Dianne's POV
15 minuto palang ang nakakalipas ng ibigay sa akin ni Claire ang mga dokumentong kailangan kong i-summarize at sagutan. Layunin kasi nito na tingnan ang comprehension ko bukod pa roon ay upang masanay gumawa ng trabaho ng mabilisan.
Ang hirap palang magtrabaho. Motivated naman ako pero hindi ako makafocus. Siguro ay dahil naninibago ako sa presensya ng bagong dating na dalawang lalaki. Kilala ko naman sila dahil nakatangap ako ng impormasyon galing sa Cueta noong Sabado.
Parang dark kasi ang ambiance noong nasa pinakadulong table na si sir Jefferson. Hindi rin ako nito pinansin di tulad nina Claire at Lucas na kinakausap ako.
Friendly at talkative naman ang personality ni Lucas pero parang may something.
Pakiramdam ko tuloy ay kaya nitong hukayin ang aking pagkatao.
Batid ko namang Shipper ito (ability to send items anywhere) bagay na hindi naman katakot takot pero ang creepy kasi ng vibes nito. Para itong friendly psychopath sa aking paningin. Siguro ay naninibago lang ako kay Lucas dahil nakangiti ito ngayon di tulad noong una ko tong nakita na hindi man lang ako nginitian dahil walang ekspresyong casual na kinausap ako nito.
Naisip kong siguro ay masaya ito dahil may bagong saltang Revuelle ang pwede nyang utusan o samantalahin. Maaari ring may gustong hilingin itong pabor sa akin. Mula kasi ng dumating ito ay nakangiting nakatingin na ito sa akin.
Lucas POV
Sabado palang ng makatanggap ako ng mensaheng may bagong saltang Revuelle sa aming departamento kapalit ni Bro. Martin. Hindi ko tuloy mapigilang maexcite at matuwa.
Pero medyo disappointed ako kasi babae pala ito at si Ms. Dianne Rivera pa.
"Sana pala naging mabait ako sa kanya. " bulaslas ko sabay buntong hininga.
Balak ko kasing makipagtrade dito kapalit ng malaking pera na dapat kong samantalahin ang pagkakataon dahil sigurado akong miss na nitong manood ng Kdrama at sa katapusan pa ang sweldo nito. Allowed kasing matransfer ang vacational leave basta ka-departamento mo ito para hindi magka-short sa manpower. Walang tigil kasi ang trabahong dumarating sa amin. Tanging mga bagong salta rin lang din kasi ang kaya kong mahingan ng pabor.
Bukod kasi sa ubos na ang vacational leave ko ay bawal umabsent dahil short sa manpower kami.
Kinulang na din kasi kami sa tao dahil yung dalawang Revuelle na ang isa'y assistant ko at ni Jarren ay nasa Earth upang i-close ang website pansamantala.
Aabutin din kasi ng isang buwan ang pag aayos nito. Hinahanap din kasi nito ang mga nakakita ng website. May ilan tao rin kasi naimbitahan pero hindi naman sumugal at pinagpopost pa online at nagviral. Hindi lang naman kasi para sa mga taong gustong mawala ng walang bakas ito dahil bukod pa rito ay may iba itong inoofer.
Binubuo ng 6 na departmento ang Quinn's Emporium. Ang Quinn's Emporium ay ang tawag sa kumpanyang itinatag ng magkakambal na diyosa simula ng mamahala ito sa aming mundo layunin nitong tuparin ang mga kahilingan ng mga tao sa Earth.
Ito rin ang naging susi upang maniwala ang iba't ibang angkan na totoong diyosa at nakatalagang mamahala ito sa aming mundo. Ang pag aakala kasi ng mga naunang namumuhay sa mundo namin ay ito lamang ang nag iisang mundo. Kaya laking gulat na lang ng lahat ng magdala ito ng napakaraming kakaibang pagkain at kagamitan baga'y na nakatulong sa pag unlad ng aming mundo.
