part 1: first day of school

382 6 1
                                    

Part 1: first day of School

Margaux’s POV

          “Good morning world, good morning Margaux”. Tiningnan ko yung orasan sa tabi ng kama ko.

          “6:30 am pa lang pala” bulong ko sa sarili ko.

          Wait? 6:30 am. “Ahhhhhhhhhhhhhh. Late na ko”

          Tumalon na ako sa kama at tumakbo sa may hagdan namin. Nasa second floor kasi ang kwarto ko. [natural may hagdan eh. kelan ka pa nakakita ng bahay na may hagdan pero walang second floor?]

Sorry naman miss author, pero wala akong time para makipagbarahan sayo. Late na ko. chupe na.

“Mame, bakit di mo ko ginising? Late na tuloy ako”

“Hoy anong hindi ginising? Tulog mantika ka lang. Yun ang sabihin mo. Kanina pa kaya kita ginigising. Tapos ako pa sisihin mo kung bakit ka malelelate. Kung anu- ano pa kasi pinagagawa mo bago matulog. Nagpupuyat ka pa kababasa nyang mga online stories ni ALLiWANTisYOURlove. Ano nga ba yung binabasa mo Red Rose ba yun?.

[Author: hihihi. Paxencia kung wagas makapag plug. Makaepal lang mga kaibigan. Maraming Salamat sa mga nagbasa, nagvote at nagcomment sa story above.}

Napakamot na lang ako sa ulo. Tsk. sermon pa inabot ko. Dapat di ko na lang tinanong si mame. Ang dami na agad nasabi tinatanong ko lang naman kung bakit hindi ako ginising. Isa pa tong si Author makapagplug lang ginamit pa panenermon ni mame.

          Anyways, habang sinesermunan ako ni mame, kumain na ako, nagtoothbrush, naligo at nag-ayos ng sarili. Tapos yun ready for school na ako.

           At yun, pagdating ko sa school late na nga ako. Start na yung class. Hinanap ko pa yung schedule ko para malaman kung ano classroom ko. Tsk. First day of school pa naman bad impression na agad.

          Hinanap ko na yung classroom ko. Sa awa naman ng Diyos hindi ako naligaw.

          Kumatok na ako dun sa may pinto ng classroom namin.

          “Sorry sir, I’m late. May I come in”

          “Oh, Miss Molina late ka? First day of school pa naman”

          Kilala na ako ng teacher na to kasi teacher ko na sya last year.

          “Sorry Sir”

          “Come in but I don’t want to happen this again”

          “Yes sir”

          Umupo na ako sa dulo kung nasaan rin yung circle of friends ko.

          “Oi, aga mo for the next subject ah” sabi ni Cherry na kaibigan ko

          “Tssss. Tinanghali ako ng gising”

Hayst katamad pa pumasok. Hang over pa ng bakasyon eh. hehehehe. Hindi ako nakikinig sa klase not interested eh. Mathematics kasi. Bakit ba kasi pinag-aaralan pa yang Algebra. Eh hindi naman what is the value of x and y in the equation 2x + 3y = 14 ang itatanong kapag ininterview ka sa trabaho.

“Nga pala class. Humahanap ang School natin ng mga student assistant. You will be paid naman for your work there.”

Nung narinig ko yung salitang YOU WILL BE PAID. Naging ganito ang itchura ko. *O*

Hohoho. Pera to. Oi di naman ako ganun kamukang pera. Sinanay kasi kami ng parents namin na kapag may gusto ka. You should work hard for it. Kaya if we want something we should work for it.

Then nag-apply na ako para maging student assistant. And fortunately napili ako. 

Sa Isang Sulyap Mo (one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon