Childhood Memento.

14 1 2
                                    

"When I was younger I saw my daddy cry
And curse at the wind.
He broke his own heart and I watched
As he tried to reassemble it." -Paramore (The Only Exception)

Sa sobrang init dito sa simbahan halos gusto ko ng maghubad ngunit may konting respeto pa naman akong natitira sa sarili ko.

'Oh my gosh! ang init naman! Bakit kase nasa Tropical zone tayo, hindi ko carry!' sabi ng kapatid kong beki na si Mandie.

'Ang hot ko kase' ang sabi naman ng bestfriend kong masyadong mahangin na si Alexa.

Hindi nagkakasundo ang dalawang yun palaging nagaaway. May time na naiiyak na ako sa sobrang kakulitan nila. Hay ewan ko ba. Bakit kase ako palagi yung nasa gitna nila.

'Kaya pala hinahanap ka ni satanas kase nga apprentice mo siya' sabi ni Mandie sabay na pinalabas ang dila niyang may piercing.

'oo nga at sabi niya roommates tayo sa impyerno, see you there!' ang sarcastic na reply ni Alexa.

'tama na daw yan please lang! ang init-init na nga dito sa simbahan pati ang ulo ko pinapainit niyo din' sabay kurot sa kanilang tenga.

Habang naglalakad ako sa aisle ng simbahan bigla akong nadapa sa harapan ni Father Paul. May tumapak kase sa tsinelas ko.

'lintik naman oh! sa harapan pa talaga ni Father!' bulong ko sa sarili ko sabay sabi kay Father Paul 'Sorry po ! di ko po sinasadya.'

'ayus lang yun anak.' he raised the oscha with his hand sabay sabi 'Body of Christ'

'Amen.'

Pagkatapos ng misa ay dumeretso kame sa sementeryo upang magbigay galang sa aking ina na pumanaw noong nakaraang taon.

'Mother, kumusta na you there? Miss na talaga kita super. Kakatapos lang po namin magsimba.' Mandie said.

'Hello po auntie. Sana po pinasama niyo na si Mandie diyan kase po baka matularan ni Trixie.' Alexa said sabay kodo ko sa tagiliran niya.

Biglang nagsigawan ang dalawa halos masabog na ang eardrums ko sa sobrang high pitch nila.

'Ano ba kayo? magbibigay ba kayo ng respeto o maghaharutan lang? at kung ganoon man umalis na kayo, kase their sleeping in peace.' sabi ko.

*crickets* sabay tingin sa paligid at may narinig kameng ingay sa side ng malaking bench na faded blue na ang kulay with alot of weeds covering almost the entire bench.

'narinig mo yun sister?' sabi ni Mandie na masyadong nerbyoso.

'nieeh scaredy cat!' asar ni Alexa.

'wala lang-' nainterrupt ako ng biglang may tumayo sa bench at tumakbo kame papalayo with all our guts and energy. Habang tumatakbo kame natisod si Alexa.

'aray!' sigaw ni Alexa sabay hawak sa paa.

'Mandie! si Alexa!' sigaw ko sa kapatid ko.

napahinto ako sa nakita ko sa likod ni Alexa. Sa sobrang bilis ni Mandie Hindi ko namalayan na kinarga na niya si Alexa.

Sabay sigaw saakin 'Hoy! Trixie! Takbo!'

I was startled sa sigaw ni Mandie. Papalapit na sakin ang asong gala na mukhang killer. Eto siguro yung nababalitaan ko sa kapitbahay namin na may namatay na bata sa kabilang distrito ng dahil sa asong gala.

Hindi ako tumakbo, hindi ako gumalaw, pinipigilan ko ang aking paghinga, at nang tumalon saakin ang aso pinikit ko lang ang aking mga mata.

'Eto na siguro katapusan ko' bulong ko sa sarili ko.

Hinihintay kong sakmalin ako ng aso nang may narinig akong isang malakas na tunog at iyak ng aso. Mga ilang segundo, binukas ko ang isang mata ko nang nakita ko ang isang lalake na mukhang kasing age ko lang na tinatali ang aso na tatalon sana saakin.

Hindi ko mapigilang umiyak.

'Bakit ka umiiyak?' ang sabi ng lalake habang nagstru-struggle taliin ang aso.

'tanong ba yan? syempre malapit na akong mamatay.' inis kong sinabi at parang namumukahan ko siya.

Tumawa siya ng malakas halos magising ang mga patay dito sa sementeryo sa ma-sinister niyang tawa.

'hahaha! hindi ka naman natuluyan eh.' sabi niya habang hawak niya ang isang kamay sa tiyan at isa naman sa aso.

'wow naman. so masaya ka pa nun?!' sabi ko habang pinupunas ko ang luha ko sa damit ko.

'dapat nga magpasalamat ka saakin kase niligtas ko buhay mo.' sabi niya at tumatawa parin.

'hmp. thank you.' sabay tayo at naglakad ng mabilis papunta kay Mandie at Alexa na malapit sa gate ng sementeryo.

'okay ka lang sis?bakit ka natagalan?' worried na sabi ni Mandie.

'oo, okay lang ako. mamaya ko nang sabihin sainyo. umuwi na tayo, naghihintay na si Papa at gusto ko nang kumain.'

Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na to. I'm still in highschool and masyado pa akong bata para mamatay. Salamat dun sa lalake na kahit nakakainis siya niligtas parin ako at eto pa ha siya pala yung umapak sa tsinelas ko.

Making Ms. Walang Forever Fall Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon