August 20
*RIIIIIIIING*
Patrizia's POV
Hayyy katamad. Makaligo nanga.
Tapos nako maligo at magbihis.
"Patrizia! Kumain ka na dito." Sigaw saken ni manang.
"Ah, manang, di na po muna ako kakain." Sagot ko sakanya.
"Ah, osige, ingat!"
Lumabas ako at teka? Kotse ba ni Liam yun?
"Sakay"
"Baket?" Tanong ko.
"Hatid na kita sabi ni Justine." Sagot nya.
"Okay lang?" Tanong ko
"Sakay." Maikli nyang sagot.
Nandito na kami sa parking lot, nagyosi muna si Liam sandali.
"Mauna ka na."
"Hindi antayin na kita." Sagot ko.
Hindi na sya sumagot, ilang sandali natapos narin sya mag yosi, grabe naman toh aga aga nagyoyosi.
"Akin na bag mo." Mahinahon nyang sinabi.
"Ah, hinde okay lang kaya ko naman." Sagot ko.
"Akin na."
Binigay ko nalang wala naman akong magagawa tsaka mabigat ren kase eh.
Nakarating na kami ng classroom, si Ella at Justine wala pa? Pero maaga ren naman kasi kami eh.
"Patrizia" may tumawag saken mula sa likod
"Ay! Ella?!" Sagot ko, si Ella pala.
"Sinong kasabay mong pumasok? Hinatid kasi ako ni Justine kaya hindi na kita nasamahan."
"Ah okay lang, hinatid ren ako ni Liam eh. Nagulat nga ako eh." Sagot ko.
Hindi sumagot si Ella, dumating na si Ms. Ariana.
"Goodmorning Class, wag na kayong tumayo may announcement lang naman ako."
"Ano po yun Ms.?" Tanong naming lahat, si Liam naman naka Earphones lang at walang pakielam kay Ms. Ariana.
"Excuse me Mr. Anderson, give me your phone."
"Baka gusto mong mawalan ng trabaho?" Tanong ni Liam kay Ms. Ariana.
Hindi na sumagot si Ms. Ariana. Ang yabang naman netong Liam na toh, tas ang sunget pa.
"Magkakaron tayo ng party para mas lalo kayong maging close." Announce ni Ms. Ariana.
"Bawal mag short, Casual Attire dapat." Dugtong nya.
Maaga kaming pinauwi ni Ms. Ariana, ni hindi nga kami nag recess eh.
Hinanap ko si Ella pero wala syang
*Text Message from Ella*
From Ella:
Magshoshopping kami ni Justine ah!Hindi nako nagreply. May humila saken bigla.
"Aray!!" Sigaw ko sa humila saken.
Nilingon nya ako, si Liam pala. Nakarating kami sa parking lot.
"Bat mo bako hinila?" Tanong ko saknya.
"Samahan moko." Sagot nya. Kailangan ba talagang hilahin?
"Saan?" Tanong ko.