Marriage Contract

195 2 2
                                    

Isang araw habang naglalakad ako, hindi ko napansing may lalaki akong makakasalubong. At dahil di ko nga siya napansin, ayun! *Boogsh* Nagkabanggaan kami. Psh! Badtrip! Wala na nga ako sa mood nun, nangyari pa yun. At sa di inaasahang pagkakataon, ang ex crush ko pa noong highschool na pinaasa ako ang nakabanggaan ko kaya lalong uminit ang ulo ko! Inirapan ko nalang siya at hingi pa rin siya ng hingi sakin ng sorry nun.

Sa araw na yun, pupunta kase ako ng party. Pagdating ko sa party na yun, ikwinento ko ang nangyari sa lokaloka kong bestfriend na si Julie. Eh bwiset na bwiset ako! Samantalang yung bestfriend ko eh, inaasar ako dahil alam niya lahat sa lovelife kong ewan. Haha! Ako nga pala si Diane Vega, kakagraduate ko lang ng college kaya eto, chill chill muna. ^^ Ang lalaking nakabangga ko? Siya si Topher Villamor, ang crush ko mula 2nd year hanggang 4th year na walang ginawa kundi paasahin ang isang tulad ko! Lintek na yon! Si Julie Salvador ang bestfriend ko mula elementary hanggang ngayon.

Pagkatapos kong ikwento sa bestfriend ko yung nangyari, laking gulat ko na dumating din si Topher! At dahil bwiset na bwiset pa rin ako sa kanya, tinanong ko siya,

“BAT ANDITO KA?! SINUSUNDAN MO BA AKO?!”

Pero imbes sumagot siya, an tahimik niya. Weird! Umalis nalang ako sa harapan niya kesa mabwiset pa ako. pero tinanong ko sa barkada niya kung anyare sa kanya.

“AH SI TOPH? LINOKO KASE SIYA NG KANYANG GIRLFRIEND EH. KAWAWA NGA.”

Nagulat nalang ako, kaya pala mukhang problemado talaga siya. Inatake na ako ng awa kaya nilapitan ko nalang siya para mag sorry dahil sinungitan ko siya.

Tinanong ko sa kanya kung anong nangyayari sa kanya at kung bat umiinom siya ng todo.

So yun nga, tama ang sinabi sakin ng barkada niya. Linoko siya ng kanyang girlfriend! Haaay naku. Ganyan talaga! Baka naman kase, kami talaga ang nakatadhana! HAHAHA. Chos lang, epal ko lang eh.. habang nag k’kwentuhan kami.. bigla niyang nakita ang ex niya. Lumapit samin ang ex niya at tinanong,

“OW TOPH, IS THAT YOUR NEW?!”

Hinayupak! Pa English English pang nalalaman. Di naman bagay sa kanya. Luh! At kasama niya pa yung bagong boyfriend niya. What the?! Kawawa naman si Toph talaga. ><

Pero nagulat nalang ako nung hinawakan ni Toph yung kamay ko sabay sigaw,

“YES! AND SHE’S ALREADY MY WIFE!

Reaksyon ko lang nun à o___O’

Julie à o___________O

At biglang….

Nagpalakpakan ang mga tao. -______-

Lord naman. Anong pinasok ko?

Habang naghihiyawan ang mga tao sa party, galit na galit na nag walk out yung ex niya. Luh? Anyare dun? OMG! Wag niyang sabihin na nagseselos siya. AHHAHAHAHA! XD

Nung nag walk out na yung ex niya, pinaliwanag ni Topher na kasal na daw kami. Grabe! Husay niyang mag sinungaling! May talent rin pala to! Galing gumawa ng palusot pero paano na to? Dahil gulung gulo utak ko nun, sinampal ko siya at nag walk out. Sorry siya ng sorry. Pero wala namang nakakita samin nun dahil sa likod kami ng bahay sa oras na yun nung nag sorry at explain siya. Kinuha na rin niya ang contact number ko sa bestfriend ko at nakikiusap pa rin siya. Hayuuuup!

After few days…

Nakasalubong ko ang ex ni Topher, siniraan niya sakin si Topher pero di naman ako naniwala sa ex niyang yun dahil mukha palang, di na siya mapagkatiwalaan at alam kong may feelings pa rin siya kay Toph kaya niya ginawa yun at pinagtanggol ko nalang si Toph that time kahit nakakabwiset yun. Naawa lang ako kay Toph that time dahil sa ginawa ng ex nyang monggoloid!!! ><

After nang pag uusap ko sa monggoloid niyang ex at umalis na rin ako… Accidentaly, nagkita rin kami ni Toph! Anak ng tadhana naman talaga oh.

