lost in space

37 1 0
                                    


hey bakit ba kanina ka pa matamlay hyung? Napagalitan ka tuloy ni manager? Sita sa kanya ni Nickhun nang matapos ang praktis.

yun cellphone ko.
Nakasimangot na sagot niya. It fell when I went down from the bus.

Napakunot noo si Nickhun. Bus?

Oo nag hus ako papunta dito. Sagot nita.

Waeyo? Di ba andun yun car na pinadala ni sajangnim? Nagtatakang tanung nito. Maya maya ay napangisi si Nickhun. Dont tell me tumakas ka na naman?

Napangiti si Taec. Kilala talaga siya ng mga kaibigan niya. Bumuntong hininga muna siya. Ani (No). The car has flat tires. Alam ko na nagmamadali si sajangnim na makarating ako dito so I took the bus. Dont worry nag disguise naman ako. Besides kaunti lang ang sakay ng bus.

Oh eh bakit nadamay yung phone mo? Tanung ni Nickhun. Nagpupunas na ito ng pawis at sabay silang naglalakad papunta sa comfort room.

I was standing on the curb. Nabangga ako nung isang pasahero na pasakay din yata. Napakamot siya ng batok. Ni hindi na niya napansin yung lalaki matapos nitong mag sorry sa kanya.

bili ka lang ng bago. Di ba gusto mo yung iphone 5s? Yun yung bagong labas eh. Pagkasabi nun tinapik na ni Nickhun ang balikat niya at dumiretso sa loob ng isang cubicle para maligo. Naiwan siya sa labas at tumitig at salamin.

Hindi niya maipaliwanag na hindi naman yung cellphone ang inaalala niya. He is thinking about Kaye's number. Wala siyang ibang kopya. Kung alam lang niya na ganun ang mangyayari, isinulat na lang sana niya sa kamay niya ang number nito.

Ganun siya nadatnan ni Jason na palabas ng isa pang cubicle. Basa pa ang buhok nito at nakasuot lang ng white sando at blue jeans.

Oh. Hindi kita napansin kanina. Bakit di mo sinasagot yung tawag ko? Humarap sa salamin si Jason. Nagumpisa nitong i brush ang buhok.

Nasira na. Nalaglag at nasagasaan ng bus. Wala sa loob na sagot niya.

Hahahaha! Ayan kasi dinecline mong mga tawag ko karma mo yan. Sagot ni Jason saka siya nginisihan.

Napailing siya.

Yung totoo cellphone lang yun bakit parang pinagsakluban ka ng langit at lupa? Muli siyang bumuntong hininga. Kilala nga talaga siya ni Jason. Mula pa ng makasama niya ito sa dramang Dream High 1, naging sobrang close na sila.

Nandun yung number ni Kaye.

Sinong Kaye?

Si Kaye, yun nakasabay natin sa airport.

Ah yung babae sa cr? Humagalpak ng tawa si Jason ng tingnan siya ng masama ang kaibigan.

tinamaan ka no?

Sh*t lang eh. Paano ko ngayon siya mako kontak? Napabuntung hininga siya. Pumasok na siya sa shower room at naligo.

Being in this showbusiness has its perks. May allowance siya bukod pa sa mga nakukuha niya sa endorsements niya. Ngayon nga dahil lumalaki na ang pangalan ng grupo nilang 2PM, magkakaruon na sila ng kanya kanyang kita. Bukod pa dito ay may pera siya mula sa business ng ama niya sa US. His dad told him to follow his dreams ng makatapos siya ng highschool sa Little Boulder, Colorado.


Maliit pa siya ng mag migrate ang buong pamilya niya sa US kaya naman dun na siya lumaki. He spent six months in Japan to study music at duon sila nagkakilala ni Jason. Sabay silang nag audition sa JYP at nag train. Binuo ang 2PM at matapos ng debut, nag tour na sila sa Asia.
Usually, sa mga university lang sila nag pe perform.

Nanduon sila ng makilala niya si Kaye. Mula noon hanggang ngayon, hindi niya nakakalimutan ang pilipinang umagaw ng pansin niya.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero alam ni Taecyon na maraming babae qng nagkakagusto sa kanya. In this line of business, not only his good looks attract attention. He took pride in his singing voice and rapping techniques.


Minsan, babae mismo ang nagyaya sa kanya para makipag date. Minsan pa nga nag reregalo ang mga ito kahit wala naman silang relasyon. If those were his fans, tinatanggap niya ang mga regalo. It gives him a sense of accomplishment kapag naririnig niya na gusto ng mga ito ang boses niya.










Palabas na siya ng gym ng makasalubong niya si Trix. Isa itong back up dancer, with a reputation of going all the way lalo na kapag gusto nito ang lalaki.

Hey T, baby. Kanina pa kita hinahanap. Malambing na bati nito sa kanya.

Ngumiti lang siya saka nagpatuloy sa paglalakad.
Kumapit si Trix sa braso niya.
maybe we can meet later after practice? Tinitigan siya nito sa mata.

ahm. Maybe?Sagot niya at saka humakbang palayo sa babae. He doesn't want to encourage her behaviour.

Pinalagpas mo yun hyung (kuya)? Sabi ni Jay ng makitang nakasimangot na lumayo si Trix.

Umiling lang siya.

Baka namn may girlfriend ka na? Ngumiti ng nakakaloko si Nickhun.

More like may hinihintay. Pang aasar ni Jason.

Hindi na niya inintindi ang iba pang sinasabi ng mga ka grupo.

Its been a year since he last saw Kaye. Ni hindi niya alam ang apelyido nito. All he knows is she was going to FNC to audition, pero ng matapos ang commitments nila ng araw na iyon, nalaman niya na postponed pala ang audition. Kahit pa ilang beses siyang nag inquire kung may nag audition na Kaye ang pangalan sa subsequent auditions ng naturang kumpanya, tuluyang nawalan na siya ng paraan para muling makita si Kaye.



I didn't know I'd miss you this bad. Nasaan ka na ba Kaye?

FatedWhere stories live. Discover now