Chapter Four: Notes

6 0 0
                                    

Claire's POV

Isang linggo narin ang nakalipas matapos kong makolekta lahat ng importanteng impormasyon tungkol kay Dianne Rivera.

Pero hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang inis sa mga kontrabida sa buhay ni Dianne.

Isa akong Data Collector. Ito ang papel ko sa aming departamento.
Inabot lamang ako ng halos tatlong araw para makuha lahat ng kinakailangan kong data. Salamat at dahil bihasa na ako sa pagamit ko ng aking ability dahil kung hindi ay aabutin ako ng buwan gaya noong unang dating ko pa lamang dito.

Pagkatapos kong magcollect ay may sasagutan akong evaluation form kung ano ang nararapat na trabaho ang ibibigay sa mga bagong dating na Revuelle.

Wala naman akong trabaho ngayon dahil linggo. Hindi rin ako palalabas at lagi lang nakakulong sa aking silid.

9 AM pa lamang pero tapos ko ng gawin lahat ng gawain sa bahay. Maaga kasi akong magising. 5 AM palang gising na ako at routine ko ng gumawa ng gawaing bahay. Pagkatapos kong maglinis, maghugas, maglaba ay saka palang ako kakain ng instant foods na inorder ko. Karamihan sa mga pagkain ay galing pang Earth. Paborito ko kasi iyon kahit na hindi naman ako taga roon.

Habang kumakain ay naisipan kong manood ng drama. Ang kagandahan nito ay real life story to at walang halong filter.

Agad kong kinuha ang Cellphone ko at agad na isinaksak ang usb na naglalaman ng impormasyon ni Dianne Rivera.

Ipinagbabawal man mamirata ng mga data ay hindi ko parin magawang tigilan ang pag kolekta nito. Wala namang makakaalam kaya bakit hindi?

Agad kong pinanood ang chapter 306 sa buhay ni Dianne. Ito iyong chapter na maiinis ka sa bida at kontrabida.

"Oyy 2 weeks ng hindi lumalabas yan. " dinig kong sabi ng babaeng hindi ko naman makita dahil tanging mukha lamang ni Dianne ang nakikita ko na nakadikit ang mga tainga sa dingding para marinig ang pag uusap sa labas.

"Buntis yan" may pangkukutyang sabi pa nito.

Kitang kita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Dianne. Pero kahit ganoon ay hindi naman ito umiiyak.

Panibagong tsismis na naman ang lumalaganap sa barangay nila pero wala man lang ginagawa si Dianne kundi magmukmok at magdrama.

"Ano ba yan. Gigil nyo ko" gigil kong komento

Sa Chapter 205. Date October 28, 2023 ang last menstruation ni Dianne. Nagkaroon din ito ng spotting noong December 22- 28 sa parehas na taon pero until September 8 bago ito magpakamatay ay hindi na dinatnan.
Wala namang sex scenes sa datang na collect ko. Kaya hindi naman ito buntis.

Isa rin ito sa mga naging dahilan kong bakit nagpakamatay.
Ayoko man i-invalidate ang feelings ni Dianne ay hindi ko parin magawang maawa dahil ilang beses na itong na chismis pero batid naman nito ang totoo. Atsaka sa 50 years ko ding pagtatrabaho ay mas malala pa ang dramang napanood ko. Kung pwede ko lamang isulat at isend sa MMK o kaya ay Magpakailanman ay nagawa ko na.

Pero bahagya akong nakaramdam ng awa ng marinig ko ang mga katagang

"Oyy yan ka na naman. Fake news ka na naman dear. Sinusumpong lang yan HAHAHA. " kutya ng isa pa.

"Ano yan si Mama Mary? May kipay din yan bhe. Pero trot baliw na naman ata HAHAH" natatawang sagot nito

Well totoo naman ito. Sinusumpong naman talaga si Dianne. Na diagnose kasi ito ng Bipolar with Severe Schizophrenia last year noong May 6, 2023 lang noong bigla na lang itong nagwala. 

Ang pagkakaroon ng sakit sa pag iisip ng dalaga ang mas nagbigay ng lakas upang tuluyang mawala sa mundo ng mga tao.

Ayon sa mga napanood ko ay talagang bata palang ay nakakakita na ito ng kung ano ano pero noong ika-16 na gulang na noong una nitong napansin ng kanyang mga magulang ang kakaibang kinikilos nito. Hindi kasi ito lumalabas na ng bahay at nagsasalita ng mag- isa at umiiyak. Nagwawala narin ito. Kaya pati kapitbahay ay naaabala na.

Quinn's Emporium: Buyer BewareWhere stories live. Discover now