibang lugar na kanilang napuntahan. Sa palagay nila, may mga tao sa islang ito, hindi katulad ng ibang islang kanilang napuntahan na walang tao.
Malapit na sila.
Sa kabilang banda, ang islang ito ay napakapayapa't masagana sa yaman ng kalikasan. Malaki ang lupain sa islang ito at ganun din ang mga taong nakatira dito. Ang kanilang mga kasuutan at kagamitan ay napaka simple lamang, gawa mula pa sa kalikasan.
"TOOOOO!!!!" Isang malakas na tunog ang umalingawngaw mula sa malaking barko. Ibinagsak ng ilang tauhan ang malaking angkla nito sa dagat. Nagbaba ng maraming bangkang sasakyan ang mga nakasakay dito. Naglayag na ang bangkang kanilang sinasakyan papunta sa isla.
Nasasabik sila sa makukuha, hindi lang ang yaman ng kalikasan kundi ang diskobre sa loob ng islang ito.
Sa kabilang banda, napahinto si Paz sa pag-akyat sa bubong ng matanaw ang mga taong kakaiba ang kasuutan, bago ito sa kanyang paningin.
Naglalayag ang di kalakihang bangka't nalalapit na ito sa daungan. Halos mapabitaw siya ng marinig ang malakas na putok na hindi niya alam kung ano o saan pa iyon galing.
Nagsipag-talunan ang mga sakay ng bangka at tumakbo papalapit sa kanilang tahanan.
"MGA DAYUHAN!!!"
Unang beses niyang marinig ang salitang iyon na sa pakiramdam niya'y may masamang dala ito sa lahat. Nagkagulo na ang kanyang mga kasamahan ng manggulo na ang mga dayuhan. Nanatili lang siya sa itaas ng bubong dahil sa takot na nararamdaman. Isang malakas na putok muli ang umalingawngaw kaya siya'y napaupo at muntik ng dumaos-os pababa ngunit napakapit siya sa bagin.
"Pinuno!"
"Ama!"
Umiiyak ang mga ito nang silipin niya sa ibaba. Nakita niya ang Pinuno ng kanilang tribu. Ang itinuring na ama ng lahat ngayo'y nakahiga sa lupa't wala ng buhay.
"Ama!!! Idilat ninyo ang inyong mga mata, Ama!" Sigaw ng anak nito.
Hinila ng isa sa mga kalalakihan ang dalagang anak ng Pinuno.
“Niña muy hermosa, ella es mía.(napakagandang babae, siya'y akin na)” Nagtawanan ang mga ito. Hinila ng dayuhan ang kanyang kaibigan at kung saan ito dinala.
“Reúna a las mujeres y tome todas las propiedades importantes. ¡Rápido!" (Ipunin ninyo ang mga kababaihan, at kunin ang lahat ng importanteng ari-arian. Dalian ninyo!) Utos nito.
Kakaiba ang pananalita nito at natitiyak niyang galing pa ito sa malayong lugar o kaya'y bansa. Halos mabingi siya sa kaguluhan at pag-iyak ng kanyang mga kaibigan. Nagtakip siya ng tainga at nanatiling nagtatago sa itaas ng bubong, habang tahimik na umiiyak.
ILANG oras din ang kanyang inilagi sa itaas, nagpasya siyang bumaba na at tumakbo papalayo at sundan ang ibang ka tribu paakyat ng bundok. Nakita niya iyon kanina. Habang siya'y nababa narinig niya ang ingay sa kabila ng pader.
Nagkagulo ang mga dayuhan ng isa sa mga ito ang nasugatan, dahil nanlaban ang lalaking taga-isla. Nahawi ang mga hukbo at binigyan daan ang bigating lalaki, siya ang Kapitan ng barko. Siya din ay isa sa may pinaka-mataas na ranggo sa mga taong mananakop.
Kinuha niya ang baril sa kanyang bulsa at kinasa, agad niya itong binaril dahilan para bumagsak ito sa lupa, napasigaw nalang ang mga mahal nito sa buhay at umiiyak na nilapitan. Lumapit siya sa sugatang kasama at walang pag-aalinlangang binaril din ito.
YOU ARE READING
The 1550's Traveller
Historical FictionAng kwento ay naglalarawan ng isang brutal na pagsalakay ng mga dayuhan sa isang mapayapa at masaganang isla. Ang kwento ay nagpapakita ng mga kahihinatnan ng kolonyalismo at ang pakikibaka para sa kaligtasan. Makakalaya pa kaya sila sa kamay ng mg...