Part 3
"Duda"Tumakbo ako sa hallway papuntang gym at bago ko palang ito mabuksan ay bumukas na ito ng kusa at nanigas at nanlamig ako sa Nakita ko
Nakita ko na buhat ni Gerald si Angel na duguan at puno ng saksak sa buong katawan at halata mong nag aagaw buhay na ito.
Sa sandaling iyon biglang nag blangko Ang paningin ko at inisip na nag hahalucinate lang ako pero Hindi, totoo Ang Nakita ko
ANGEL WAS STABBED AND IS DRENCHED IN HER OWN BLOOD FIGHTING FOR HER LIFE.
Agad naming isinugod sa hospital si Angel , kitang kita ko ang kaba at takot sa mukha ni Gerald
Pinasok na sa Emergency Room si Angel
pero Hanggang ngayon Hindi ko parin akalain na mangyayari yun, sinusubukan kong tanungin si Gerald kung Anong nangyari pero puro "I'm sorry Angel" Ang lumalabas sa bibig NiyaTinawagan kona ang mga magulang ni Angel at pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na sila, Pagkadating ni Tita Beth Ang mama ni Angel ay niyakap ko kaagad siya,
"Jess anong nangyari" Tanong ni tita Beth habang humahagolgol sa pag-iyak
" hindi korin po alam tita , Basta pagkakita kopo sa kanila ni Gerald, duguan napo si Angel" sagot ko"HOY GERALD LINTIK KA ANONG NANGYARI SA ANAK KO?, HA! SUMAGOT KA WAG KANG IYAK NG IYAK DIYAN!" pasigaw na Sabi ng papa ni Angel
" Sorry po Hindi kopo sinasadya" ang paulit ulit na sagot ni Gerald sa magulang ni Angel
Magkahalong galit , inis at lungkot Ang nakikita ko sa mukha ng mga magulang ni Angel, dahil maski sila ay Hindi inaasahang mangyayari iyon sa kanilang anak
Makalipas ang isang oras lumabas na Ang doktor sa Emergecy Room at sinabing himalang nakaligtas si Angel dahil nakatamo Siya ng tatlong na saksak sa iba't-ibang parte ng katawan mabuti nalang at agad siyang naisugod sa hospital dahil kung Hindi baka tuluyan nang nawala si Angel
" ano napo ang magiging lagay ng anak ko doc?" tanong ni tita Beth,
" Kapag si Angel po ay Hindi nagising within two days asahan napo natin na mapunta Siya sa comatose stage" sagot ng doktor
nanlumo at nanghina kaming lahat sa sinabi ng doktor at pinagdasal nalang namin ang kaligtasan ni Angeltime check 1:30 am
Dumating na ang mga pulis at Ang detective , sinimulan na nila ang pagiimbestiga sa kaso ni Angel ,
Hindi na ako nagulat na ginawa nilang prime suspect si Gerald at ako biglang key witness ,
si Detective Alexander Monteza ang detective na na assign na mag imbestiga sa kaso ni Angel
Si Detective Alexander Monteza ay kilala bilang isang magaling na detective at imbestigador Marami na siyang kasong naimbestigahan at Ang lahat ng mga ito ay naging maayos at nahanap at nahuli Niya Ang suspek
Sinabi ni Detective Alexander na umuwi na muna kami at magpahinga para naman ma refresh kami Kinabukasan dahil bukas ay kailangan naming pumunta sa police station para sa interrogation
( Ang interrogation ay isang proseso sa pagiimbestiga kung saan tinananong ng police o ng detective ang mga suspect o witness ng mahahalagang Tanong na makakatulong sa kaso, Minsan sa interrogation gumagamit ng dahas Ang mga police kapag Hindi ka SUMAGOT sa mga tinananong nila)
Nauna na akong umuwi Kay Gerald dahil kasama Naman Niya Ang mama Niya
resident surgeon Kasi sa ospital Ang mama Niya kaya napuntahan Siya agad nito2 am na at Wala ng dumadaang masasakyan kung kayat nagpasundo nalang ako sa papa ko si papa Ricky
Pagkadating ni Papa Ricky ay niyakap Niya ako ng mahigpit at Hindi ko napigilang lumuha at humagolgol
Pinili ko kasing Hindi umiyak kanina sa loob ng ospital dahil ayaw kong panghinaan lalo ng loob ang mga magulang ni Angel" Papa si Angel po" sambit ko habang patuloy na dumadaloy ang luha mula sa mga mata ko
" Don't worry honey , magiging maayos rin si Angel ipagdasal lang natin Siya" sagot ng Papa ko,Habang nasa loob ng kotse at pauwi na
Hindi parin mawala sa isip ko Ang mga nangyari kanina" sino kaya ang taong hangal Ang sikmura na magagawang saksakin si Angel?," Si Gerald ba? kaya Niya ba yong gawin sa sarili niyang girlfriend?." tanong ko sa sarili ko.