Dinala niya ako sa coffee shop at pinakiusapan ako na magpanggap na mag asawa talaga kami. Marriage contract lang naman daw kahit 3months lang at pagkatapos ng 3months nay un, sasabihin din naman namin sa lahat na hindi totoo na kasal kami. Dahil after 3months na din na iyon ay sa ibang bansa na ang ex niyang monggoloid!.. At dahil nadala na naman ako sa awa, pumayag na rin ako sa marriage contract namin! Haaay! Jusko naman Diane, anong kahihiyan to! ><

Nagkaroon din kami ng kasunduan nun, binayaran niya ako at tulungan ko daw siya magpaselos sa monggoloid niyang ex. Aww. Hindi naman sa bayaran ako noh, at hindi kami mahirap! Sadyang sayang naman ang pera. Hahaha XD Ganda nga eh, wala pa akong trabaho, may pera na ako, makakatulong din naman yung perang binayad niya sakin sa paghahanap ko ng trabaho after ng 3months na yun.

Magkasama rin kami sa iisang condo. Rich kid eh. Bigtime! :D At isang araw, nung nakita naming yung ex niya, nagpakita rin kami at nag PDA, opo! Pag pasensyahan niyo na, landian portion ang peg eh. Trabaho lang, walang personalan! XD

After ng ilang araw. Close na talaga kami ni Topher at selos na selos na rin ang kanyang ex na nakipag hiwalay din sa kanya yung boyfriend niya. Hahah! Kawawa naman siya, lol. Karma na rin yun sa panloloko niya kay Toph. At dir in namin namamalayan ni Toph na nahuhulog din kami sa isa’t isa. Parang bumabalik na rin yung feelings ko sa kanya noong 2ndyear ako. nung inlove na inlove talaga ako sa kanya. Haaay. Pero pano? Trabaho lang to eh. T____T Eh ako naman, kina’career ko ang pagpapaselos kay ex niya. Pshh. Pagbigyan! Hanggang isang araw, di ko namalayang nakatulog ako sa sofa. *Magkaiba yung room namin ha, malaking condo eh, richkid nga eh ;)* Habang sa sofa ako that time, kararating lang ni Topher mula sa company nila. bumisita lang naman daw siya. Nung nakita niya akong natutulog sa sofa, tumabi siya sakin. *OMG! I’m gonna die! Oxygen!* Nabigla nalang ako nung sinabi niyang,

“BAT KA BA GANYAN? IKAW NA ANG MAHAL KO AT HINDI NA SIYA, PERO BAT BINIBIGAY MO PA RIN AKO SA KANYA? MANHID KA BA? IKAW NA ANG MAHAL KO..”

Pero siyempre, tulug tulugan naman ang peg ko. Mahirap na kung ako’y magising sa oras na yun.

Binuhat niya ako papunta sa room ko at nilapag niya ako sa kama. Hindi niya lang alam na gising talaga ako sa mga oras na iyon kaya naramdaman ko ang paghalik niya sa labi ko… God! Please. Kinikilig ako! *^_________^* okay, kalma lang! Pero may sinabi pa rin siya nun,

“NGAYON KO LANG SAYO TO MASASABI HABANG TULOG KA PA, DAHIL NATOTORPE TALAGA AKO PAG KAHARAP KITA. ARAW ARAW KO NALANG SINUSUBUKAN NA SABIHIN SAYO ANG TOTOO PERO HINDI KO TALAGA MAGAWA. NAG AANTAY LANG AKO NG TAMANG ORAS. PERO NGAYON, ALAM KO NAMANG DI MO AKO NARIRINIG PERO IKAW TALAGA ANG MAHAL KO.”

Habang kilig na kilig talaga ako pero sige lang, tulug tulugan pa rin ako. ;)))

 Umalis na rin siya ng room ko noon at kilig na kilig pa rin ako hanggang kinaumagahan,

Hindi ako nagpahalata na alam ko na ang lahat. Hihi. Pumasok ako sa kwarto niya, nagbibihis siya ng kanyang polo sa oras na yon dahil pupunta na naman daw siya sa kanilang company. Sinabi ko sa kanya na ako na ang mag aayos ng kanyang neck tie. Habang inaayos ko yun, tawa siya ng tawa. Ewan ko ba. Pero syempre ako, natatawa din dahil di niya alam na gising talaga ako nung sinabi niya lahat ng nararamdaman niya at yung 1st kiss na yun. Jackpot! Hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Marriage ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon