“Happy seventh anniversary, mahal ko!” masaya kong bati at saka ito niyakap nang mahigpit.Walang pagsidlan ang saya ko mula pa kagabi. Matagal ko na kasing hinintay at pinaghandaan ang araw na ito, at masaya akong nananatiling matatag ang relasyon namin sa kabila ng mga problema at pagsubok.
“Happy seventh anniversary, love.”
Unti-unting bumaba ang pagkakatingkayad ko’t naglaho ang ngiti sa labi ko.
Bakit ganoon kahina ang boses ng mahal ko? Bakit parang hindi siya masaya?
Nakaramdam ako ng takot at kaba, subalit pilit kong inukupa ng mga positibong bagay ang isip ko’t ikinalma ang sarili ko.
Bumitaw ako sa yakap at ito'y hinarap. Seryoso lamang ang mukha nito na ipinagtaka ko.
Baka wala lang siya sa mood kaya gan’to? Tama. Tungkol lamang doon ang rason.
“May ibibigay nga pala ako sa ‘yo-“
“Let’s go inside.” Tinalikuran niya ako't itinulak nito ang gate, at saka sinimulang maglakad nang hindi man lang ako nito nililingon o iniimikan.
Naestatwa ako nang ilang segundo bago sumunod papasok sa kanilang malaking bahay.
Naguguluhan ako.
Bakit biglang nanlamig ang pakikitungo nito sa akin? Maayos pa naman kami nang tumawag ito kaninang umaga, at magka-text din kami habang papunta ako rito.
Napakuyom ang nanginginig kong mga kamay habang sinasabayan ito nang mabigat na paghakbang. Hindi ito ang nai-imagine kong mangyayari ngayon.
Nanikip ang dibdib ko nang dumiretso ito sa pang-isahang sofa. Ayaw ba nito akong makatabi? Matuwid lamang itong nakaupo't blangko pa ang ekspresyon habang ang mga mata’y nakatingin sa kawalan. Nakahalukipkip na rin ang mga kamay nito na nagpataas sa mga balahibo ko.
Kilalang-kilala ko na si Geram. Sa tuwing ganoon ang istilo nito, ibig sabihin may problema. Ano kaya iyon?
Dahan-dahan akong umupo sa tapat nito at idinako ang tingin sa sahig. Mas makinis pa ang puting tiles kaysa sa mukha ko!
Palihim akong napailing.
Kung ano-ano na namang kalokohan ang naiisip ko!
“Spill it.”
Inangat ko ang aking tingin nang marinig iyon.
“A-Ang alin, l-love?” Pagtataka ko’t nakipagtitigan sa singkit niyang mga mata na siyang nagpalunok sa akin.
M-May nagawa ba ‘ko?
May nasabi ba ‘ko?
Ano na bang nangyayari?
M-Makikipaghiwalay na ba siya sa akin?!
Nanlumo ako sa naisip.
H-Hindi puwede!
Walang pag-aatubili akong tumayo't lumuhod sa harap nito. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata bago ako yumuko’t isiniksik ang aking mukha sa pagitan ng kaniyang mga hita.
“L-Love, a-ayoko!” Mabilis nangilid ang mga luha ko pagkabitaw sa mga salitang iyon.
Hinawakan nang malalapad at malalambot nitong mga kamay ang manipis kong baywang, at pilit akong itinayo.
“L-Love-“
“K-Kung may nagawa o nasabi akong mali, itatama ko, love! Itatama ko! Huwag mo lang akong iwan dahil hindi ko kakayanin, love! Ikaw ang buhay ko! Ikaw ang mundo ko! Kaya, please! Sa akin ka lang, love! S-Sa akin ka lang!” Bumuhos ang mga luha ko’t hindi na napigilang mapahikbi.

YOU ARE READING
Sun-kissed Sorrow
RomanceUNDER MAJOR EDITING HUES OF LOVE ANTHOLOGY #2 Khayara Avito's situation gets even worse upon making a tough decision. She sacrificed everything just for the sake of the people who gave her shelter, and for the person who became her world. She left h...