tanging " I'm sorry " " at im sorry Hindi kopo sinasadya " Ang tanging mga salita na sinasambit ni Gerald kanina, Anong ibig niyang Sabihin don? Siya ba talaga Ang sumaksak Kay Angel kaya " I'm sorry Hindi ko sinasadya " Ang lumalabas sa bibig niya?" pagdududang Tanong ko sa sarili ko
Lalong lumaki Ang Duda ko kay Gerald dahil sa mga salitang sinasambit Niya at sa mga kilos Niya kanina na tila ba malalim ang iniisip at Hindi mapakali.
"Pero kaya Niya ba talaga Yung gawin? Si Gerald? Ang pinaka gentleman na lalaking kilala ko? kayang manaksak ng babaeng walang kalaban laban?" pagalit at dismayadong Tanong ko sa sarili ko
Napansin ng papa ko na kanina kopa kinakausap Ang Sarili ko at sinubukan Niya akong pakalmahin
"Jess tama nayan alam Kong nahihirapan ka at Hindi parin makapaniwala sa mga nangyari pero wag mong sisihin Ang sarili mo huwag kang mag-alala magaling na detective si Alexander sigurado akong mahuhuli Niya Ang sumaksak Kay Angel"
Tumungo nalang ako at piniling ikalma Ang Sarili at huwag nang isipin ng masyado Ang mga nangyari.
Pagkadating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko, bago ko maipikit Ang mga mata ko biglang may alaalang dumaan sa isipan ko, may Nakita ba ako kaninang tao bukod sa amin? O anino lang ito ng mga bagay na nakapaligid?
"Hindi!" Pasigaw na Sabi ko sa sarili ko dahil naalala kona Ang Nakita ko
Hinubad ko Ang madugong damit na suot ko gamit Ang mapulang kamay at palad ko, tinanggal Ang bakas ng pagkakamaling nagawa ko at pinagsisihan ko
Pumasok ako sa Bathroom at Naligo nalang muna ako at nag babad sa bathtub , Sinusubukang kalimutan Ang masalimuot na pangyayaring aking nasaksihan.
Nagbihis at humiga na ako sa kama ko baon baon Ang sakit at luha sa bawat paghinga at pagtibok ng puso ko.
Pero bago ko isara ang mga mata ko
May naalala ako, hindi ko parin maalis Ang duda ko kay Gerald dahil sa nasaksihan ko, ngunit nagkaroon rin ako ng kutob na hindi Siya Ang sumaksak Kay AngelDahil .....
hindi ko man masigurado kung ano Ang nakita ko kanina sa school , isa lang Ang sigurado ko
" HINDI LANG KAMING TATLO ANG TAO SA SCHOOL NOONG NANGYARI ANG TRAHEDYANG IYON."
😘😘😘😘😘😘😘
Kung may dipo kayo nagets sa story comment niyo lang po Salamat po
-RedNeonTiger🐅
YOU ARE READING
Beautiful Bodies
Misterio / SuspensoWhat is trust? And who should you give it to?, to your friends,? Family? Lover? Or to a stranger this story tackles the difficulties of love, trust, and your own desires