Chapter 2

5 0 0
                                    

Isang malakas na kalampag ang narinig mula sa classroom ng Section Maligaya nang biglang kunin ni Thunder ang isang silya at s'yaka ito binato patungo sa blackboard na naging dahilan nang pagka pira-piraso nito dahil sa lakas nang pag kaka impact sa pisara.

walang katao tao sa classroom kundi sila lang na mag babarkada maliban kay Kiano.

"tangina! ano bang akala niya sa sarili niya super hero?!" malakas na sigaw ni Thunder sa sobrang inis pag naaalala niya ang ginawa ni Kiano kanina sakanya sa cafeteria.

"dude, Calm down." pag papakalma sakaniya ni Vincent.

alam nilang hindi sila papakinggan ng binata dahil iba ito magalit at napapahiya sa harap ng madaming tao.

"umamin kanga, Uno. Bakit ba sobrang interesado mo don sa transferee? gusto moba siya?" pangungutya ni Centi.

"ako? mag kakagusto sa lalaki? No way! kahit kailan hinding-hindi ako mag kakagusto sa lalaki lalong lalo na do'n sa transferee na iyon." depensa ni Uno at halatang natataranta dahil sa biglang sinabi ng kaniyang kaibigan.

tangina! no way, wala sa bukabularyo ko ang mag kagusto sa ka same gender ko! sa isip ni Uno.

"kalma bro! tinanong kalang naman bat pulang pula 'yang tainga mo?" pang aasar naman ni Christian.

"ano ba! malamang naiinis ako. Anong akala niyo sa'kin?!" inis na sabi ni Uno.

Nag tawanan ang mag ka-kaibigan maliban kay Thunder.

"nasan kaya sila Kiano? bakit wala sila dito? diba kanina pa sila umalis sa cafeteria?" nag tatakang tanong ni Lhester nang maalalang walang katao tao dito sa classroom.

"paniguradong dinala ni Kiano si Vehn sa lugar na hindi na'tin pwedeng mapuntahan, minsan kolang nakitang may ipag tanggol si Kiano na lagi na'ting tinatarget." Aniya ni Vincent.

"hindi kaya gusto niya si-"

"pwede ba manahimik kayo! ang iingay niyo!" Inis na sigaw ni Thunder at sinipa ang isang silya na naging dahilan ng pag ka tumba nito at s'yaka ito lumabas ng kanilang classroom.

Pag labas ni Thunder sa classroom ay nakita niyang pabalik na ang mga estudyante sakanilang mga classroom ngunit nag patuloy lang ito sa pag lalakad at ramdam niya ang inis sakaniyang nararamdaman ngunit hindi niya malaman kung bakit.

agad agad tumungo si Thunder sa hagdan at umangat, don niya balak mag punta sa rooftop.

Pagkadating sa rooftop ay agad agad siyang sinalubong ng malakas na hangin at ganon din ang pag tama ng mainit na ilaw ng araw na nag mumula sa kalangitan.

agad agad kumuyom ang kamay niya nang maalala niya ang ginawang pag ligtas ni Kiano kanina kay Vehn.

isang malakas na pag tawa ang narinig mula sa binata.

"gusto niyo ng ganitong laro ha? sige."

Pagkatapos mag bihis ni Vehn ay agad-agad siyang bumalik sa library, masyadong malaki iyong tee shirt na ipinahiram sakaniya ni Kiano.

"hi! matagal ba ako?" bati ni Vehn kay Kiano.

nag babasa ang binata ng libro ngunit agad-agad din itong tumingin kay Vehn nang marinig niya ang boses nito.

"oo, pero ayos lang." sagot ni Kiano at isinara ang libro na binabasa niya kanina.

"sakto lang ba? ang laki kasi ng damit mo eh. At s'yaka ayos lang ba na hiramin ko ito? baka kasi kapag nakita ito ni Uno na suot ko baka magalit lalo iyon sa'kin." Sabi ko habang umiikot para ipakita sakanya kung gaano kalaki ang damit na suot ko.

love or heartbreaks? (School Love #1)Where stories live. Discover now