Missed Chance

28 1 0
                                    

Kinabukasan, nagmamadaling bumaba mula sa van si Taecyon. Kasunod niya si Jason. Nauna na ang mga kasama nila kagabi.

Bumalik na ang ibang miyembro ng grupong 2PM sa Korea. Naiwan ang dalawa dahil may hinanap pang damit si Taec at nanduon pala sa Laundry Shop.

Tahimik na naglakad ang dalawa sa airport. Hindi sila napansin ng mga tao dahil naka disguise ang dalawa.

Tapos alam mo ba na natawa ng malakas si....

Nagulat si Taec ng tumahimik. Napalingon siya at nakita niya na may kausap na babae si Jason. Agad siyang lumapit sa mga ito.

Hey anung nangyari? Tanung niya.

Sabay na lumingon sa kanya si Jason at ang babae. Kumunot ang noo nito bago ngumiti.

Oh, hey! Ikaw yung nasa cr! Masiglang bati nito. Napangiti si Taecyon. Tumaas ang kilay niya ng makitang nakahawak si Jason sa bewang ng babae.

Ahm. Hyung (kuya) ... Natapilok siya.. Agad na tinulungan nya si Jason at iniupo ang babae sa malapit na bench. May dala itong travelling bag at isang stroller bag. Mukhang bibiyahe din ang babae.

Sinipat niya ang sakong nito. Namumula lang iyon at mukhang hindi naman malala ang pagkakatapilok nito.

Flight 109 for Incheon now loading...

Flight 109 for Incheon now loading...

Nagkasalubong ang tingin ni Jason at Taecyon. Tinatawag na ang flight nila. Napansin naman iyon ng babae.

Thats my flight. Paano ba to?

Really?! Hindi maitago ang excitement sa boses ni Taec ng malaman na kapareho nila ng flight ang babae. We'll help you board. Its ours too.

Napangisi si Jason pero umiwas ng tingin ng mapansin na tiningnan sya ng masama ng kaibigan.

Inalalayan nila ang babae at isinabay na. Hinayaan na ni Jason na siya ang magalalay sa babae. Madalas na tinititigan ni Taec ang babae. She looks so young and fresh. Maikli ang buhok nito pero bagay naman sa bilugang mukha. Mababa lang din ang height nito na tantya niya ay hindi lalagpas sa 5'5.

Medyo malayo sa kanila ang seat number ng babae kaya ibinilin na lang ni Taecyon sa flight attendant ang kalagayan nito. Matapos ma check up ng nurse n board, sinabihan sila na maya maya ay aayos na ang pakiramdam nito dahil di naman malala ang kalagayan ng paa ng babae.

Nakahinga siya ng maluwag saka tahimik na nagpaalam.

Thank you. See you later! Nakangiting paalam ng babae. Pinuntahan na niya si Jason at nakangiting umupo sa pwesto niya.

Nagsuot na sila ng seatbelt at maya maya pa pumaimbulog na ang eroplano. Ilang oras din siyang nakangiti habang iniisip kung anung pwede nilang puntahan o gawin pagkalapag ng eroplano sa Incheon.

Hyung ( kuya) mukhang masayang masaya ka. Dahil ba yun kay Ms Comfort Room?

FatedWhere stories live. Discover now