Naisip rin noon ng ibang angkan na sakupin ang Earth at gawing utusan ang mga tao dahil wala itong mga abilidad ngunit hindi ito pinahintulutan ng mga diyosa.
Ipinaliwag ni Ttattania isa sa mga magkakambal na walang sinumang may kapangyarihan ang pwedeng mamuno sa Earth. Utos raw ito ng kanilang mga magulang na hindi maaaring pagharian ng kahit sino mang diyos o may abilidad ang mga tao.
Mayroong tatlongput- anim na kapatid ang magkakambal na diyosa. At lahat silang magkakapatid ay iniregalo sa iba't ibang mundong ginawa ng kanilang mga magulang upang kanila'y pamunuan.
Inuutasan lang daw sila ng kanilang mga magulang gamit ang panaginip dahil hindi nila maaaring malaman kung saan ito naroon.
Tinangka umano ng iba nilang kapatid ang buhay ng kanilang mga magulang sa kadahilanang malayo ang loob at pakiramdam ay inabanduna lamang sila.
Bukod pa roon ay pinag iinitan nito ang mga tao dala ng selos. Bukod tanggi kasi sa lahat ang mga tao para sa mga magulang nito. Bagay na hindi tanggap ng iba nitong kapatid.
Malayo rin ang loob ng ibang kapatid nito dahil bukod tangging ang magkakambal na mga diyosa ang may kasamang mamuhay simula pagkabata. Siguro ay dahil sila ang bunsong anak ng mga diyos at diyosang gumawa sa sanlibutan.
Mabalik tayo sa masama kong balak kay Miss Dianne.
"Miss Dianne, usap tayo mamayang lunch ha?" malambing kong sabi
Nakatigtig lamang ito sa akin na wari ko ay pinag aaralan ang aking wangis. Napangiti na lamang ako rito batid ko kasing mas gwapo ako kaysa kay Cha Eun Woo at 99 others nyang crush.
Panigurado ay natutulala siguro ito dahil sa taglay kong kagwapuhan. Sa aming departamento kasi ay ako rin ang pinakagwapo. Walang binatbat sina Jefferson, Jarren, Lemuel, Raven at Martin sa akin. Kahit pa sa ibang departamento ay kilalang kilala ako.
Tuwing maglalakad nga ako sa loob ng building o kaya'y sa buong Rezetta ay nakikita ko ang mga kababaihang pigil kiligin sa aking presensya. Kapansin pansin ko kasi ang galak sa kanilang mga mata at ang pagpipigil na ngiti sa pamamagitan ng pagkagat ng ibabang labi.
Dianne's POV
"Huwag mo nga syang abalahin!" sigaw ni Claire kay sir Lucas ng mapansin ito sa aking harapan.
Nakuha tuloy nito ang aking atensyon kaya napatingin ako sa direksyon ni Miss Claire. Kitang kita ko rin pagtaas ng kaliwang kilay nito sabay rolyo ng mga mata.
"Seeeyaaa mamaya" medyo malanding sabi sa akin ni sir Lucas sabay balik nito sa sariling table at magsimulang magtrabaho.
"Paniguradong hihingan ka niyan ng pabor kapalit ng pera" pagbibigay ng hint sa akin ni ma'am Claire.
Pera pera pera.
Well sana ay hindi ang aking katawan ang kapalit. Papayag kasi ako basta't hindi ito makasasama sa akin.
Nag cracrave din kasi ako ng street foods ngunit wala akong salapi upang makabili nito.
Lucas POV
" One million for your two day vacation leaves" offer ko kay Miss Dianne.
"Deal" maiksi nitong sabi sabay ngiti.
Ang bilis naman nitong kausap. Buti nalang.
YOU ARE READING
Quinn's Emporium: Buyer Beware
FantasíaDianne Rivera's story about her past experience that hinders her present and future life. She has no courage to kill herself even she wanted to end everything because she knows that her love ones will be affected by her actions. But later on decided...