Chapter 1

5 0 0
                                    

Library

"Vehn! sama ka?" Bungad na tanong sa'kin nila Barbie s'yaka ito umupo sa tabi ko.

"Saan?" tanong ko.

"Cafeteria, tara na mag lunch." Sabi ni Barbie at kinuha ang bag niya s'yaka iyon isinampay sakanyang balikat.

tumingin ako sa suot kong relos at nakitang mag a-alas dose na, grabe! hindi ko man lang namalayan ang oras dahil sa pag susulat ko.

wala ding pumasok na teacher ngayon, gan'to daw talaga sa section D minsan labg daw ang pag pasok ng mga titser dahil ayaw daw ma stress ng mga ito Dahil sa mga estudyante sa Section D.

"may baon ako eh, siguro kayo nalang." Sagot ko at kinuha ang baon kong lunch sa bag ko s'yaka ito ipinakita sa dalawa.

"ano kaba! tara na!" sabi ni Kieper s'yaka sko hinatak patayo.

napabuntong hininga nalang ako sa pagkatalo at kinuha ang bag ko, hindi naman kasi talaga ako sanay mag lunch na may kasamang mga kaibigan, sa University ko kasi dati ay nag iisa akong nag la-lunch sa classroom namin dahil wala akong mga kaibigan.

nag umpisa kaming mag lakad patungo sa pinaka likod ng school kung nasaan ang cafeteria.

nag hanap kami ng bakanteng table at inilabas ang mga baon naming pag-kain.

binukas ko ang Tupperware at doon bumungad ang ulam kong bacon at hotdog.

"ito, kainin mo." sabi ni Kieper at inilagay sa pag kainan ko ang isang manok.

napatingin ako kay Barbie nang mag lagay din ito ng ulam sa'king lalagyanan -binigyan lang ako nito ng matamis na ngiti.

napa nguso ako dahil ang daming laman ng Tupperware ko kaya nag bigay din ako ng ulam ko sakanila.

nag umpisa kaming kumain, madami ang tao dito sa cafeteria kaya medyo nahihiya ako dahil hindi ako sanay sa ganito.

"saang University ka pala nag aaral dati?" Tanong ni Barbie habang ngumunguya ng pagkain.

"A-ah.." utal na sabi ko, bigla akong naging hindi komportable dahil kapag nababanggit ko ang University namin dati ay bumabalik ang mapapait kong nakaraan sa school na iyon.

"kung hindi mo kaya mag sabi ayos lang." Napatingin ako kay Barbie nang nag salita ito muli, humingi ako ng paumanhin dahil hindi kopa talaga kayang banggitin ang pangalan ng eskwelahan na iyon.

nag patuloy kami sa pag kain at wala nang nag salita pa, ang sarap pala magka kaibigan sobrang komportable ko sakanilang dalawa.

napatingin kami sa kabilang table nang biglang tumayo ang mga ito.

natigilan ako, ang T.U GANG.

parang bumibilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ng kaba dahil nakita kong patungo ang mga ito sa table kung saan kami kumakain ngayon.

ang nangunguna sakanila ay si Thunder, malamang siya ang pinaka leader sa gang na iyon.

lima lang sila, kulang ng isa-don kolang napansin na si Kiano ang kulang sakanila.

yumuko ako sa kinakain ko nang buglang tumigil ang mga ito sa table namin.

ang kaninang maingay na cafeteria ay biglang tumahimik na halos nakakabingi na.

katahimikan, kahit nasa tapat na ng table namin ang limang lalaki ay hindi nag salita ang mga ito, nanatili itong tahimik.

halos matigilan ang pag tibok ng puso ko nang may nakita akong pag tulo ng tubig patungo sa Tupperware na pinagkakainan ko.

love or heartbreaks? (School Love #1)Where stories live. Discover now