-47-

445 12 2
                                    

..

Daniel


Pagkatapos namin sa sementeryo ay kaagad din naman akong inihatid ni Caile. Sinabihan niya rin ako na expect ko raw siya sa harap ng pintuan ng apartment ko dahil baka biglaang dumating daw siya para lang tumambay.

Hindi ko nga maintindihan yung lalaking yon bakit sa dinami daming pwede niyang tambayan na magaganda at mamahaling lugar diyan ay rito pa sa apartment ko napili.

Lumipas ang araw at linggo na naging abala lang ako sa buhay ko. Trabaho at bahay lang ako, unti unti na rin akong nakakabili ng mga luho ko sa bahay, minsan ay binibisita rin ako ni nanay rito para lang daw may bonding kami.

Minsan pa nga ay kasama niya si tatay at kung ano ang ginagawa? Ayun naglalaro ng video game na dinala niya rito, iyun ay para raw may mapaglibangan ako rito.

Ang nanay naman ay karaoke ang dinala, puro siya kanta rito sa apartment ko. Binayaran na nga lang niya yung kalapit bahay ko, despensa raw sa pag iingay niya rito. Napapailing na lang ako sa kakulitan nung dalawa rito na akala mo'y mga teenager pa.


"Nay, tigilan na." Napapakamot ako sa ulo ko dahil sa ingay niya.

"Hayaan mo ang inay, Daniel, minsan lang kami mag saya nito." Singit ni tatay na kakalabas lang ng kusina na may dalang in-can softdrinks.

Napasapo na lang ako sa noo ko at nagkuha ng mga pagkain para pumunta sa kapitbahay para magbigay ng pagkain, paumanhin ulit dahil nandito na naman ang magulang ko.


"Oh hi..." Napatingin siya sa dala ko, "Despensa ulit?" Natatawa niyang tanong na tinanguhan ko naman.

"Pasensya ka na, Yuki, parang mga bata kasi sila." Kakamot kamot sa ulong sagot ko sa kaniya.

Napailing naman siya habang nakangiti, "Ano ka ba, ayos lang iyon. Saka sigurado namang hindi magrereklamo ang ibang nakatira rito, sa laki ba naman ng limang libo para lang humingi ng pasensya sa gagawin nilang pag-iingay ay talagang hindi sila magrereklamo." Aniya kaya napakunot ang noo ko.

"Limang libo? Ang sabi nila ay tag-iisang libo lang binigay nila." Nagtataka kong saad kaya napataas ang kilay niya.

"Mukha ngang makulit magulang mo, ni hindi pa sinabi sa iyo kung gaano kalaki ang binigay nila sa amin, gusto ko ngang tanggihan kaso nahihiya raw sila." Pagpapaliwanag naman ni Yuki habang nakangiti.

"Ayy talagang nahiya pa sila sa lagay na yan—" parehas kaming natigilan at napangiwi ni Yuki nang biglang bumirit si nanay na ang sakit sakit sa tenga.

Natatawang tumingin sa akin si Yuki, "Gusto mo muna bang pumasok? Wala rin naman akong ginagawa rito saka mukhang nagsasawa ka na sa apartment mo." Pag aalok niya sa akin at napatingin muna ako sa pintuan ng apartment ko bago ako tumango at pumayag sa kaniya.

..

"Busy ka ba?" Tanong ko kay Caile habang nasa kabilang linya siya.

[Yes! Kaya pwede bang huwag ka muna tumawag?] Iritang sagot niya sa akin kaya natigilan ako.

Ilang araw na rin nung huli kaming nagkita. Ang huli ay yung kumain kami sa labas pagkatapos ng work ko. Ang saya saya ko noon dahil sobrang sweet niya sa akin, pinaparamdam niya sa aking mahalaga ako sa kaniya.

Pero nitong mga nakaraang aaraw, hindi ko maintindihan kung bakit sobrang abala niya. Madalas pang irita at barino pa siya kung sagutin ang mga tawag ko. Hindi dapat ako nakararamdam ng ganito dahil wala naman kaming label.

Ako lang itong may gusto sa kaniya kaya bakit ko ba pinahihirapan ang sarili ko? Bakit ko pa hinayaang mahulog ang sarili ko sa kaniya? Sinabi ko noon na siya ang mahuhulog sa akin pero hindi ko alam na ako pala yung nasa bingit ng bangin kung saan nakaabang ang matinding sakit na mararamdaman ko

The Mafia's Psychopathy [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon