C.I.A. 2

485 12 0
                                    

Lorraine Emely Aidan;

Kinakabahan pa din ako hanggang ngayon. Well, dumoble ang kaba ko ng makita ko kung sino ang Main Head ng Asuka..

Eh may personal agenda yan kay Aisha kaya mas nakakatakot ang pwedeng maging result.

Nagfocus nalang ako sa pag-ooperate ng presentation namin. Mukhang hindi na din naman kakailanganin ng tulong ni Aisha dahil hindi yan magpapatalo kay Asuna.

Ng dumilim ang silid na kinalalagyan namin, dun nag-flash sa white screen ang ipinangalan namin sa project na ito.

'Rhuin Project'

"I will explain later kung bakit yan ang ipinangalan namin sa project na ito.. for now, let's proceed.." panimula ni Aisha.

Nag-flash sa screen ang picture ng labing dalawang dragon. Magkakamukha sila pero magkakaiba ang kulay ng mga mata nila.

"We all know that we live in extra-ordinary world kung saan, may mga kakaibang nilalang ang syang hindi natin inaasahan na nag-exist pala.. just like, Mermaid.. both water and fire.. a huge kraken that lives under the ocean.. and of course, that thing" itinuro nya ang pictures ng 12 dragons. "They are the Legendary Dragons that lives in scared land of Greece.."

Isa-isang nagpa-flash sa screen ang picture ng temple na nakatayo mismo sa pinakatuktok ng Mt. Olympus na matatagpuan sa Greece.

"Pinag-aralan naming mabuti ang characteristic ng bawat isang dragon at masasabi kong sila ang pinakanakakamangha yet pinakadelikadong nilalang na nabubuhay sa mundo natin. They have the power to destroy all of us in just a blink of their eyes. But then, after 3 years of studying, nalaman namin na maliban sa maaaring maipasa ng mga dragons na ito ang ilan sa kapangyarihang meron sila, their blood has the ability to give immortality. Hindi lang para sa kapwa nila hayop.. maging sa atin"

We heard them gasp.. mukhang hindi makapaniwala sa mga narinig nila kay Aisha.

"Paano ka nakakasugurado??" One of the Director asked.

Ngumiti lang si Aisha tsaka binuksan ang brief case nya. Mula dun, inilabas nya ang experimental hamster namin at isang kutsilyo. "Okey lang naman siguro kung magkakalat ako ng konti dito para mapatunayan ang mga sinasabi ko di ba??"
Tumingin ang lahat kay Asuna para humingi ng permiso.

Tumango lang ito habang diretsong nakatingin kay Aisha.

Na kay Aisha na muli ang atensyon ng lahat.

Walang salitang sinaksak ni Aisha ang hamster na hawak nya. Sinigurado nyang matatamaan ang buong katawan nito ng matalim na kutsilyo. Tumutulo na din ang dugo nito sa mesa pero wala naman sa kanila ang mukhang nandidiri sa ginagawa nito.

Matapos masigurong patay na ang hamster, inilapag ito ni Aisha sa mesa. "Please check it.. para malaman nyong patay na nga yan."

Ininspect nga mga lahat ng directors ang hamster. Kahit na hindi ko lapitan yun, siguradong napatay yun ni Aisha dahil tinamaan ng kutsilyo ang lahat ng sensitive parts ng katawan nun.

Umayos na muli ng upo ang mga Directors.

"Patay na nga.. so ano ang mangyayari dyan??" Tanong ni Asuna.

Tumingin kami ni Aisha sa relo namin tsaka muling bumaling kay Asuna.

"Just observe.. something amazing will happen.."

We just wait for a minute at unti-unti ng nangyari ang inaasahan namin.

Nanlaki ang mga mata ng lahat. Gulat at hindi makapaniwala..

Napangiti nalang kami dahil alam naming posible na nga ang approval nito.

Ang kaninang patay na katawan at maraming saksak ng hamster ay unti-unting naghihilom hanggang sa tuluyan itong gumaling at magsimulang gumalaw..

I am Ice (Central Intelligence Agency)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon