Prologue

14 0 0
                                    

Nag lalakad ako ngayon patungo sa eskwelahan. Medyo may kalayuan ang school namin sa bahay pero mas ninais ko nalang mag lakad kaisa mag tricycle, aksaya lang iyon sa baon kong pera.

bagong lipat lang ako sa La Di Vience university. Kakalipat lang kasi namin ng mga magulang ko sa Vicente Santa Rosa City.

mas okay nadin na lumipat kami dito dahil ayoko din sa university na pinapasukan ko dati, well as a gay hindi ko talaga maiiwasan ang pangungutya ng ibang tao sa'kin.

hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na ililihim kung ano at sino ba talaga ako, sa totoo lang ay wala naman talagang masama kung mag suot man ako ng mga pambabaeng damit, wala akong pakeelam sa iniisip at sinasabi ng iba tungkol sa'kin.

noong una ay wala naman talaga akong pakeelam kahit na asarin pa ako ng ibang tao ni hindi ko naisip na pwedeng lumala iyon dahil hindi ko naman sila pinapatulan.

nung umpisa ay ayos lang hanggang sa saktan na ako ng mga tao dahil sa pagiging bakla ko, dahil sakanila ay na trauma ako ng sobra sobra kaya napilitan sila mama na lumipat kami dahil halos ata ng nilipatan kong university dati ay ganon at ganon ang ginagawa nila, sana lang mas okay na dito at makahanap ako ng magagandang kasama.

hindi naman ako ganon katalino kaya napunta ako sa section D, which is ang pinaka mababang section sa bagong university na pinasukan ko ngayon.

pagdating kosa harap ng La Di Vience University ay halos malaglag ang panga ko dahil sa laki at itsura nito, sobrang daming gusali ang nag kalat, grabe!

ang dami ding nag kalat na mga estudyante sa paligid, feel ko pag pasok kosa loob nito ay hindi kona mahahanap ang daan palabas.

"uhm, excuse me po?" Tanong ko sa isa sa mga estudyante dito sa La di Vience.

"yes?" Nakangiting sagot ng babae. Mukha naman siyang mabait.

"itatanong kolang po sana kung saan po ang building ng mga section D?" Magalang kong tanong.

mag kakahiwalay kasi ang bawat section sa University na ito, bali apat na building ang nandito ngayon sa University pero sobrang lalaki at third floor din ang bawat building maliban sa Section A.

"ah doon!" Tinuro niya ang nasa pinaka dulong building.

"wait? bago kalang ba dito?" Tanong ng isa niya pang kasama.

tanging tango lang ang sinagot ko, hindi din nag tagal ay nag paalam na'ko sakanila dahil malayo pa ang lalakarin ko.

nag lakad ako sa pagitan ng dalawang gusali at nakita ko sa tuktok nito ang letter A at B.

tahimik na ang building ng section A halatang may klase na ang mga ito samantalang sa section B ay may iilan pang mga estudyante ang nag kalat sa corridor.

nag patuloy ako sa pag lalakad hanggang sa nasa harapan na ako ng Building Section D. Kung sa section A at B ay tahimik ibahin mo ang D, medyo may kalayuan ang Section C at may mga tao din sa corridor nito, maingay din ngunit kakaiba ang ingay sa Section D.

humigpit ang pag kakahawak kosa bag ko nang biglang tumahimik ang buong corridor ng Section D at halos mang liit nang makitang nakatitig na pala ang mga ito sa'kin!

tangina, lord please kunin mo nalang ako!

napakagat ako sa pang ibabang labi ko at pinilit na mag lakad patungo sa direksyon ng Building of Section D.

tangina, ngayon lang ba sila nakakita ng bago?! mura kosa isipan ko nang mapansing nakatitig padin ang mga ito sa'kin.

ramdam ko ang pag tulo ng malamig na pawis sa noo ko at halos mamilipit sa sakit ng paramdaman kong tumulo ang pawis ko sa'king mata, agad-agad kong pinunasan ang mata ko gamit ang aking panyo.

love or heartbreaks? (School Love #1)Where stories live. Discover now