Sa totoo lang, ang dami mong gustong sabihin.
Sandamakmak na tinig ang nais isigaw ng iyong damdamin.
Hindi mo lang alam kung saan sisimulan—
Kung paano ka mauunawaan.Masyadong madaming laman ang iyong isipan.
Mga bagay na hindi pa man nasisimula ay mayroon nang katapusan.
Kung kaya't mas pinipili mo na lang ang hindi kumibo—
Para maitago ang nakaambang pagsuko.Madalas matipid lang ang iyong tugon sa mga tanong.
Marahil ito'y nangangahulugang ayaw mong pag-usapan ang hindi naman makatutulong.
Tinatapos mo agad bago pa man lumalim—
Bago pa man nila malaman ang mga bahagi mong madilim.Sa totoo lang, madami kang nais pakawalan,
Bigat, lungkot, takot o maaaring ang nakaraan.
Hindi mo lang alam kung paano sisimulan—
Siguro, ganito na lang.Salitang puno ng mga tagong kuwento—
"Ayos lang ako".✍️Tintalata
