Baka sakaling ikaw ay bumalik,
Andito lang ako nag-aantay at nasasabik,
Nais kong ikaw ay mayakap ng mahigpit,
Makausap bawat saglit.

Tanging ikaw lamang ang laman ng puso't isipan,
Nais kang makita kahit ilang segundo lamang,
Kahit hindi man ako makita o pansinin.

Baka sakaling sa akin, ikaw ang nasasabik rin.
Nagbabasakali lamang ang aking puso,
Dahil hindi ko matanggap na lahat ay unti-unti ng nawawala at tila ikaw ay mahirap ng abutin.

Tuluyan na nga bang magwawakas?

Marie Where stories live. Discover now