BHKCNCM.

181 3 0
                                    

Bakit Hindi ka crush ng crush mo?
One shot.

Xylar's POV

Bakit nga ba? Ano ba kulang sayo?

Bakit hindi ka crush ng crush mo?

Siguro, hindi nya type yung tulad mo.

-_-

Maganda ako. Mabait. Matalino. Nasa akin na lahat. San pa sya?

Siguro, naiinis sya sa presensya mo.

Pwede naman akong magbago. Sabihin nya lang,para sa kanya. Gagawin ko.

Siguro, hindi ka nya kilala.


ABA! Edi magpapakilala ako. At sasabihin ko pang Ako ang Future Wife nya.

Siguro, hindi nya alam ang ugali mo.

Kasi once na nalaman nya yung mga gusto nya sa babae ay meron ka?

Goodbye single ka na!

Edi makikipagkaibigan ako. At mapupunta kami sa getting to know each other! Malalaman nya na diba? Hihihi.

Siguro, hindi sya interesado sa love.

Ha? Ah eh..oo nga no? Pano kaya? Mehehe~

Edi pipilitin ko syang maging interesado! At ng maging interesado din sya sakin. NYAHAHA!

Siguro, kaya ka hindi crush ng crush mo kasi may girlfriend sya or mahal na iba.

Hindi pwede. Ako lang ang dapat at karapat dapat na girlfriend nya!

*POOOOOKKKKKKKK!*

"Aray naman! Makabatok! Problema mo?"

Pano binatukan ako ni siri! Kaasar! Tsss
Hinihimas ko lang yung ulo ko, ang sakit huhu.

"Ano ba yang pinagsasagot mo dyang 'ako lang ang dapat at karapatdapat na girlfriend nya'? Baliw kana ba Xylar?"

Huhuhu hard ng bespreng ko -.- andito kasi kami sa may bahay namin nag co computer tapos napunta na lang kami bigla sa website na to. Tsss

"Masama ba? Eto naman! Wala namang makakabasa nyan kundi ikaw at ako lang. "

Pwede namang i private e, mehehe~

Sadyang OA lang ang bespreng ko ^_^

"Hay, manong sinagot mo na lang yan ng maayos puro kung ano ano pinagsasabi mo sa tanong ng website na yan e!"

Na pa pout ako ng di oras.

Libre lang naman daw mangarap diba? Huhuhu

"Oo na sige na. Okay na yan. Teka tapos mo na ba yan?"

Tumingin ako sa monitor.

"Tapos na siguro to. Halos lahat ng dahilan, nandito na ata e."

Desperada kasi ako. Hinahabol habol ko yung crush ko! Mehehe~

At syempre etong mapagmahal kong bespreng naawa na,maghanap daw kami ng dahilan kung bakit hindi ako crush ng crush ko.

At eto na nga,pero may answer chuchu pa!

Susubukan naming tignan kung bakit hindi nya ko crush at pag isa sa dahilan na nandito ang nangyari, yung sagot ko dapat kong gawin.

*^▁^*

Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? (KathNiel OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon